Dream 1

63 0 0
                                    


The Dream

NORMAL naman sa atin ang managinip, lalo na noong mga bata pa tayo, pero normal bang maituturing ang mga panaginip ko? Mga panaginip na hindi ko alam kong totoo o gawa-gawa lang nang munti kong isip.

It all started when I was still a child this sets of weird dreams intrigued and confused me at the same time.

Why? Easy because I can see the past, the present and even the future through my dreams.
Noong una natakot ako, yes I got scared to the point na ayaw ko ng matulog!
Mas malala pa ang mga panaginip ko kaysa sa totoong nangyayari sa buhay ko. Nakikita ko ang mga mangyayari sa mga taong titingnan ko ang mga mata gamit ang panaginip.

Magulo ba? Ganito kasi yun, when I was 9 years old, I always prefer to play outside our house, mayroon kasi kaming Bermuda grass sa labas ng aming bahay sakop ito ng aming bakuran, habang naglalaro ako mayroong matandang babae ang nakita kong tinatahulan ng mga aso, nakatali naman sila pero nakakatakot ang mga tahol nila kaya naman lumabas ako at sinaway ang mga alagang aso ng aming kapitbahay.

Tumahimik naman ang mga aso kaya humarap ako sa matanda at saktong napatitig ako sa kanyang mga mata habang nag uusap kami.

"Lola pasensya na po kayo sa ingay ng mga aso, mababait naman po sila sadyang nakakatakot lang po sila kapag tumatahol." Tanging ngiti lamang ang tugon sa akin ni lola at naglakad na rin sya paalis.

Nang gabing yun nakita ko si lola sa aking panaginip papatawid sya ng kalsada ng may biglang bumunggo sa kanya na humaharorot na sasakyan, itim ang kulay nito at lasing ang nagmamaneho noon, ang kanyang plaka ay tagilid at hindi man lamang nito tinigilan si lola, nang akma namang lalapit ako ay tsaka ako nagising.

Nang oras na nagising ako ay sya ring oras na nakarinig ako ng tunog ng ambulansya. Dali dali akong lumabas sa aming bahay kahit na nakapang tulog pa ako, at hinanap ang pinang-gagalingan ng tunog.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang patungo ako sa lugar na naroroon ang ambulansya,
maraming tao at nagbubulungan sila.

"Grabe no? Walang awa ang nakabangga, hindi man lang tinigilan si Lola. Lasing rin nga ata yung nakabangga.."

Napalingon ako sa dalawang ginang na nag uusap patungkol siguro sa nangyaring aksidente, ng tumingin ako sa kalsada nakita ko lamang ay ang ambulansya at natatabunan noon ang sa tingin ko ay ang matanda sa aking panaginip. Nang buhatin at maisakay ang bangkay sa ambulansya ay doon lamang ako nakahingga ng maluwag ng mapagtanto kong ibang matanda ang na sagasaan, Hindi ko napansin na sobra pala akong nanginginig sa pinaghalong kaba at takot kanina pa.

Siguro ay paranoid lamang ako Baka dala lamang ito ng stress sa pag-aaral ko at kung ano-ano na ang puma-pasok sa isip ko. Nasa ganoon akong pag-iisip ng tawagin ako ng kapatid kong hingal na hingal marahil siguro ay sa kanyang pagtakbo mahabol lamang ako.

"Ano ba Dreamme! Bigla-bigla ka na lamang tumakbo palabas ng bahay alam mo namang mabagal akong tumakbo tapos kasali ka pa sa track in field ako pa ang humabol sa iyo. Tawag ka na nang Inay at Itay ano bang ginagawa mo rito?" Tanong ng kapatid ko habang lumilinga linga sa paligid.

"Wala. Akala ko lang kakilala ko yung nabangga. Hindi naman pala. Tara na nga!" Na una na akong maglakad sa kanya bagal kasi.

"Hintayin mo naman ako Dreamme? Wala ka talagang galang! Kuya mo ako bakit ganyan ka makipag usap sakin!" Dada nya. Daig pa babae kung tumalak!

"Kuya! Are you gay? Andaldal mo." Anas ko at sinabayan ko ng pagtakbo.

"Abat! Ikaw talagang bata ka! Lagot ka sakin kapag na abutan kita!" Sigaw nya pabalik sakin.

Habang patuloy ako sa pagtakbo napalingon ako sa kabilang kalsada at doon nahuli ng mga mata ko ang pamilyar na tindig ng matanda sa panaginip ko dahan-dahang bumagal ang takbo ko hanggang sa tila naglalakad na lamang ako, napalingon si Lola sa akin at nginitian ako Hindi ko alam kung susuklian ko ang ngiti nya o ano, dahil ng mga oras na yun tila bumalik sa aking isipan ang aking panaginip, ganitong ganito! Patawid sya at may biglang babangga sa kanya! Nang matauhan ako dahil sa Kuya kong naka abot na sakin ay tsaka lamang ako nakagalaw at tatakbo na sana ako Kay Lola ng bago pa ako makahakbang ay bigla na lamang dumaan ang itim na sasakyan at walang pakundangang binangga ang kaawa-awang matanda. Tila nawalan ako ng lakas at bigla bigla na lamang akong nabuwal sa aking pagkakatayo. Walang nagawa ang kapatid ko ng subukan nya akong patayuin at akayin paalis sa pinangyarihan ng pangalawang aksidente hindi na nahirapan ang mga taong tumawag ng pulis at ambulansya dahil malapit lamang dito ang aksidente kani-kanina lang.

Napaka-ganda ng umaga ko! Note the sarcasm please.

_________________
Matapos ang incidenteng nagpatunay na totoo ang mga panaginip ko halos ayaw ko nang matulog, akala ko nababaliw na ako wala akong pinagsabihan ng kakayahan kong iyon ni pamilya ko Hindi ko sinabihan ng mga kakaibang panaginip na nakikita ko. Sa bawat panaginip Hindi ako lumalabas sa takot na makasaksi na naman ako ng isa pang trahedya.

Akala ko ligtas na ako
Until that one afternoon happen....
Nasa kwarto ako ayaw kong matulog but then I suddenly heard a soft hymn I don't know where it was coming from Pero nakaramdam ako ng antok and yes I unconsciously fell asleep at sa panaginip kong iyon I saw a goddess-like lady with her long white gown and her golden hair, her surrounding was so paradise-like view that any children would like to go to takang-taka ako dahil kakaiba ang panaginip kong iyon kadalasan kasi sa mga panaginip ko mga aksidente at trahedya kaya nakakapanibago.

Sa gulat ko tumingin sya sa akin,
She also motion me to come near her, and I easily followed her. When I got close to her she started to softly tap my head just like how my Mom do every time I did a great job.

What shocked me the most was when she hymn and I realize that she is the one who singed me to sleep.

Habang naroroon ako sa panaginip na yun Hindi man lang ako nakaramdam ng takot, when her softly hymn ended she whispered something in my ear.

"Dreamme be one of the dreamers and save lives."

The DreamersWhere stories live. Discover now