WB 2

8 3 0
                                    

"Magiging akin ka" Wika niya ng makalapit sakin ang lalaking may malalaking braso. Kinilabutan ako sa sinabi niya at ang lalim ng kanyang boses.

Napalunok ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

Omg! This school is really crazy.

Bago pa man niya mahawakan ang mukha ko ay may nagsalita sa likod ko.

"Alasdair! Stop right there!" Sigaw niya at kitang kita ko ang pagka irita sa mukha ng nasa harap ko.

"Let her go. I need her." Mahinahon ngunit maotoridad niyang wika.

Hinawakan ng nasa harap ko ang aking braso at pinaharap sa kausap niya. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong ang nakabangga sakin kanina ay kausap niya.

"Apollo? Too late. Ako ang unang nakakuha sakanya" Sabi niya na may halong pagloloko at pagka irita sa kanyang boses.

"Gusto siyang makita at makausap ni king" Sabi ni Apollo, ang naka bangga sakin kanina.

"O pwede rin na ikaw nalang ang mag bigay sa kanya" Sabi niya ng nakitang di pa rin niya ako binibitawan ng katabi kong nakahawak sa aking braso.

Binitawan ng lalaking katabi ko na nag ngangalang Alasdair ang aking braso. Nakita ko ang pag kuyom niya sa kanyang palad.

Pagkakataon ko na sanang tumakbo ng magsalita si Apollo.

"Clare, come with me! Don't bother trying to run away" Sigaw niya at nauna na sa kanyang paglalakad.

"Apollo! Wag kang mag mayabang dahil kaibigan mo siya!"

Napatigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako. Liningon naming pareho ang sumigaw sa likod namin at nakita si Alasdair.

"If this was the Wild's league, I wouldn't have let you go like that!" Sigaw niya ulit ng makitang nakatingin lang kami sa kanya.

Tinignan ko ang katabi ko na nakangisi lang.

"Dream on!" Halos pabulong niyang sabi at hindi ko na alam ang mga sumunod ng nangyari. Masyadong mabilis.

Nakita ko sa Apollo na nasa harap na ngayon ni Alasdair at nakatutok ang kamay niyang hugis bola kay Alasdair.

"If this was the Wild's league, you'd be dead!" Kitang kita ko ang panlalaki ng kanyang mata at pagkuyom ng kanyang kamay sa sinabi ni Apollo.

'Class 2-A, male boxing, welterweight champion. Apollo.

Naka tunganga pa rin siguro ako sa aking nasaksihan at sa aking mga narinig kung hindi lang ako tinawag ni Apollo.

"Come on, Clare" Sabi niya na parang walang tensyon ang nabuo kanina.

"Remember what happened this morning?" Tanong niya sakin at tumango ako.

Nandito kami ngayon sa room nila at walang tao bukod sa aming tatlo.

"He's the king" Masayang sabi niya sakin at tinuro ang nasa harapan ko.

Hindi ako sumagot kaya napatingin siya sa akin. Tinignan ko ang lalaking may pula ang buhok. Siya yung kasama ni Apollo kaninang nabangga niya ako. Nakatingin lang siya sa harapan, blanko ang ekspresyon, hindi umiimik.

"Kausapin mo siya, siya si king" Nakataas na kilay niya sabi. Paanong kakausapin, eh ano namang pag uusapan namin? Tsaka bakit ba niya ako dinala dito?

Hindi pa rin ako umiimik ganoon din ang sinasabi niyang king. Inilipat ko ang tingin sa lalaking nagdala sakin dito na si Apollo at kita ko sa kanya ang kaguluhan. Pati na rin ako ay naguguluhan.

"Anong.....?" Pabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa nung king.

"H-Hindi mo ba siya kilala?! Siya si king! Meron palang babae ang hindi nakaka kilala kay king? I can't believe it!" Napaupo siya sa isang upuan katabi ko at parang hindi talaga siya maka paniwala.

Nakatitig lang ako sa kanya ng bigla siyang tumingin sakin kaya naman nagulat ako dun. Gosh.

His eyes..... Katulad kay dad.

"You" Sabi niya sabay pa kita ng kanyang pera sa lamesa ng upuan.

"Ano yan?" Tanong ko na halos hindi ko na rin marinig.

"Bulag ka ba o hindi mo alam?" Naka taas ang kaniyang kilay.

And his eyes..... Kagaya rin ni dad.

Nang hindi ako sumagot sa tanong niya ay nagulat ako sa ginawa niya. Tinapon niya ang mga pera sa sahig na kanina lang ay nasa lamesa niya.

Dahil doon ay nanginig ako sa takot at nakita ko rin ang pagtayo ni Apollo sa kanyang upuan.

"Pick them up" Sabi nung king. Napalunok ako.

Nagkatitigan kami sa mata at hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin ko ang salitang ito.

"MONSTER" I said, at kitang kita ko ang pag dilim ng kanyang ekspresyon. Kita ko din ang pag aalala ni Apollo sa nabubuong tensyon.

Bigla siyang tumayo at hinawakan ng mahigpit, sobrang higpit ng hawak niya sa aking palapulsuhan. Ohmygosh! Naiiyak na ako.

"Alber! Why did you do that?!" Lumapit siya sa amin at tinanggal niya ang kamay niya sa palapulsuhan ko. Kinagat ko ang aking labi dahil sa sakit ng kamay ko. Nakita ko ang pamumula nito.

"Clare! Say that..." Kita kong nahihirapan si Apollo sa kanyang sinasabi. "Say that you're sorry" Hindi agad ako nakapag salita sa sinabi niya.

Kita kong kinuha nung king/Alber yung pitaka niya at may kinuhang tseke at tinapon sa harapan ko. Kita ko ang pag taas baba ng kanyang balikat.

"Take it and piss off!" Sabi niya at muling pina kalma ang sarili.

"What's wrong with you Alber?!" Tanong ni Apollo sa kanya. Hindi pa rin ako gumagalaw at nakatayo lamang, pino proseso lahat ng nangyari.

See? He's a monster!

I don't know if I should go to this weird school. For me, life is a war. I can't afford to worry over such little things. If I quit school, it might be better for now for my brother and sister.

Nakahiga ako sa aking kama ng nakita ko ang binigay niyang tseke. Naalala ko nanaman yung nangyari kanina. It was my fault. Kung Sana di ko naalala si dad.I should give the money back.


~~~~~
VOTE
COMMENT
FOLLOW

Wild BoysWhere stories live. Discover now