Prologue

6 0 0
                                    

Beginning. Ayon sa natatandaan ko nagsimula kami sa pagiging magkaaway. Nakakatawa nga kasi parang ang cliché lang masyado. Parang kwento lang sa pelikula. Magtatagpo yung dalawang bida, magiging magkaaway sila at hanggang sa huli magkakaron sila ng feelings sa isa't-isa. Pero hindi don nagtatapos ang lahat. Madaming balakid ang nakahanda para subukin ang inyong pagmamahalan. Hindi naman bago yon diba?

End. Akala ko nung una kami ay katulad ng mga "cliché" na kwento sa isang pelikula, pero hindi pala. Tila ba masyadong galit sa amin ang tadhana at pilit kaming pinaglalaruan. Nung una masaya, hanggang napalitan ng luha at pighati sa huli. Kung ikaw ang tatanungin, patuloy ka bang lalaban para sa taong mahal mo kahit na hindi na siya masaya? O susuko ka nalang para bigyan ng ngiti ang kanyang mga labi?

Oo. Alam ko na sobrang gulo ng panimula ko sa inyo pero ganon naman talaga ang pagmamahal diba? Hayaan nyong ikwento ko ang aking buhay pag-ibig upang malinawan at mabigyan kayo ng leksyon. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From Beginning to EndTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon