Chapter 9 - Confessions

8 0 0
                                    

Isang taon na kaming laging magkasama ni Zen mas naging close, mas naging komportable kami sa isa't-isa, mas nagkakilanlan pa at ngayon nang dahil sa mga pinapakita niya ay may nararamdaman na ako sa kanya. Alam kong mali kasi magkaibigan kami, alam kong hindi tama kasi alam kong may mutual feelings sila ni Christine, minsan naiilang na ako. Alam ko kasing crush niya iyon at crush din ni Tin si Zen, napakahirap para sa akin lalo na kapag magkasama kaming dalawa at biglang susulpot si Tin nagmumukha akong thirdweel. Ayoko nitong nararamdaman ko kay Zen kasi baka masira ang pagkakaibigan namin kapag ipinaalam ko. Gusto ko tuloy lumayo muna sa grupo kaso ayoko namang maisipan nila na meron na ngang malisya sa akin ang ginagawa ni Zen para sa akin.

"Goodmorning bes" Sa gitna ng pagmumuni muni ko bigla na namang sumulpot itong isang 'to, alam mo yung gusto mong kiligin pero pinipigilan mo kasi hindi pwede?

"morning, mag breakfast ka na. Nauna na ako sa'yo kasi kanina ka pa namin ginigising nila ate kaso ayaw mong magising." Hindi makatingin sa kanyang saad ko.

"Nice, Buti naman nauna ka na kasi ayokong nagugutuman ka bes" panglalambing niya.
Naku! Wag mo'kong ginaganyang kulugo ka, dyan ako nahuhulog sa'yo eh.

"Kumain ka na nga dyan." Sabi ko't umalis na pero narinig ko pa ng sinabi nya bago ako makaalis sa may balkonahe.

"Ang sungit mo ngayon bes ah, pasalamat ka gihigugma tika maong sabton tika. (Pasalamat ka mahal kita kaya iintindihin kita)

Hindi ko na siya pinansin at nagtungo na ng kusina, kung ano ano nanaman ang pinagsasabi nung alien na iyon.
Naghain nalang ako ng makakain nung isa bago ako pumunta ng kwarto upang mag ayos ng sarili papuntang school.

Habang naliligo ako hindi mawala wala saking isipan yung mukha nya kapag bagong gising, mukha nya kapag tulog, pag nakangisi, kapag kumakain at simpleng titig niya mas lalo akong naiinlove. Gusto kong baguhin ito ayoko na nito!

Fine! Mamayang gabi kapag dito sila matutulog makikipaginuman ako sa kanila, lalasingin ko sarili ko at aamin na ako sa kanya. Tanggapin niya man o hindi atleast nasabi ko diba? Hays makapagtapos na nga.

Nung matapos ako ay dumiretso na ako ng alis without knowing kung andun pa ba yung bestfriend ko sa bahay, nakakabastos man pero ayoko muna siyang makausap o kahit na sino man sa barkada dahil gusto kong magisip at mapagisa para mahanapan ko ng solusyon ang problemang nararamdaman ko. Noon akala ko ang feelings ay parang Math lang, bibigyan ka ng problem at isosolve mo iyon gamit ang formula kaso ngayon kahit anong formula yata ang gamitin ko hindi ko masosolusyonan ito kaya gagawa nalang ako ng sariling formula to solve this case.

Andito ako ngayon sa school graden, nag iisip at nagmumuni-muni na rin, maya maya pa'y nag ring na ang Bell senyales na Flag Ceremony na. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat kasi lagi ko siyang katabi sa mga ganitong pilahan dahil magkasingtangkad lang kami.

====================================

Zen's POV:

"Anong problema ng prinsesa pre?" Pagtatanong ko sa tatlo habang naglalakad papuntang classroom, kakatapos lang kasi ng Flag ceremony namin at napansin kong hindi talaga kami kinikibo o tinitignan manlang ni Max.

"Hindi ko rin alam eh, napansin ko ngang wala siya sa mood." Kunot noong sagot sakin ni TK

"Hindi ba kayo nag away kanina? Diba dun ka natulog sa kanila?" Sabat naman ni Jay

"Magtatanong ba ko kung alam ko namang may pinag awayan kami? Psh." Pambabara ko sa koreanong 'to.

"Pabo! Aniya! What i mean is baka may nagawa kang ikinagalit niya" (Pabo is Stupid and Aniya is No in korea) pikong sigaw nanaman ni singkit, kaya ang sarap nitong asarin eh, ambilis kasing mapikon. Hahahaha

"Easy pare! Pero wala talaga akong maisip, nilalambing ko pa nga kanina yon eh"

"Kausapin nalang natin mamayang break time, magmadali na tayo baka andun na si Ms." Nagmamadaling sabat naman ni Rex

"Ay! Buhay ka pa pala dude? Hahahaha" pang aasar ni TK

"Psh takbo na mga pare late na tayo ng 5 minutes." Nagsitakbuhan na nga kaming lahat buti at pagkaupo namin ay mismong dating din ni Ms. kundi malalagot nanaman kami.

Yung katabi ko di niya pa rin kami iniimik kaya alam kong may problema pero hahayaan ko nalang muna siya hanggang sa makausap namin siya.


Icia's POV:

Gabi na, nagiinom ako dito sa may balkonahe ng aking kwarto maya maya ko na sila tatawagan, conference call ko nalang silang lahat upang isahan lang.

Maya maya nung nararamdaman ko na ang hilo ay nagconference call na nga ako sa apat, alam na nila iyon.

Tumatagay pa rin ako habang hinihintay sila, di na kakatok yung mga yon kasi alam ko na naman ng pupunta sila.

"Hoy bat ka nagsosolo?" Bungad ni Ken
"Alam mo bang masama iyan?" Pangaral naman ni Jay
"at nakakalasing rin yan kapag ikaw lang mag-isa. Hahahahaha" Banat naman ng bano na si Rex
Tumingin ako kay bes sa pananahimik niya inunahan ko na siya
"Eh ikaw?! Anong banat mo?"
"Wala. Inubos na nila eh, painom nalang ako." Sabi nya sabay upo sa gilid ko

Nag iinuman kami ng malasing ako ay inaya ko si Zen sa labas, This is it Icia! Aja!

========================================

Zen's POV:
Nag iinuman kami nang magyaya sakin si Max sa labas ewan ko ba dito, Lasing na yata pero ako kahit hilo wala pa. Matagal akong tamaan ng alak lalo na kapag nasa kondisyon ang katawan ko, Andito kami sa may garagge nila nakakapagtaka at mukhang napakaseryoso ng paguusapan naming dalawa kasi kung bakit kelangan pang lumayo.

"Bes, ano paguusapan natin?" Pangunguna ko kasi nakayuko lang siya at parang walang balak na magsalita pa.

"I like you, No I already love you Zen. Wag mong isipin na lasing ako at wag mo akong tatanungin bukas patungkol sa sasabihin ko ngayon. Ewan kung kailan nagsimula ang lahat ng ito pero siguro nahulog ako sayo nang dahil sa ipinapakita mo sakin. Alam kong mali kasi magbest friend tayo, Alam kong mali kasi nagkakagustuhan kayo ni Tin, alam kong mali kasi hindi mo naman ako magugustuhan pero sana wag mo akong layuan after nito. Kanina nagdesisyon na akong wag muna kayo kausapin para mapagisipan ko ng mabuti. Sorry kung nahulog ako, sorry kung minahal kita, sorry kung naging malisya ako, sorry kung---" pinutol ko na ang sasabihin niya, niyakap ko siya sabay sabing

"Mahal din kita matagal na, naging crush ko lang si tin pero never kong nagustuhan iyon. Mahal na mahal din kita kaya wala kang dapat ikasorry" pagco-confess ko rin sa kanya.

Nagyakapan kami hanggang sa makatulog siya sa bisig ko't kinarga ko siya papuntang kwarto niya buti na lang iyong apat pagdating namin dun ay mga tulog na rin. Hiniga ko si Max sa higaan niya at hinalikan sa noo, mag isa na lang akong iinom mas lalo akong hindi tinamaan ng alcohol, kinikilig ako sa confessions na nangyari sana lang hindi niya pagsisihan ang mga pinagsasasabi niya kanina kasi ako paninindigan ko iyon lasing man siya o hindi may pruweba akong nag confess kami sa isa't isa.









A/N: Hiiiiii! Ngayon lang ulit nakapag update medyo naging busy sa church and naging busy sa lablayf ang kapangga ninyoooo! HAHAHAHAHA talanders si oks. Pero ngayon update na ulit. Don't forget to Vote, comment and share guys! Also follow me on my social media accounts.

FACEBOOK: Tri Salibay Largo
TWITTER: triciavlogs_
INSTAGRAM: trigitarista30
YOUTUBE: Tricia Vlogs

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Met You Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon