CONTINUATION

70 1 0
                                    

      Laurence Pov

Hindi ko alam bakit ko sya pinilit na sumama sa party kahit alam kung malayo ang uuwean nya at 3 am na kami matatapos, at opening sya kinabukasan.

Bakit ko alam na opening sya??  Ako lang naman kasi ang gumagawa ng mga schedule nila.

Naglakad lakad ako after naming maghiwalay dahil nagpa.alam na syang mauuna na sa store..

Tumingin ako ng pwede kung ibigay sa kanya kasi sya nabunot ko kaso wala ako maisip na ibigay sa kanya., Haynaku ang hirap mag.isip ng regalo sa babae tapos di ko naman alam mga hilig nya, di ko din sya nakikitang nagsuduot ng mga accessories..hmmmm

Napagod ako mag.ikot pero may napili na ako inutos ko na lang na mamaya ko kukunin bago mag.out baka kc makita nila sa store.

Dumeretso agad ako sa locker at naabutan ko si Snow na nakapikit, tulog siguro.

Tumabi ulit ako sa kanya saka ako yumuko para makita yung muka nya, ito nanaman ako parang namamagnet sa kanya dahil unti.unti kung nilalapit yung muka ko sa kanya the next thing i know eh hinahalikan ko na sya.

Di sya nagre.responce ibig sabihin tulog sya pero mga ilang saglet bigla syang sumabay sa paghalik, di ko maitatangging she's a good kisser, nag.iinit ang buo kung katawan , pero nagulat ako ng bigla syang dumilat saka lumayo..

"So-sorry si-sir" -Snow

Nauutal nyang sabi, siguro nagulat din sya sa ginawa nya.a t sa ginawa kung paghalik sa kanya. Hindi ko alam kung anung nararamdaman ko para sa kanya ang alam ko di ko sya gusto pero bakit ako ganto sa kanya..

Sa totoo lang di sya mahirap magustuhan dahil nasa kanya lahat ng katangian ng isang babae ang mahahanap mo.

Mga costumer nga naming foreigner madalas bumabalik balik para bumili at magpa.assist sa kanya sa store, madami ding nagbibigay ng mga bulaklak, chocolate at kung anu.ano pa pero minsan di nya tinatanggap kaya yung mga kasama nya dito sa store yung nakikinabang.

Di ko alam kung bakit ayaw nyang magpaligaw, o baka may dahilan talaga ..

Gusto ko sana itanong sa kanya kaso baka ayaw naman nyang sagutin.

Kaya iniisip kung kay Nica na lang ako magtatanong dahil alam kung close sila.

Nag.ayos na ako ng sarili saka lumabas.,sa locker room.

SNow pov

Naramdaman kung hinahalikan ako ni sir, alam kung sya yun dahil tatlo lang naman ang lalaki sa store kasama sya, saka kabisado ko ang amoy ng pabango nya kaya alam kung sya yun..

Nung una di ako sumasabay dahil may mali pero di ko maintindihan yung sarili ko kung bakit ayoko kumalas sa paghalik nya, nalulunod ako sa bawat halik nya, masasabi kung good kisser sya ..nagkaramdam ako ng init dahilan para mapasabay ako sa paghalik nya.

Nang nahirapan na ako huminga dumilat ako saka tumayo,, kumalas ako dahil mali yung ginagawa ko.,alam ko sa sarili ko na walang namanmagitan samin kasi nga di ko sya boyfriend.

Lumabas ako ng locker at napansin kung ang sama ng tingin sakin ni Lyra, after ko mag.in lumapit ako kay Nica

"Kwento daliiii" -nica

Hala atat yung bruha, ano kaya gusto malaman neto.

"Anong ikwe.kwento ko sayo.?" -ako

"Kung bakit kayo magkasama sa department store kanina?"-nica

"Ok fine! Sinabihan nya kasi ako na pumunta ng party kaso sabi ko sa kanya naiwan ko yung susuotin kung damit saka di pa ako nakakabili ng pang exchange gift na yun ang totoong reason ng di ko sana pagpunta kaso hinila nya ako bigla saka dinala sa D.S" -paliwanag ko kay nica

"It means gumastos sya para lang makasama ka?" - nica

"Hmm ewan ko" -ako

"Baka gusto ka nya kaya nya ginaw yun, kuripot kaya yan ai Sir" -nica

"Hindi siguro, tsaka sabi mo may girlfriend sya diba? Kaya pano magkakagusto yun?" -ako

"Sinabi ni Sir na may girlfriend sya pero kahit isang beses wala pa syang pinapunta dito na ipinakilalang girlfriend nya" -nica

Napansin kung palabas na si Sir kaya bumalik ako sa pwesto ko at ganun din si Nica.

Break tym

   Sumabay ng break sakin si Sir kasi magpapasama daw sya maghanap ng mga gagamiting prizes sa mga palaro mamaya sa party di daw nya kasi alam kung ano yung mga pwede kaya nagpatulong sya sakin.

Ayon nag.ikot.ikot kami sa supermarket, tsaka umakyat sa department store kukunin daw nya yung mga pinabalot nyang give.aways mamaya para sa amin.

After nun kumain na muna kami, linibre nya ako, di na ako pumalag libre eh sayang din yun hahaha

After namin kumain bumalik na kami sa store pero pinauna ko na sya kasi ayoko na may sabihin nanaman mga kasama ko samin ni Sir lalo na si Lyra.

Lagi kasi masama tingin sakin nun basta makitang magkausap kami ni Sir, kadalasan kc nagtatanong akonsa mga ibang products sa store.

After 5 mins.saka ako sumunod., Papasok na ako ng locker room ng magsalita si Lyra

"May gagawin daw si Sir, wala daw muna papasok" -lyra

Alam kung walang sinabing ganun si Sir, at alam kung ayaw lamg nyang namdon din ako kaya inantay kung lumabas si Sir ng locker room

Bumukas ang locker room....

"Oh! Bakit di ka pumasok sa loob , bakit nakatayo ka lang dyan,bitbit mo pa yung mga yan?" -Sir.L

"Sabi po kasi ni.." -ako
Naputol ang sadabihin ko ng biglang sumingit si Lyra

"Sabi ko nga sir pumasok na sya eh, kaso nahihiya daw sya kasi baka may ginagawa ka pa daw sa loob" -lyra

Oh! Ang galing mangbaliktad diba?? So tama nga ako na gawa.gawa nya lang yung sinabi nyamg may ginagawa si Sir sa loob..

Pssssss 😕😒

*****""
to be continue

Fall in love with my BossWhere stories live. Discover now