A/N: Pasensya na po kung 7months walang UD :( Kung may naghintay man po sa UD, thankyou po :) Masyado po talaga akong busy at nawalan ng gana sa pagsusulat(pagttype) hehe. Hope you'll understand! *wink* ~ XoXo
------
Matagal na kong nakahiga pero hindi pa rin ako nakakatulog, nakatitig lang ako sa kisame. Hindi ko kasi ma-imagine na aalis na si Ryan. Bakit kasi hindi na lang sya nagstay dito? Ang hirap lang kasi nasanay na ko sa presence nya. Parang nanaginip lang ako ng maganda tapos eto, nagising na ko. Parang fairytale lang, sya ang prinsipe at ako ang prinsesa. Pero eto ako, isang ordinary girl lang. Walang palasyo. Naramdaman ko na lang na may luha sa pisngi ko. Pero bakit? Bakit sobrang affected ako dahil aalis na sya? Diba parang ang OA ko? Eh ano nga magagawa ko sadyang iyakin ako. Sadyang mamimiss ko sya? At isa lang ang nabuo sa utak ko buong gabi ..
SOBRANG MAHAL KO NA SYA.
"Genie, gising na." panggising sakin ni mama with matching uga pa sa paa ko. Wala talagang kupas si mama. Bumangon na lang ako, masakit ang ulo ko. Dahil siguro sa puyat. Wala sana ko ganang pumasok, pero ano na lang sasabihin ko kay Mama? Na malungkot at nagdadrama ako? Tss. No way!
Matapos akong maggayak, tumuloy na ko sa kusina. Bawal umalis ng bahay ng hindi ngumangata eh. Pag sinabi ko namang wala akong gana, sureness alam na nilang may problema talaga ako. Pag upo ko, napansin ko ang pagtitig ni mama sakin. Hindi na ko magtataka, napansin nya yung pamamaga ng mata ko. Haaay.. Alam ko, kukulitin ako nitong si mama. Siguro, pag uwi ko. Mabuti nga at ganon, kesa naman nakaharap sila papa at malalaman nila ang kababawan ko. Sa malamang pagtawanan pa ko ng mga kapatid ko. Tss sobrang bitter ng araw na to talaga.
"Bye ma." sabi kay mama tsaka ako nagkiss sa pisngi nya. Pinat nya yung ulo ko, ngumiti lang ako sa kanya.
"Ingat nak." ang sweet lang ni mama, ganyan yan eh.. pag alam na may pinapasan akong isang bultong bigas este ng problema. Haaay.

BINABASA MO ANG
CHAT (ONGOING)
Fiksi RemajaSa mga mahilig sa facebook na gaya ko, makakarelate ka po dito. Honesto! Pramissss :D Maraming salamat sa babasa. :*