Chapter 2 : The Dead??

3 0 0
                                    

Nyza POV

"isang babae ang natagpuan sa kanyang kuwarto na wala ng buhay tinatayang nasa edad 15 taong gulang na ito at nag-aaral sa isang kilalang eskuwelahan . Inaalam parin ng mga awtoridad ang pangyayari kung may kaugnayan ito sa isang site na mainit na pinag-uusapan ng mga kabataan sa ngayon ang-" biglang namatay ang TV na pinapanood nya.

Humarang pa ang kanyang mama halatang inis na ito dahil kanina pa sya nito pinapa-asikaso sa pagpasok.

'heto na naman kami mag-ba-bars na naman si mader'. sa isip-isip nya.

"mag-asikaso kana anong oras na may plano kapa bang mag-aral abay kung wala ka nang plano mag-aral sabihin mu agad para hindi masayang yung pera na pinapadala ng papa mu para mapa-aral ka lang". At nagsimula na nga ang morning ritual namin mag-ina.

Hi! Ako nga pala si Nyza De Luna Ny-Ny ang tawag sakin ng mga close friend ko Ney-ney sya kapag binigkas. I'm 15 yrs old at malapit lapit na din ang birthday ko! Kung kelan yun? Secret!

"hoy NYZA DE LUNA! nakatulala ka naman sa harap ng hapagkainan ano gusto mu susubuan kapa?!". sigaw na naman sakin ng mama kong pinaglihi ata sa machine gun ang bibig o baka dati syang armalite na naging tao?.

"mama ang aga aga pa yung boses mu abot na hanggang dun sa school namin". sagot ko sakanya at sinimulan ko na din kumain mahaba-haba na naman kasing usapan ito.

"ang OA mu hala bilisan muna dyan napaka-bagal mu pa naman maligo pagkatapos mu dyan ilagay mu sa lababo yung pinagkainan mu at baka iiwan mu naman dyan sa lamesa kala mu may katulong ka dito pagkatapos isarado mu na lang yung pinto may dala naman akong susi".mahabang litanya ng kanyang ina.

"shan kha phuntha mha? ". tanong ko habang may laman pa ang bibig ko bigla kasi ako ginutom ng masayaran ng pagkain ang sikmura ko kaya tuloy tuloy na din ang subo ko.

"huwag ka nga magsasalita ng may laman ang bibig mu mag-go-grocery muna ako malapit na maubos ang stock natin sa ref bilisan muna kumilos ma-lelate kana naman niyan". Kinuha na nito ang eco bag sa lamesa at umalis na.

Kakatapos ko lang maligo at aabutin ko na sana ang uniform ko nang tumunog ang cp sa study table.

1msg receive
from : fishda

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DEATHSERVICE.COMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon