Blessing in Disguise-ONESHOT

4 0 0
                                    

"Oppa,ang ganda ng mga bulaklak!" sabi ng anim na taong gulang na si Tin.

"Oo nga....Kasing ganda mo" sabay hawak sa batok na sabi ng siyam na taong gulang na si Jang.

Napatawa na lang si Tin sa tinuran ng batang lalaki.

"Tara Batintin punta pa tayo sa taas ng burol. Mas maganda ang tanawin sa taas. Tsaka may bibigay din ako sayo."

"HM. Tara...." Nakangiting sambit ni Tin.

Umakyat ang dalawang bata sa pinakamataas na bahagi ng burol.

"Wooow! Ang ganda nga oppa." manghang sabi niya.

"Sabi ko sayo eh. Tignan mo yun oh... Dun yung bahay natin oh."

"Oo nga! Ang ganda!"

Lumapit si Jang kay Tin.

"Pikit ka Tin."

"Oppa Bakit?"

"Basta. Dali na." walang reklamo na pumikit si Tin.

Kinuha ni Jang ang kwintas sa kanyang bulsa. Mas Lumapit pa siya sa batang babae at isinuot dito ang kwintas.

PRESENT

Kanina pa ko nakasakay sa bus na to pero parang di ko man lang madama na umaandar to. Shemay... Eh maleleyt na ko nito ah! Tsk.

"Manong matagal pa po ba bago umandar tong bus niyo?" Tanong ko sa driver.

"Naku iha ganito talaga tuwing lunes. Alam mo namang trapikin dito sa maynila di ba? Naku,eh kung maaga kasi kayo nagsisialisan sa mga bahay niyo eh di sana di kayo nagrereklamo ngayon."

"Nagreklamo ba ko kuya? Nagtanong lang naman ako eh." Sabi ko mo sa kanya.

"PSH...Haba pa ng sinabi..." pabulong kong sabi.

Lunes. Tsk. I'm starting to hate it now. Lagi na lang....

Its been 13 years since then. Akala ko di ko na yon maaalala. Dapat nga hindi na kasi sobrang bata pa ko nun pero wala eh. Siguro ganun lang talaga siya kahalaga sakin na kahit matagal na panahon na ang lumipas, heto pa rin ako, umaasang babalik pa siya.

Anyway, ako nga pala si Cristina Choi Claveria. Ayan 3C yan baka makalimutan pa. Taking up BS IT, third year na ko at malapit nang mag-OJT.

Haaay. Dalaga na ko oppa. Pwede na tayong magpakasal...Sabi mo yun di ba, paglaki natin tayo ang magsasama forever.

Bakit hanggang ngayon hinihintay pa rin kita Oppa?

Nam Jang Geun.

Jang oppa, di ko na nga kung anong itsura mo ngayon eh, kung pangit ka na ba, kung payatot ka pa rin. Wala na kong balita sayo. No call, no fax, no letters. May facebook,twitter at instagram na pero ni ha ni ho wala.

Naalala ko nanaman yung last time na nagkita kami.

"Dilat ka na."

Dumilat ako at kinapa ang leeg ko. Naramdaman kong may medyo malamig na bagay don. Pagkatingin ko,isang kwintas. Bilog iyon at tila isang buwan.

"Woooow....Moon oppa.Moon!" Masigla kong sabi.

"Yup. Moon. Pasensya ka na Tin. Naghanap kami ni mama ng star kaso wala kaming nakita eh." Medyo dissapointed niyang sabi.

Umiling ako sabay ngumiti.

"Hindi oppa. Ang ganda.....okay lang kahit di stars.At least, nakikita ko pa rin to sa sky."

Nagulat ako nung hinawakan niya ang mga kamay ko.

"O-oppa!"

"Tin,kapag malaki na tayo magpapakasal tayong dalawa...Sabi ni mama pede na raw pag 18 na tayo. Pramis ko sayo forever tayong magsasama. Basta promise mo hindi ka magpapaligaw sa iba. Dapat ako lang ha... Hintayin mo ko ha, babalikan ka ni oppa. Basta ha. Promise mo yun ha."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blessing In Disguise - ONESHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon