Yiiih! Nakakakilig naman tong mga story sa wattpad. Nakakaadik tuloy mabasa. Haha. Sana ganito din kami ni Harvey.
Hopeless romantic talaga ako. Haha.
Ako: Bey. Samahan mo naman ako sa mall.
Harvey: Sige Bey. San mo gusto?
Ako: Tara sa MOA. Mag skating tayo. Yiiih. Nabasa ko sa wattpad ung couple ang sweet nila. Tinuruan nung boy ung girl na mag skate. Ang sweet nila Yiiih. Kilig much.
Lawrence: Hehe okay sige.
Nagpunta na kami sa MOA. Eto na tunuturuan na nya ko. Pag tinitingnan ko yung mga bata parang ang dali dali lang pero bakit pag ako na ang hirap. Waaaah!
Ako: Bey dahan dahan. Wag mo ko bibitawan.
Harvey: Haha bakit kasi dito mo pa gusto magpunta di ka naman pala marunong.
Ako: Magpapaturo nga ako sayo e.
Nakakainis naman tong boyfriend ko. Alam ko na. Walk out mode ako para habulin nya ko. Haha. Ganun sa wattpad e.
Lumabas ako ng skating rink. Nagpunta na lang ako sa Blue Magic store. Pero kanina pa ko dito hindi man lang nya ko hinabol. Hay. Bey talaga.
Harvey: Andito ka lang pala. Bakit hindi mo ko hinintay? Tampo ka naman agad.
Ako: Pano nakakatampo ka naman talaga. Hindi mo man lang ako pinigilan sa pag walk out ko. Yung mga lalaki sa wattpad hahawakan ung kamay o braso ng babae para hindi makaalis.
Harvey: Sige na. Hindi na. Sorry na Bey.
Ako: Okay fine. Gutom na ko.
Inaya ko sya sa shakeys pero ayaw nya. Sa greenwich na lang daw para mura. Kuripot talaga neto. E yung sa wattpad kahit maubusan na sya ng pera basta mabili lang yung gusto ng mahal nya.
Ako: Bey hindi mo man lang ba ko susubuan? Hindi ka na talaga sweet sakin.
Harvey: (sinubo sakin ung lasagna) susubuan naman talaga kita. Pinapangunahan mo kasi ako e. Hindi na tuloy ako makaporma sayo.
Ako: Ganun ba. Haha. Sorry Bey. Iloveyou. :)
Harvey: Iloveyou more Bey.
Habang kumakain kami ikinukwento ko sa kanya yung mga story na binabasa ko sa wattpad. Yung pag hinaharana. Lalo na yung kung panu mag propose si boy. Magpaplano si boy ng simpleng date tapos masusurprise si girl kasi kasabwat na pala dun mga close friends at family nya. Tapos yun will you marry me na. Haha .
Yiiih! Kilig much. Andito na kami ngayon sa bahay namin. Ayoko pa sya pauwiin. Haha. Magkaiba kasi kami ng school kaya weekend lang kami nagkakasama kaya sinusulit ko. Movie Marathon muna kami. Naisip ko yung sa wattpad dapat ba sumandal ako sa balikat nya o ihiga ko sya sa lap ko?. Yiiih. Nakakakilig talaga. Haha. Ako na lang hihiga sa lap niya.
Ako: (Kumuha ko ng throw pillow at nilagay sa lap nya at nahiga) Bey.
Hervey: Yes? (Tumingin sya sakin)
Ako: kiss mo ko. Haha . (Nakanguso)
Harvey: (Kiniss ako sa noo). Mua.
Ako: Waaaah! Bakit dun dapat sa lips?
Harvey: Bawal pa. Haha. Isusumbong kita sa Mama mo sige ka.
Ako: Eeeeeh di naman nya makikita. Nasa kitchen yun. Sige na Bey. Isa lang.
Harvey: Ayoko. (Tapos nginitian nya lang ulit ako)
Ako: (Tumayo. Pupunta sana kwarto ko) Jan ka nga.
Harvey: Bakit? Tampo ka na naman.
Hinawakan nya kamay ko. Syempre kilig ako. Haha. Napaupo na lang ulit ako.
Ako: Hindi Bey. Bakit ayaw mo ako ikiss sa lips? Hindi naman na tayo mga bata 19 na ako 20 ka na.
Bakit sa wattpad kahit 13 years old pa lang sila nagkikiss na sa lips?
Harvey: Ayan ka na naman sa wattpad wattpad mo na yan. Dapat ba lahat ng ginagawa sa wattpad gagawin din natin? Diba hindi naman totoo mga yun.
Ako: hmm. Oo nga pero Bey pwede naman natin yun gayahin diba? Ung super sweet. Romantic. Tapos hanggang forever.
Harvey: Sila hindi totoo. Tayo totoo diba? Gagawa tayo ng sarili nating True Love Story without ending.
Napangiti na lang ako at niyakap ko sya ng mahigpit.
Ako: Bey thank you. Sorry. Hindi na mauulit. Promise. iloveyou always until forever :)
Harvey: Iloveyou so much Bey. Walang iwanan . Pangako :)
Yiiiih! May sarili kaming love story kaya kayo din meron. Walang magkakamukha o magkakapareho. Kahit kambal may pagkakaiba. Lahat ng nilikha ng Diyos may originality. Yung mga napapanuod mo sa TV o nababasa sa wattpad mga scripted. Pero ang buhay mo si Lord lang ang nakakaalam nun. Wag nyo hayaan na maapektuhan ang relasyon nyo ng mga bagay bagay sa paligid nyo. Lahat may kalakasan at kahinaan. Ang kailangan mo lang gawin ay tanggapin ito at makuntento.