Chapter 1

41 1 0
                                    

Zia's POV

Andito ako ngayon sa, volleyball court. May training kami, malapit na kasi ang Division. At kasalukuyan boys ang unang naglalaro. Ang gagaling nila, lalo na 'yong co-captain ball ko.

Si Justine Ronquillo, ang gwapo niya, kissable lips, maputi at may singkit na mata. He's a varsity player and a heartthrob sa buong city namin.  Sino ba naman ang hindi hahanga sa kanya diba? Actually he's my first love. Cliche right? Pero kasi simula freshmen palang kami seatmate ko na yan. Halos alam ko na nga buong pagkatao niya e.

Favorite color niya, black, food naman is chicken adobo, he likes sa girl ung, hindi maarte at totoo sa sarili, sa physical naman, matangkad lang, ayos na sa kanya. Ampangit naman daw kasi 6'3 ang height niya tapos 5'1 lang girlfriend niya. Buti pa ako 5'8. Bagay talaga kami. Joke.

Ugali naman niya, mabait, madaldal pag close ka niya saka, mahaba ang temper niya.

Teka, ako nga pala si Princess Zia Aragon, corny ng pangalan ko. 15 turning 16 this  October 26, 5'8 ako. Sabi sa inyo eh, perfect kami ni Justine. Anlandi ko na. Haha. Ah, basta I like him.

"Z, pasuyo naman oh." sabi ni Justine sakin. Ang hot niya. Naramdaman ko pamumula ng muka ko, hala nakakahiya.

"Hmm? Ano ba 'yon?" sagot ko bago tuluyang malaglag panga ko. Ang hot niya kasi.

"Palagay naman ng towel sa likod, basang basa na likod ko e." What? Omy. Is this freaking dream?

"H-ha? S-ure! Amin na towel mo." Bat ako nag stutter? Naman e, baka makahalata.

"Oh, thank you!" bakit noong nagsaboy ng kagwapuhan ang Diyos sinalo niya lahat.

Dahan dahan kong pinasok kamay ko sa likod niya, kinikilig ako. Yun nga nalagay ko na. May pawis nya tong kamay ko. Waah.

"Ayos na? Sige kami na rin e." paalam ko sa kanya, kami na kasi sabi ni Coach.

"20 laps!" sigaw ko sa team mates ko. Pagkatapos namin tumakbo, nag water break lang saglit at balik training agad. Kasama na namin ang boys.

"Zia and Justine come here!" sigaw ng coach namin.

"Yes coach? Bakit po?" tanong ko sa kanya.

"As you can see, malapit na ang Division kailangan na natin magpuspusan ng training." sabi ni coach samin, sabagay October na ngayon, sa November na 'yon, so it means kelangan na namin magseryoso sa training.

"Yes coach, so MWTHFS na ang training namin?" tanong ni Justine. Ang hectic naman, 2 days lang ang pahinga.

"Yeah, at dahil kayo ang captain ball kayo na ang bahala, sige mauna na ko." sagot ni coach, ito ang mahirap sa pagiging captain ball e. Psh.

"Sige coach, bye!" sabay naming sagot ni Justine. Nagkatinginan kami, at sabay na natawa.

"Tara, laro na tayo." yaya niya sakin.

"Game, first six mo, first six ko." sagot ko sa kanya. Tumango na lamang siya.

At ito nga naglalaro na kami, andaming nanonood pero ang nangingibabaw doon, si Jhasmine Smith. Siya ung nababalitaan na kaM.U ni Justine. Di naman sila bagay. Psh.

24-23 ang score lamang kami. Ang nasa service line ngayon ung assistant captain ko, si Alys Verediano. Sinerve na niya, narecieve ng kabila. At nagcombination play na sila, na sa amin na ung bola, at ung libero ang nagrecieve. Sinet ng setter namin, at pinalo ko na, pero.

"Shit!" sigaw ko.

-

Lame. A'ight? Sarreh. Its because its just my first story.

He's my seatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon