The Badboy's Property
"Yvanna!" tawag sa akin ng pamilyar na tinig na nagmumula sa likuran. Napairap nalang ako sa kawala.
Mas binilisan ko pa ang lakad ng sa ganun ay hindi niya ako maabutan pero bigo ako ng maramdaman ang presensya niyang malapit na sa akin.
"Pauwi ka na? Hatid na kita." nakangisi nitong sabi na hinihingal pa.
"Hindi na, William. Tsaka magkaiba ang way ng bahay natin hassle pa sa iyo yun." sagot ko na lamang na dirediretso lang ang lakad sa hallway.
"Okay lang. May sasakyan naman ako kaya hindi hassle iyun." anito na hinawakan ako sa braso. Muntik na akong mapairap sa sinabi niya buti nalang ay napigilan ko pa.
"Salamat sa offer, pero ayos lang talaga." tipid akong ngumiti at pasimpleng tinanggal ang pagkakahawak nito s braso ko.
"Ayan ka na naman, tinatanggihan mo na naman ako. Dapat nga ay hinahatid sundo kita dahil nililigawan kita." napanganga ako sa sinabi niya.
"William, sinabi ko naman na sayo diba? Hindi ako nagpapaligaw." medyo iritable kong sabi.
Ilang beses ko na itong tinanggihan sa pangliligaw kuno nito pero paulit ulit niyang sinasabi na hindi siya susuko at manliligaw pa rin.
"C'mon, Yvana." hinawakan nito ang kamay ko. "Alam ko namang nagpapakipot ka nalang-" marahas kong binawi ang kamay ko sa kanya. Kita kong agad ding nagbago ang ekspresyon ang nakangitin nitong mukha at naging yamot.
Ito ang ayaw ko sa kanya, dahil presko at mahangin siya, higit sa lahat ay mayabang at babaero pa. Hindi naman mapagkakailang magandang lalaki ito. At kung titignan din sa porma at ayos nito ay mapaghahalatang galing sa mayamang pamilya. Pero ayoko talaga sa mga katulad niya.
"Ilang buwan na akong nangliligaw sayo tapos tatanggihan mo lang ako." hilaw itong natawa sa sinabi. Hinawakan nito ang palapulsuhan ko na agad ko din namang binawi pero dahil sa higpit ng hawak nito ay bigo akong pakawalan ang sarili.
Kinabahan na ako. Inilibot ko ang paningin at napansing kami lang at tao sa parteng ito ng campus, siguro ay nasa kanya kanya ng mga klase, ang iilan naman ay papalabas na ng gate.
"Ayoko nga, William. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo iyon!"
"You know I won't take 'no' for an answer, Yvana!"
"Bakit? Masakit ba sa ego ang matanggihan ng isang babae? Hindi lahat ng babae eh magugustuhan ka!" galit kong sambit habang pilit paring hinihila ang palapulsuhan ko.
Alam ko naman ego nalang niya ang nagpapairal sa kanya. Hindi lahat ng babae ay kaya niyang makuha!
"Kung ako sayo pare bibitawan ko siya." nagulat ako sa lalaking nagsalita. Parang kakagaling lang nito sa pagtulog dahil sa itsura nito, nagkamot pa ito ng batok habang antok ang mga matang nakatingin sa amin.
"W-Wag kang makealam dito, Logan!" ramdam ko ang pagluwag ng hawak sa akin ni William pero hindi iyon sapat para mabitawan niya ako.
"Mamili ka, Will. Bibitawan mo si Yvana o babaliin ko yang kamay mo?" ramdam ko ang pagbabanta sa boses nito. At alam kong hindi siya nagbibiro ng sinabi niya iyon. Kitang kita ko ang pagtatagis ng bagang niya habang nakatuon ang paningin sa kamay ni William na nakahawak sa palapulsuhan ko.
Padarag nitong binitawan ang palapulsuhan ko at tumingin sa akin na may galit.
"Pagsisisihan mo to!" mariing bulong nito at nagmamadali ng umalis.
Sinipat ko ang palapulsuhan kong namumula. Kainis!
Binalingan ko si Logan na nakasandal sa pader at nakapalmulsang nakatingin sa akin.