Kylie is very happy in her life. May stable siyang trabaho, may magandang buhay at higit sa lahat ay may masayang love life. Wala na siyang hihilingin pa sa kanyang buhay.
Noon iyon, noong hindi pa niya muling nakikita si Danillo, ang kanyang long lost childhood friend and her first love. Pero binago nito ang buhay niya, he discovered her true self. Nadiskubre kasi nitong gusto niya ang pagluluto at hindi maging isang secretary lang ng boyfriend niya.
Inalok siya nito ng trabaho at tinanggap niya iyon. Ngunit bigla ay nagulo ang masaya niyang buhay. With him, lahat ay nagbabago na sa kanyang buhay. Paano ba niya mapipigilan itong guluhin ang kanyang buhay kung maski siya ay hindi na alam kung ano ang gusto niyang gawin?