Prologue

8 0 0
                                    

"I used you and the whole gang know it" mabilis na tumulo ang luha ko sa sinabi ng kaisa-isang lalaki na minahal ko.Why?

"Mahina ka, ayaw namin ng pabigat sa grupo!" sabi ng ka gang ng boyfriend ko na itinuring kong tunay na kaibigan.Why?

"Kahit kailan hindi naman kita tinuring na kaibigan!" sigaw sa akin ng tinuring kong best friend.Why?

"Mahina at useless ka naman. Pinakikisamahan ka lang namin dahil boyfriend mo ang leader ng gang dito sa school" sabi ng mga kaklase ko.Why?

"Pasensya na Anak kailangan namin umalis ng mommy mo, mawawala kami ng mahigit isang taon para maayos ang business natin sa Parish kami na ang gagawa dahil hindi mo naman kaya" it was dad and they are ready to leave without telling me kung di pa ako nakauwi ng maaga.Why?

"Bunso sa Cebu muna ako magtitigil, doon kasi location ng bagong drama ko. Uuwi ako dito pagkatapos na ng shoot, kung nag artista ka ba naman din sana sikat ka na ngayon pero dahil sabi mo hindi mo kaya, kaya ayan ako na lang" sabi ng ate kong artista.Why?

Why? Everyone is leaving me. Una yung boyfriend ko na ginamit lang ako para makaganti sa Ex-girlfriend niya. Pangalawa yung mga itinuring kong kaibigan. Pangatlo yung best friend ko na kahit kailan daw hindi ako itinuring na kaibigan. Pangapat sila Mom and Dad aalis kung kailan kailangan ko ng makakausap. At panglima si ate na aalis din.

Lahat sila wala ng pakialam sa akin. Iniwan na ako ng lahat ng taong pinahahalagahan ko.

Ganito siguro talaga kapag ibinigay mo ang lahat ng  pagmamahal mo sa kanila tapos kapag bigla silang nawala, wala nadin sayong matitira.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa  kama at humarap sa malaking salamin ko. Dahil ba mahina ako? Kung ganoon magsasanay ako para lumakas at hihigitan ko kayo. Itaga niyo sa bato makakaharap din ako sa inyo isang araw na walang luhang pumapatak sa mata ko.

Kinuha ko Cellphone ko at hinanapang numero ng taong alam kong matutungan ako. Siya lang ang pagasa ko ngayon matapos akong iwanan ng lahat ngayong araw. Nakailang ring ang kabilang linya bago may sumagot dito "What's up Ylona!" masigla sagot niya sa akin "Help me" iyon lang nasabi ko kaya tumahimik siya "Alright. Pupuntahan kita diyan" pinatay niya agad ang tawag.
Ipapakita ko sa inyo na kayang ko rin maging malakas ng wala kayo. Sinaktan niyo na ako, dinurog mo pa ang puso ko. Hayop ka. Magagantihan din kita. ASHTON CLINT LIM.

When Innocent Fight BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon