The Promise (one-shot)

7 2 4
                                    

Hellooo! Memaseyyy speaking hahahaha. Sana magustuhan nyo po ang one shot story na itechhh! Don't expect too much, it might break your heart. Ngiii haha loveyah all! Enjoyyyy 💗

P.s. Thank you nga pala kay blsspls for the book cover 💕😘

THE PROMISE (one-shot story)

Now Playing: Close by Westlife

~ Oh, oh yeah
Across the miles, it's funny to me
How far you are and
How near you seem to be

Nakatayo ako sa altar ng simbahan kasama ng mga taong nagaabang na makapasok sya sa pinto. Hindi ko mapangalanan ang tuwa na nararamdaman ko ngayon.

Hanggang sa unti unting nagliwanag at natanaw ko na ang imahe ng isang napakagandang babae. Agad akong napangiti at nararamdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko pero pinigilan kong pumatak. 

~ I could talk all night
Just to hear you breathe
I could spend my life
Just living this dream
You're all I'll ever need

Dahan dahan syang naglakad dala ang matamis na ngiti sa kanyang labi. Ang ngiting nagpaibig sa akin. Ang ngiting nagpatibok ng mabilis sa puso ko. Agad kong naalala ang una naming pagkikita.

Umiiyak sya non habang nakaupo sa isang bench. Nilapitan ko sya sapagkat nagsisimula na ding umulan ng araw na yon.

"Miss, umuulan na. Bakit ka nandito at bakit ka umiiyak?"

"Umalis ka! Wala kang pakealam!"

Napangiti ako ng maalala ko kung paano syang nagtaray sa akin non. Kahit na pinapaalis nya ako ay hindi pa rin ako umalis dahil alam kong kailangan nya ng kasama ng panahong yon. Hindi ko sya tinigilan hanggang sa sinabi nya na din ang totoong dahilan, nagbreak sila ng boyfriend nya.

"Di ko pa pala alam ang pangalan mo haha. Ako nga pala si Jeff Montano, ikaw?"

"Aleah. Aleah Dizon."

Nakuha ko syang pangitiin ng araw na yon. At noong araw na yon din nagsimula ang magandang pagkakaibigan namin na hindi ko naman inaasahan.

~ You give me strength
You give me hope
You give me someone to love
Someone to hold

Nataandaan ko din yung mga araw na puro asaran lang kami at madalas sya yung unang napipikon.

"Aminin mo na kasing nagagwapuhan ka sa akin."

"Gago ka hindi gwapoo!"

"Kunwari ka pa. Akala mo ba hindi ko nahahalatang kaya gustong gusto mo na nagpipicture tayong dalawa pag magkasama ay para may mapagpantasyanhan ka? Alam ko na yang galawang yan."

"Ang tigas din ng mukha mo! Mukha ka namang bakulaw!"

"Ang gwapo ko namang bakulaw."

"Leche ka!"

"Kung ako bakulaw, ano ka?"

"Maganda ako!"

"Pangit ka! Hahaha"

Doon din nagsimula yung tawag namin sa isa't isa. Sya si pangs at ako naman si baks. Pero hindi nya lang alam kung gaano ako namamangha sa ganda nya.

~When I'm in your arms,
I need you to know
I've never been, never been,
This close

Naalala ko pa, lagi kaming nandyan para sa isa't isa. Tuwing may problema ang isa, nandyan ang isa para dumamay. Lagi syang nandyan tuwing nalulungkot ako.  Lalo na nong panahong nabroken hearted ako hahaha.

The Promise (One Shot Story)Where stories live. Discover now