Pangako

24 0 0
                                    


——
Ang pagmamahal ay ang pinaka komplekado, pinakamasaya na may halong pangamba na bagay sa buong mundo.
Ang pagtitiwala at pagmamahal sa isa't- isa ay minsan ay  nasusukat sa layo ng agwat at distansya , ngunit sapat nga ba ito, upang maging sigurado ka na kahit ano man ang mangyari ay babalik siya sayo?
Pangako, isang simpling salita ngunit may kaakibat na luha sa bawat pangakong pinababayaan at pinaninindigan.

"Roseate.." pabulong na sabi niya. Bumaling ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa kawalan.

"Hmm?"

"Roseate, pinapangako ko na mamahalin kita habang buhay at kahit na anong mangyari, kahit saan man ako dalhin ng hangin babalik at babalik parin ako sayo." sabi niya. Tiningnan ko siya na may bahid na pagtataka.

"Mahal, alam ko namna na mahal na mahal mo ako pero bakit parang iba ang nararamdaman ko? A- anong  ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Napamura siya ng ilang beses at nakita kong may nagbabadyang mga luha na tutulo galing sa mga mata niya.

Sa wakas ay humarap siya sa akin ngunit parang napunit ang puso ko ng makita ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng kanyang mga luha. Kumikinang ito dahil sa liwanag ng buwan. Kinakabahan ako ngunit hinihintay ko muna ang paliwanag niya.

"Kaninang umaga, habang kumakain kami ng agahan biglang inatake sa puso si Issa, agad namin siyang dinala sa hospital..." tumigil siya at nagpakawala ng hikbi,kumawala na rin ang mga luha na pinipihilan ko kanina pa. Pinunasan ko ang mga luha niya at nginitian ko siya tanda ng paghihikayat ko na sabihin kung ano ang nais niyang sabihin. "sabi ng Doktor, k-kapag inatake siya sa puso sa ikatlong pagkakataon, maaring 'di na kayanin ng puso niya. Kaya iminungkahi niya sa amin kung anong pinaka madaling paraan upang madugtungan ang buhay niya, kaya napag desisyonan ng aming pamilya na dalhin siya sa China upang doon isagawa ang operasyon niya sa puso. At kailangan namin siyang samahan doon hanggang sa maging maayos na ang lagay niya, kailngan niya ang presinsiya at pagmamahal namin." sabi ni Halcyon. Nahihirapan siyang magsalita dahil sa mga luha at hikbi na kumakawala sa mga labi niya.

Ngayon ay mas naiintindihan ko na ang nais niya'ng iparating. Aalis muna siya kasama ang pamilya niya upang samahan ang kanyang kapatid na si Issa. Narito kami sa isang cliff na malapit sa dagat, ang lugar kung saan kami unang nagkakilala.

Naging tahimik ang paligid at tanging ang kaluskos ng mga insekto, ihip ng hangin at alon galing sa dagat at ang mabibigat na paghinga lamang  ang naririnig namin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa lahat hg sinabi niya, para akong napipi ng ilang saglit bago tuluyang bumuka ang aking bibig.

"S-sama ka sa kanila?" napapikit ako dahil sa unang tanong na lumabas galing sa bibig ko. Napaka bobo ko. Kahit na malinaw pa sa relasyon mga mag MU tinanong ko parin yun sa kanya.

"Oo..." narinig ko ang paglunok niya ng laway bago magsalita muli. " Seate, kakayanin namin natin to diba?

"Oo naman, b-basta ba... babalikan mo ako at 'di ka maghahanap ng iba." pinunasan ko ang luha ko bago bumaling sa kanya at nginitian siya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito bago ngumiti sa akin pabalik.

"Tatlong taon, tatlong taon lang tao maghihiwalay. Kakayanin naman natin yun diba? Basta may tiwala at pagmamahal tayo sa isat-isa, walang makakapag hiwalay sa atin kahit na sino mang talipandas ang humarang sa atin." ang kinang ng kanyang mata ay nagsasabing totoo ang sinasabi niya kaya nagkaroon ng pag-asa at lakas ng loob.

Tumango ako sakanya ng dalawang beses at inilapit ang katawan ko sa kanya. Humilig ako sa kanyang balikat at hinawakan niya ang aking bewang. "Papayag akong malayo ka muna sa akin ng dalawang taon. Alam kong hindi magiging madali ang lahat ng ito para sa atin ngunit kahit ano mang mangyari hinding-hindi ako bibitaw. Iisipin ko nalang na 'distansya ka lang, nagmamahal kami." ani ko. Tumawa ako mahina dahil sa naisip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pangako (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon