"Ynah!!!!" Sigaw ni Lara
Eto talagang si Lara napakapalenkera. Sa isip ni Ynah
"Bakit?" Pabulong tanong ni Ynah
"Ang gwapo nong starplayer ng Senior sa basketball" sagot ni Lara na kinikilig na kala mo eh maiihi, dahil sa namimilipit.
"Kurutin na kita Lara, pwede ba umayos ka! Dyn ka muna suli ko lang tong book sa Library."
"Sige pero balik ka kagad para punta tau don sa gym."
"Opo mam! Wag ka umalis dyn. And behave, yang leeg mo baka mabali sa kakahanap ko ng gwapo." Wika ni Ynah at unalis na papuntang Library na nasa ikatlong palapag ng Bldg 1. Na nakaharap sa Blg 3 kung saan nandon ung gym.
Sa pagpasok ni Ynah sa Library, nagbubulungan ang mga student assistant.
"Grabe no ang pogi ni Bryan. Sana naman mapanood natin ang laro nya mamaya"
"Dito na ba sya magaaral? Db may kinukuhang subject lang yan dito? Taga PSBA talga sya?" Wika nong isa
"Sana dito na sya mag aral. Para lagi natin syang nakikita at d na nakakantok magbantay dito sa Library."
"Oo nga. Ang sipag din kasi nya magaral. Biruin mo dito sa Library ang tambayan nya."
Lihim na napangiti si Ynah sa mga narinig. At naging curios na din sya sa pinaguusapan ng mga eto.
"Ehem, excuse me po!"
"Ay Ynah, ikaw pla yan"
"Sauli ko lang tong book na hiniram ko."
"Ynah ikaw ba nakita mo na si Bryan? Bagay kayo non, isang mala Aga Mulach at isang Joyce Jimenez" wika ng isa
"Kayo talaga! Maraming salamat!"
"Pasign na lang dito ako Ynah." Wika ng isa sabay abot ng papel para sa pagsasauli ng hiniram na libro.
"Salamat ulit" sabay alis ni Ynah. Na di maalis sa isip ang pinaguuspan ng mga student assistant. Sabay sambit "Bryan".... may kakaibang naramdaman ang dalaga ng sambitin nya ang pangalang iyon.
Nang makarating na sya kay Lara. Inaya na nya eto na pumunta ng gym. Kumakabog ang dibdib nya. Kabog ba eto ng excitement dahil sa intrams. Or excited sya na makita si "Bryan".
Pagpasok nila ng Gym, ang daming tao na na naandon na. May mga outsider don kasi na manonod ng finals ng basketball.
Nakahanap sila ng pwesto ni Lara sa gitnang bahagi ng bleachers kung nasaan andon din ung mga kaklase nila. Nakaharap sila sa mga players . Sa kanang bahagi nila ay ang mga senior players at sa kaliwang bahagi ng court ang Juniors. Humahaba ang leeg ni Ynah sa paglinga sa kanang bahagi hinahanap nya ang sinasabing "Bryan".
Ngunit ang mga players ay nakapaikot na nakikinig sa instructions ng kanilang coach.
May malakas na tugtug ng drums na nagbibigay ng ibang sigla sa mga taong nasa loob ng gym. Ang atmosphere ay nagbibigay ng ngiti sa bawat isa. Ang mga cheerleaders ay umiindayos sa gitna ng court.
Ng matapos ang kanilang presentation, may isang taong pumagitna at ngbigay ng speech at pasasalamat sa mga sumuporta sa kanilang matagumapay na intrams. At ang lahat ay nagpalakpakan.
At ng magsisimula na ang laro. Isa isang pinakilala ng koponan ang kanikanilang first five. Unang pumasok sa court ang team ng Juniors.
Sa bawat pagtawag ng pangalan, tumatambol ang drums ng pagkalakas lakas. Hanggang sa ang Senior na ang tatawagin. Lahat ng tao ay nagsitayuan. Si Ynah ay nanatiling nakaupo lamang. Inaantay nya na tawagin si "Bryan" pero bigla nyang naiisip apelyedo nga pla sila tinatawag.
Ng sya tumayo at sa akmang pagtawag ng "Castillo" napalingon sa dako nya ang tinawag at ngtama ang kanilang mga mata na may kung anong kaba ang naramdaman ni Ynah. Na sa gitna ng maingay na lugar para bang sa isang saglit bigla etong naging tahimik.
Nagsimula ang laro. Hinde na nagawang magsiupo ng mga nanonood. At sa bawat pag shoot ng bola ni Castillo lagi etong lumilingon sa kanilang banda.
Sunod sunod na nag 3-3 points shoot si Castillo. Magaling etong maglaro. At sabawat pagshoot nya ng bola talga namang napupuno ngbhiyawan ang buong gymnasium. Ngunit d papahuli ang Juniors magaling din sila maglaro. Hanggang sa umabot ang huling quarter ng laro, do or die ang laban. Nasa free throw area si castillo. Kahit isa lang ang maipasok nya tiyak na ang panalo ng Senior. Nag sign of the cross eto at bago ishoot ang bola. Tumingin eto sa lugar nila at ngflying kiss. Alam nyang sa kanya un dahil ngtatama ang kanilang mga mata. Kumakabog din ang dibdib nya na kahit sya nanalangin na sana maishoot. At binitawan ni Castillo ang bola. Napapikit na lamang si Ynah. Ang narinig na lang nya ay sigawan at sinisigaw ang pangalang Castillo!!!!