3,2,1 Smile! (One Shot story)

75 3 0
                                    

"Hindi ko ine-expect na ganito karaming tao ang daragsa rito!" Yes, I am expecting na may mga pupunta but what the eff, ocean of people came for just an small event?!

"My gosh Gwenn, once in a blue moon lang may pumuntang artista dito sa bario natin no! Para sa kanila major concert na to." Sabi ni Rem habang nagti-tiyaga sa pamaypay niyang karton. Sobrang init dito! Paano ba naman kasi, sa dinami-rami ng oras, ay naisipan pa nilang gawin ang event na ito ng tanghaling tapat?

"Sabi nila, 11am mag-uumpisa pero 12:30 na hindi pa nag-uumpisa?" Reklamo na naman niya.

"Ano ka ba naman Rem, bakit ka ba interesado sa mga baduy at amateur na girl-group na yan, ilang beses na natin silang nakita sa manila... I'm your bestie but I never knew na ganyan ka pala ka fanatic sa kanila." Hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito ngayon. In fact, 2 hours ago, ay ang sarap pa ng tulog ko. Kung hindi ko lang bestfriend ito ay hindi ko talaga siya sasamahan.

"Ano ka ba, never noh? Alam mo namang si Chris Pine lang ang One and only idol ko sa showbiz diba? And hindi naman yang girl-group na yan ang pinunta ko dito! What is their group name? I don't effin' know. Like I care!"

Yeah, right lalaki lang ang pinunta namin dito. Since girl-group nga ang magpe-perform dito ay inexpect niyang may makikita siyang papable. Pero asa naman siya, nasa bario kami ngayon at nakiki-fiesta. As if may kasing gwapo ni Chris Pine ang biglang susulpot at makikita namin dito!

Nag-umpisa na ang event at nag-umpisa na ring magperform ang mga artista. Dahil sa dami ng tao ay nagkahiwalay kami ni Rem. Sobra kasi ang siksikan. Ewan ko pero kagaya ni Rem ay tumitingin din ako ng 'gwapo' pero hell, puro mga matatanda ang nasa banda namin. Tss.  Wala akong nakita.

Tatawagan ko sana siya pero naiwan ko ang phone ko! Dahil sa sobrang excitement ni Rem ay nakalimutan ko tuloy dalhin. Kaya naisipan kong magpunta muna sa lilim at bumili ng maiinom. Nagbabakasakali na makita ko siya don.

Mga twenty minutes na rin akong palingon-lingon pero walang anino ni Rem.. Umuwi na kaya yun? I don't think na magagawa niya akong iwan since siya naman ang may pakana ng lahat ng ito! Nakaka-highblood lang ang init ng panahon at dami ng tao. Hindi ako umuwi ng bario para magpakahirap gaya ngayon, I came here for vacation, to escape from the busy and hectic life of the city.

But there's one thing that caught my attention. The guy with the camera. Super ganda ng camera niya. Yung limited edition na offer ng Nikon, meron siya. Ganung tipo yung pinapangarap kong dslr camera pero hindi ko magawang bilhin because its pretty expensive. Hindi ko akalaing may makikita akong ganito dito. OMG!

Hindi ko namalayang namagnet na pala nung camerang iyon ang mga paa ko. Kusa ko siyang sinusundan. Habang sinusundan ko ang lalaking iyon ay hindi ko rin namalayang nakatitig lang ako sa kanya. Ang simple kasi ng ayos niya. Fair skin, naka-plain white shirt, shorts and outdoor shoes. Isama pa natin ang cute na black na backpack niya at yung super gandang camera niya. 100+ pogi points!

I'm a frustrated photographer kaya ganun na lang talaga ako naakit sa kanya. Nasa likuran lang niya ako at nakatitig sa kanya. Hindi ko pa nakikita ang buong mukha niya pero from his side view, masasabi kong gwapo ang nilalang na ito!

Kahit papaano ay thankful pa rin pala ako kay Rem dahil ginising niya ako at pinilit magpunta dito. Nakakita tuloy ako ng pogi,  siya kaya? Ahahay!

Patuloy pa rin ang lalaki sa pagpicture. Ako kaya, kailan niya ako pipicturan? Haha hashtag asa ka Gwenn.

Ngayon ko lang siya nakita. Maliit lang itong bario mamin at kilala ko sa mukha ang karamihan sa mga nakatira dito. Turista ba siya? Bakit kaya siya nagt-tiyaga na picturan yang girl group na yan?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

3,2,1 Smile! (One Shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon