Her
TANAW sa bintana ng van ko ang mga studyanteng may hawak na banner na may pangalan at picture ko, sumisigaw ang mga ito na lumabas na ako pero kailangan muna isecure ng mga tauhan ni daddy ang buong school. Napatingin ako kay kuya ng tumunog ang cellphone niya, tinapat niya ito sa tainga niya matapos ay pinatay agad. Bahagya siya nag squat papuntang likod ng upuan ko para kuhanin ang isang maliit na blanket, tinignan niya ako bago binuksan ang pintuan ng Van, mas narinig ko ang ingay ng mga tao, isinisigaw ang pangalan ko. Nang makita kong ibinuka na kuya ang maliit na blanket ay ngumiti ako bago lumabas ng van, laging ginagawa ni kuya iyon dahil madalas akong naka dress o kaya naman ay naka skirt sabi niya para hindi daw ako masilipan. Hinintay ko muna na maipasok ni kuya ang hawak niya blanket sa loob ng van at humawak ako sa braso niya pagktapos ay nakangiti akong kumaway sa mga tao at school mates ko na nakaabang sa akin dito sa labas ng LTIA. "Feel na feel mo naman ang pagkaway diyan!" Natatawang bulong sa akin ni kuya kaya napatawa narin ako. Mabuti na lang madaming guard ang pinadala ni daddy ngayon kaya hindi kami nahirapan na makapasok agad sa loob ng Academy. Iginala ko ang tinggin ko sa malawakna open area ng school, kasunod ang garden na malapit sa main gate, ang daming nagbago, sabagay apat na taon narin naman ang nakakalipas. Isang staff ng school lumapit sa amin na nakangiti at sinabing sumunod kami sa kanya hanggang makarating kami sa faculty room, naroon ang lahat ng teachers. Agad din naman kaming umalis ni kuya ng makuha namin ang ang schedule namin na ni-request ko pa kay daddy na gawaan ng paraan para maging magkaklase kami ni kuya and thanks God he really did. Magkahawak kamay ni kuya habang hinahanap ang RM.465 SEC.1. After so many years nasa tapat narin kami ni kuya ng RM.465 SEC.1. Binitawan niya ang kamay ko bago bahagyang kumatok, bumukas ito at sumilip ang isang babaeng nasa edad 30's, nanlaki ang mata nito ng makita niya ako kaya ngumiti ako sa kanya "Good morning Ms. Transferee po kami!" masigla kong sabi sa kanya, mabilis naman itong umaayos ng tayo at binuksan ng malaki ang pintuan "I know! Kanina ko pa nga kayo hinihintay. Ako nga pala si Mrs. Altimo, english teacher niyo" nangiting niya sabi sa akin kaya tumango ako sa kanya bahagya akong hinila ni kuya papasok sa loob na agad namang nagkaingay nang makita ako. Ang iba pa nga ay humingi ng selfie at autograph ko na mabilis kong tinanggihan at sinabing mamaya na lang uwian "Class quite please!" pasigaw na sabi ng teacher na katabi kong nakatayo ngayon dito sa harap tumahimik naman sila pero ang iba ay nagbubulungan at panakaw pang kumukuha ng picture ko "Hayaan niyong magpakilala sila sa inyo!", dagdag pa ni maam, matapos ay tumango siya amin hudyat na pwede na kaming magsalita. Siniko ko si kuya para sabihin na siya na ang mauna pero ang loko siningkitan pa ako ng mata bago nagsalita "I'm Demithrie Clark Eliscave, 20 years old from L.A" may ngiting sabi nito kaya naman ang ibang babae dito sa loob ay bahagyang napapatili, tumingin siya akin kaya nagsalita na ako "And I'm Ylona Kaye Margus Eliscave, 19 years old from L.A" nagtilian sila pero agad din napatingil ng may lumagabog sa bandang likuran kaya napatingin kaming kahat doon, pinigil ko ang nagbabadya na pagsinghap ko na malakas ng makita ko ang mga taong naka upo sa isang hilerang upuan sa bandang lukod. Mga tao na dahilan ng pagbalik ko sa paaralang ito. Ashton, Brixter, Giro, Veronica at kasunod pa ang ibang membro nito. Nakangiting tinitigan ko sila isa-isa, mga naging mature na ang itsura nila ngayon. Hinatid kami ni Mrs. Altimo sa upuan na nasa unahan lang nila, kaya diretso akong umupo doon ganoon din naman si kuya nakaupo sa tabi ko, seryoso itong nakatingin sa unahan kaya hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya, i mouthed why pero ngumiti siya sa akin at umiling. Umalis na si Mrs. Altimo kaya muling nagkaingay ang nga kaklase ko at nanghihingi ng autograph at selfie katulad kanina ay tinanggihan ko ulit at sinabihan naman ni kuya na mamayang uwian na lang "mamaya na lang naiipit niyo na si Ylona please. Thanks" mahinahon niya sabi na agad sinunod ng mga ito. Hawak parin ni kuya ang kamay ko habang pinaglalaruan ang daliri ko na may nakalagay na singsing na katulad ng sa kanya. Ang simbolo. Bahagyang binitawan ni kuya ang kamay ko at binuklat ang schedule namin "kaya pala walang klase dahil vacant ngayon Ylona!" napatingin ako sa kanya "Really? That's good! We have time to rest! Napagod ako sayo kagabi" sabi ko sa kanya na ikinatawa niya lang, ang ganda ng higa ko gabi ng bigla siyang magyaya ng sparing dahil naboboring siya syempre umaayaw ako kaya lang mapilit kaya pinagbigyan ko na! Quarter to 10 na nga kami nakapaghinga kaya nakakaramdam ako ng antok ngayon.
Umayos ako ng sandal sa upuan ng maramdaman ko ang pagakbay ni kuya sa likod ng upuan ko, inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong. "Kailan mo sila kakausapin?" bumaling ako sa kanya "Hahayaan ko na mauna sila kuya" mahina kong sagot sa kanya kaya tumango lang siya.
BINABASA MO ANG
When Innocent Fight Back
РазноеKapag nawalan ka ng pera gagawa ka ulit ng paraan para magkaroon ulit. Kapag naubos na pagkain magluluto ka ulit para may maihain. Kapag tinamad ka maglakad magsasakay ka. Pero paano kung ang kaya mo lang gawin ay magmahal ng sobra pero sa huli iiwa...