Time Travel

1.7K 28 2
                                    

Nagising ako sa malakas na tilaok ng manok. Napadilat ako kaagad dahil imbes na alarm clock ang bubungad sa akin, ay tilaok ng manok.

“Wala naman akong matandaan na may manok sina Daddy ha?” gulat kong tanong.

Babangon na sana ako kung hindi ko lang naramdaman ang pananakit ng aking likod.

“Huh? Bakit papag ang higaan ko?” gulat kong tanong saka ko pinilit na bumangong muli.

“Inay, inay!” pagkalabas ko ng kwarto, boses ng isang lalaki ang sumalubong sa akin. “Ako na ho ang gagawa riyan,” sabi nito saka kinuha ang mga plato sa kaniyang nanay saka ito inilagay sa lamesang kahoy.

“Ako na lamang, anak. Kaya ko naman ito,” sagot nito ngunit umiling sa kaniya ang kaniyang anak.

“Ako na lamang, inay. Kaya ko naman ito,” ngumiti ang lalaki saka ito napatingin sa gawi ko na ikinalaki ng aking mata. “Gising na pala ang ating panauhin, inay. Magandang umaga, binibini,” ngumiti ito sa akin kaya naman ngumiti ako sa kaniya.

“G-Good--” napailing ako sa sinabi ko. “Magandang umaga rin po.”

“Kay ganda mong bata ka, bakit nga ba nagpagala-gala ka sa kalye kagabi?” tanong ng ginang sa akin.

Umiling ako sa kaniya, “Hindi ko rin po alam kung paano akong napadpad dito” sagot ko.

Ngumiti ito sa akin saka lumapit sa akin, “Mukha kang dayuhan, binibini,” nahihiya akong napayuko sa sinabi nito. “Maputi ka at halatang may sinabi sa buhay,” napatingin ako sa suot ko.

Pinagkumpara ko ang suot namin, ang ginang ay nakasuot ng isang normal na damit at mahabang palda na aabot na halos sa kaniyang paa. Samantalang ako ay nakasuot ng ripped jeans at off shoulder.

'Hindi ba nila nahahalata na hindi ako galing sa panahon na 'to?' tanong ko sa aking sarili.

“Mamaya ay sumama ka sa amin sa bayan. Maraming magagandang damit ang babagay sa iyo roon at para na rin makapamasyal ka,” sabi nito sa akin kaya naman napangiti ako.

———
“Kay gandang dalaga naman niyang panauhin niyo,” napayuko ako sa sinabi ng kanilang kapitbahay.

“Ngunit, bakit tila kakaiba ang kaniyang kasuotan?” Tanong ng isang dalaga.

“Marahil ay isa siyang dayuhan,” sagot ng kaniyang ina.

Hindi kagaya sa panahon na aking kinagisnan, ang makalumang panahon ay puno ng magigiliw na mga tao. Walang mga taong nagchi-chismisan, walang mga taong namba-bastos, at mas lalong walang mga tao ang halos bastusin na ang kanilang kapwa maging masaya lang. Dito ay halos nagkakasiyahan ang buong tao, masayang binabati ang isa't isa at nagkakaunawaan sa lahat ng bagay.

———
“Maaari ka munang magtingin-tingin sa tindahang ito.”

Napalingon ako sa tindahan na sinasabi niya.

“Maraming magagandang damit diyan na nasisisigurado kong babagay sa iyo,” sabi nito saka ako tinapik ng dalawang beses sa aking balikat. “Mamili ka na muna riyan at babalikan kita matapos kong mamili ng ating uulamin mamayang tanghalian,” tumingin ako sa kaniya saka tumango.

“Sige po. Hintayin ko po kayo” sagot ko sa kaniya.

“Diyan ka lamang ha? Babalikan kita,” sabi nito sa akin.

Kagaya ng sinabi ng ginang, marami ngang magagandang damit dito. Ngunit hindi ito kagaya ng kasuotan na nakasanayan ko.

“Bakit ka nakaripped jeans?” napalingon ako sa nagsalita saka siya kinunotan ng noo.

Compilation of Short Stories (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon