Untitled I

14 1 0
                                    

*Knock Knock*

Napa-balikwas agad ako sa pagkakahiga sa kama at naglakad para buksan ang pintuan. Nasa kwarto lang ako nakatambay sa buong Semestral Break ko, wala akong ibang ginagawa kundi makinig ng mga kanta o manuod ng mga live performance sa YouTube ng mga sikat na Singers at Rappers. Kahit di naman ako marunong kumanta o mag rap ay hilig kong makinig o manuod ng mga ganun. Minsan pa nga sinasabayan ko kahit alam ko sa sarili ko na pangit yung boses ko.

Pagka-bukas ko ng pinto ay bumungad si Papa sa harap ko. Hindi siya pupunta dito sa kwarto ko kung hindi importante and sasabihin niya.

"P-Pasok kayo" pagpapatuloy ko sa kanya, pumasok naman siya at umupo sa may couch. Sinarado ko na yung pinto at naglakad papunta sa harap niya.

"A-Anong 'hong kailangan nyo?" nakatayo lang ako sa harap niya, di rin naman siguro siya mag-tatagal. He take a deep breath bago nag-salita.

"M-Maupo ka muna~"

"Di na po" I said coldly.

Tumango-tango nalang siya. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng pajama na suot ko.

"Sa susunod na araw, dito na titira ang Tita Jenny mo at ang anak niyang si Kristine" natigilan ako pero agad din akong kumalma. Finally! Mag-sasama na sila ng bagong babae niya! Finally! He's completely free from pain!

"At ikakasal na rin kami next month" pumikit ako para kumalma. Ayoko na patulan ang mga decision ni Papa dahil pagod na rin ako. Pagod nakong masaktan.

"Well Congrats!" umangat yung tingin niya sakin. Ngumiti ako, kailangan kong ngumiti para di niya mahalata na nasasaktan ako. Pinilit kong ngumiti.

I should act like everything is okay to me. I should act like I already accept the fact na magkakaroon na ulit ng bagong pamilya si Papa. I should do this para kay Mommy. I should be happy for Papa's decision.

Tumayo siya at niyakap ako. Dahan-dahan ko rin siyang niyakap pa balik kahit labag sa loob ko.

"T-Thank you anak! Thank you Victoria!" at soon ko naramdaman na umiiyak na si Papa. Maybe because he's happy that he thought tanggap ko na lahat. I don't want to accept the fact na magiging masaya na si Papa while I am still in pain. But I need to.

Kumalas na siya sa pagkakayakap at tinignan ako ng may ngiti sa labi. Yung ngiting yun, ang sakit tignan, dahil yung ngiting yun, ay ngiti ng isang taong maligayang-maligaya.

"You don't know how happy I am anak!" and you don't know how sad I am Papa!. Inilagay niya ang mga iilang hibla ng buhok ko sa likod ng teynga ko.

"Thank you so much Victoria!" he kissed me on my forehead.

Sorry Papa, pero hindi ko kayang tanggapin ng buo ang kaligayahan mo. I'm sorry, I'm so selfish not to accept your decision.

"I'm sure magkakasundo kayo ni Kristine, and! She's kind and may similarities din kayo! Kasig dead mo lang din siya. Pareha din kayong maganda~" maligayang sabi niya. Ngumiti ulit ako ng pilot para di niya mahalata na di ako sang ayun sa sinasabi niya.

"Dalawa na kayong magiging Prinsesa ko!" sobrang lawak ng ngiti niya. Damn! Ang sakit! Dalawa na kami?! May kahati nako?! Dapat ako lang dapat yun Pa! Ako Ang dapat ang nag-iisang Prinsesa mo!

Pinili ko pa ring ngumiti kahit ang sakit-sakit na talaga.

Mag-sasalita pa sana siya pero may kumatok sa pinto.

"B-Bukas can!" sigaw ko. Muntik pang massaging boses ko dahil sa sakit ng lalamunan ko na kanina ko pa ini-inda.

Bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang katulong namin dito sa mansion.

"Sir, may tumatawag po sa inyo sa telepono" nilingon muna ako ni Papa at hinalikan ulit sa noo.

"Thank you anak!" at tuloyan na siyang lumabas sa kwarto ko. Pagka-labas niya ay ni-lock ko agad ang pinto. Mandala sa pinto at isa-isa ng bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Gusto kong sumigaw ng napaka lakas pero di ko magawa.

Napa-upo nalang ako sa sahig at patuloy pa rin sa pag-hikbi at pag-iyak. Hanggang sa dahan-dahan na nga akong napa-higa sa sahig.

"M-Mama I-I miss you M-Mama" di ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog.

------

Wazap mga mananap. Di joke lang haha don't forget to vote and comment.

Aja!

Suweyn,

UntitledWhere stories live. Discover now