Chapter 3

34 1 4
                                    

-

What the. Pumayag siya? Sabihin niyo niloloko niya lang si Jhasmine. Fck.

"Teka tawagan ko si tita, papaalam ako." sabi ko. Agad namang bumaling atensyon nilang dalawa sakin.

Oo nga pala nasa cafeteria kami ngayon. Nagri-ring ung phone, antagal sagutin. Makaapat na ring saka lang sinagot ni tita.

"Hello tita goodmorning." bati ko sa mama ni Justine. Naka loudspeaker kaya rinig nilang dalawa.

"Hello goodmorning hija, napatawag ka?" ang sweet ng voice ni tita.

"Magpapa alam po sana ako, kung pwede makitulog sa inyo. Aalis kasi sila mama sa sabado e. Alam niyo naman tita takot ako magisa." pagpapa alam ko kay tita, may phobia kasi ako pag magisa ko lang sa bahay.

"Sure hija, walang problema. Matagal na rin, noong huli kang natulog rito. Grade 6 kapa at katabi mo pa noon si Justine." omy. Nakakahiya! Childhood days.

"Tita naman e. Matagal na yun. Memories!

"Ay oo nga pala tita, makikitulog rin pala-" pinutol ni tita sinasabi ko.

"pumayag na nga ako diba?" sabi ni tita na natatawa.

"Tita alam ko po, pero sabi ko nga pwede makitulog ka M.U ni Justine sa inyo?" tanong ko kay tita, kita ko ang pagkagulat sa muka nilang dalawa? Bakit? Psh.

"Oo naman." pagpayag ni tita, what?  Kita ko ang pagka relief nilang dalawa.

"Basta ikaw ung kaM.U niya." dagdag ni tita. Omyghad. I kennot!

"Titaaaaaa! Hindi ako, si Jhasmine Smith!" sagot ko agad kay tita! Nakakahiya.

"Jhasmine Smith? who's that fish?" sabi ni tita. FISH? HAHAHAHAHAHAHAHA. I burst out laughing, tinignan ko si Jhasmine halatang nainis sa sinabi ni tita.

"Ma!" may halong pagbabanta sa boses ni Justine.

"Tita, pfft-" Sabay tawa ulit ng malakas.

"Sorry I cant help but laugh!" sabi ko habang tumatawa.

"Hija, uso huminga ha? Mamaya mamatay ka ng nakatawa jan, pano na si Justine, ang aga nabyudo." what? I kennot. Namumula muka ko.

"Tita." may halo na ring pagbabanta, kinikilig ako ano ba.

"hahaha, oo na. Titigil na. Pakisabi kay Justine, bawal matulog dito kung sinong isda man yon. Sige bye na, tapusin ko lang niluluto ko." sabi ni tita.

"Sige tita thank you." sabi ko at agad na pinatay ung tawag. Kitang kita parin ang pagkairita ni Jhasmine dahil tinawag siyang isda, at kitang kita ang pamumula ni Justine dahil sa inis.

Nagkibit balikat nalang ako, sabay sabi ng "hindi pumayag. Paano ba yan?" saka ako tumayo. Nakita ko kasi si Marc. Sasabay nalang ako kumain sa kanya.

"Marc! Wait patulong!" sigaw ko. Napatingin sakin ang mga students pero binaliwala ko nalang.

"Z, saan ka pupunta?" tanong ni Justine sakin.

"Doon, sasabay ako kay Marc. Maiwan ko muna kayong dalawa para masolo mo naman siya." punong puno ng kabitteran na sabi ko. Irap lang ang natanggap ko kay Jhasmine. Psh.

"Cess, bakit?" tanong ni Marc sakin. Kaibigan ko siya, siya ang team captain sa basketball. He is Marc Villacorta, 6'3 at maputi. He's a 4th year student na rin.

"Tara kain tayo sa garden." yaya ko sa kanya.

"Sure sige." pagpayag niya. Yey.

"Maiwan ko na kayo ha? Enjoy your day." paalam ko sa dalawa. Nakakaasar kanina pa sila magka holding hands. Magsama sila.

Nakaalalay sakin ngayon si Marc,  masakit talaga tong paa ko e.

"Ikaw kasi di ka nagiingat, ayan tuloy ang sumalo sayo simento." bigla niyang sabi sakin.

"Di ko naman kasalanan na ang sumalo sa akin ay simento, akala ko kasi talaga di siya tatalon e yon pala kung kailan ako nafall saka niya ko sasabayan na tumalon." sagot ko sa kanya.

Sa wakas andito na kami sa garden. Kaka refresh, puro green.

"Tulog ka muna, gisingin nalang kita mamaya, wala naman tayong teacher sa dalawang sunod nating subjects e." sabi niya.

"Sige basta kantahan mo ko." sabi ko sabay higa sa lap niya. Inaantok rin ako e.

"Sige." sabi niya.

Every time you smile I smile

Every time you shine I shine for you,

Ohh~ Im feeling you baby dont

be afraid to Jump then Fall

Jump then fall into me.

Ang ganda talaga ng boses ni Marc.

-

"Cess, gising na." pakiramdam ko may yumuyugyog sakin.

"Hmm. Maya na." sabi ko.

"Princess Zia Aragon gumising ka na nga." anak ng.

"Marc naman e." sabi ko sabay pout.

"11:45 na kaya, magti-time na." sagot niya sakin. Kulang tulog ko.

"Oo na, papagpag likod ko dali." sabi ko naman sa kanya. Pinagpagan naman niya.

"How sweet! Sinagot mo na ba siya Princess?" rinig kong sabi ni JHASMINE?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's my seatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon