[FULL MOON]

155 16 0
                                    

“Guys, hanggang 10 pm na tayo rito sa school” mabilis akong napalingon sa sinabi ng president namin. “O kaya naman mag-overnight na tayo” napasinghap ako sa sinabi nito.

“Uuwi ako” sagot ko sa kaniya.

“Pero masyado ng delikado kapag umuwi ka pa ng 10 pm, Vanessa” sabi nito sa akin. “Dito na lang tayo matulog para matapos na rin natin ang props at design na gagawin natin sa Christmas Ball”

“Ayoko nga” sagot ko habang nanginginig na nakahawak sa gunting.

Isa ako sa SSG officer ng school namin at kami ang naassign na magdecorate ng school.

“Pero delika--”

“Mas delikado ang pamilya ko” seryosong sagot ko sa kanila kaya naman natahimik sila. “I mean magagalit sila sating lahat kapag hindi ako nakauwi” dugtong ko pa kaya naman natawa sila.

“Baka dito na kami magstay sa school, sure ka ba talaga na uuwi ka?” tanong muli ng vice president namin kaya naman tumango ako sa kaniya.

“Uuwi rin ako” napalingon ako kay Nick. “Kailangan ako sa bahay” sagot nito.

“E di sabay na lang kayo” sabi ng kaklase namin.

----
“Vanessa?” napalingon ako kay Nick nang tawagin ako nito. “10:45 na” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya saka mabilis na binitawan ang gunting.

“Uuwi na ako” mabilis kong sabi saka sinukbit sa balikat ko ang bag ko. Hindi na ako nagpaalam sa mga kasama ko. Mabilis akong naglakad palabas ng SSG room na nasa 4th floor pa.

“What's with the rush?” tanong ni Nick habang sinasabayan ang paglakad ko.

Hindi ko siya pinansin, instead iniangat ko ang tingin ko sa buwan.

“Shit” mahinang sabi ko saka mas binilisan ang paglakad. “Anong oras na sa 'yo?” tanong ko kay Nick habang nagmamadaling maglakad sa hallway.

“10: 55” one hour and 5 minutes na lang.

----
“Mauna ka na, Nick” sabi ko rito pagkalabas namin ng school.

“No. Ihahatid kita sa inyo” sagot nito sa akin.

“Malayo ang bahay namin. Umuwi ka na” sabi ko habang naghihintay ng taxi. “I can manage myself”

“Please? Let me” napapikit ako sa sinabi nito.

“Hindi pwede, Nick” sagot ko sa kaniya habang nakatingin sa kalsada.

Shit. Walang jeep maski taxi o bus wala rin.

“Bawal kang makita ng pamilya ko” sagot ko sa kaniya.

“Kahit sa kanto niy--”

“Anong oras?” lumingon ako sa kaniya at napansin ko na nakakunot noo siya.

“Bakit tanong ka nang tanong ng oras?” kunot noong tanong nito. “11:17”

“What?! Bakit ang bilis naman ng oras?” gulat kong tanong.

“Kaya nga e. Wala pang jeep or taxi. Mahirap talaga sumakay pagkagantong oras” sabi nito sa akin.

“Uuwi na ako” sabi ko kay Nick saka siya mabilis na tinalikuran.

“Wait, Vanessa. Ayun may bus” mabilis akong napalingon kay Nick.

Pinara niya ang bus saka ako pinaunang umakyat. Sa may bandang dulo kami naupo dahil medyo marami ang sakay nito.

----
Nagising ako nang makaramdam ako ng bahagyang uhaw sa katawan. Doon ko napansin na nakahinto ang bus na sinasakyan namin.

“Gising ka na pala” napalingon ako kay Nick nang magsalita ito. “Nasiraan daw” halos mapanganga ako sa sinabi nito.

Compilation of Short Stories (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon