Lizet's Pov
Nakaayos na ko... Naka wedding gown.. Nakamake up..
Everything is perfect!!
Napakaganda ko ngayong araw pero bakit hindi pa rin ako masaya?This day is the best day for every woman pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Bakit parang may pumipigil sa kin para gawin ito?
Bakit pakiramdam ko ang lungkot lungkot ko?
Di ba sabi ni tyron maging masaya koPero bakit hindi ko kayang gawin
Ikakasal na ko pero bakit hindi ako masayaMayroon palang bride na hindi masaya sa araw ng kasal nya
Tyron paano ko ito gagawin kung ikaw pa rin talaga
Mahal kita pero tama ba ito na sa kanya ako magpakasal para mapanatag ka? Hysss
"Ms. Soraka.. Tara na po" sabi ng driver ko
"Ok.. Sige" tipid na sagot ko at agad na sumakay
"Apo bakit mukhang malungkot ka?" tanong ni lola at hinawakan ang kamay ko
"Ahmm.. Wala po.. Wag nyo na lang akong pansinin"
"Meron bang pumipigil sayo ?"
"Po? " siguro napansin ni lola na masyado kong tuliro kaya naman natanong nya yun
"Hyss sa loob ng anim na taon apo hindi mo ko maloloko.. Si tyron ba yan? "
"La.. Hindi po" pagsisinungaling ko
"Naku naku, Apo alam kong kabaliktaran ng sagot mo ang totoo kung ako sayo magpapakatotoo na ko bago pa mahuli ang lahat"
"Oo nga ms.soraka mukhang si sir tyron naman talaga ang tinitibok ng puso mo kaso natatakot ka"
"Manong,Lola please ... Alam nyo namang mahal ko si jc. At isa pa ayuko naman na guluhin pa sya, totoo po mahal ko sya pero ayukong mamatay sya kung pipilitin ko, lola may kasunduan po kami"
Kahit ang totoo nasasaktan na ko sa mga pinagsasabi ko
Sana hindi masaya sa naging desisyon nya
Sana bawiin nya ko kay jc"Fine.. Bahala ka ikaw din..baka magsisi ka sa huli"
"Ms. Soraka.. Tanggalin nyo lang po ang pangangamba sa puso mo ..at tanggalin ang humaharang para ituro ka nito sa tamang desisyon.. Sa tamang tao sya naman talaga ang nilalaman ng puso mo di ba? kaso takot na takot ka na baka masaktan ka o iwanan ka lang nya"
"Tama si Rogelio iha "
"Ayttsss bahala nga po kayo... Basta tuloy pa rin itong kasal"
Tama si lola at si manong ..si tyron ang dahilan kung bat ako nagkakaganito
Hyssttt heart gusto mo ba ito?
Sinimulan ko ng ipikit ang mga mata ko para tantanan na nila ko sa mga tanong nila
Lord ngayon lang po ko hiniling.. Lord alam kong minsan lang po lumapit sayo pero lord alam ko pong naririnig mo po ko.. Papa god sana po si noryt na lang
Sana po sya pa rin
"Ms. Soraka nandito na po tayo"
Naalimpungatan naman ako
"Nandito na nga sige po salamat"
"Sigurado po ba kayo? Pwede pa pong umatras"
"Hindi na, nandito na rin naman"
Lumabas na ko ng kotse
Rinig na rinig ko ang background music*Tintinninin*tintintinin*tintinininininin*tintintinin*tininnin*
Paulit ulit na tunog ng tumungtong ako sa altar
BINABASA MO ANG
You're My Worse Destiny (Part II) ✔[COMPLETED]
RomanceNawala na lahat sa akin as in lahat wala maski kating ting na natira sa kin Ang ala-ala ko, sya at pati ang buhay na mayroon ako dati lahat ng yun nawala Mabubuhay akong muli ngunit sa ibang katauhan Magsisimula ko ng panibago Magsisimula ko ng b...