Chapter 1: Invinsible

535 2 1
                                    

*toot* *toot*

Ugh! Ayoko pa, ayoko pang gumising at masarap pa ang tulog ko. Istorbong alarm clock. Pinikit ko ulit ang mga mata ko at muling natulog.

"MAID NUMBER 167!! HINDI MO BA ALAM KUNG ANONG ORAS NA?!!!"

Minulat ko agad ang mata ko at pagtingin ko sa orasan ay mag aalas otso na. Patay talaga ko nito. Lunes na lunes hindi ako nagising. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at hindi na ko nagtaka kung sino ang nandun. Ang head maid namin, Maid Number 1.

"S-sor-"

"Wag ka nang magsorry at wala naman akong mapalala dyan sa sorry mo! Kahit kelan ka talaga kabago-bago mo pa lang napakatamad mo na. Pumunta ka na sa kusina at tignan ang gagawin mo ngayong araw! Hala bilis na at wag kukupad kupad lalo akong nabwibwisit sa'yo!"

Dali-dali akong umalis at baka may sasabhin nanaman ang mala machine gun nyang bunganga. Nakkabwisit! Bakit ba kasi hindi pa ko nagising! Ugh. Kung hindi lang talaga head maid yun sinagot ko na yun e. Kainis.

Pumunta ako sa kusina para tignan ang mga gagawin ko ngayong araw. Maglinis ng sala, maghugas ng pinggan, at ihanda ang kakainin ni Sir Iñigo. Yun lang pala eh. Grea-- Teka! Ano ulit yon? Ihanda ang kakainin ng jerk, selfish, playboy, heartless na si Iñigo?!

Sobrang malas naman talaga bakit ba ako pa?! Sa 200 maids nya dito ako pa ang napiling maghanda ng kakainin nya? Kaya pala. Kaya pala masama tingin sakin ng ibang maid dahil ako ang maghahanda ng kakainin ni Iñigo. Dahil sa tuwing may magsisilbi sa kanya akala ng ibang maid eh sineseduce na agad nila si Iñigo.

Masisisi ko ba sila? Sobrang hot naman talaga ni Iñigo, DATI. What?! Akala ko ba ayaw mo kay Iñigo. Ang inner self ko. Tse! Kaya nga dati diba, sinabi ko bang ngayon?! Simula kasi nung nahuli kong nagmamake out si Iñigo at ang isang maid namin halos isuka ko ang intestine ko no.

*Ding*

"Master Iñigo's food is ready."

Narinig ko ng sinabi ng chef na handa na ang kakainin ni Iñigo. Lagyan ko kaya ng lason? Gusto mo mawalan ng trabaho? Oo na. Oo na. Lagi kang kontra. Kung hindi lang magnda sweldo dito matagal na kong umalis.

Pumunta na ko ng dining area. At ayun, pababa na si Iñigo. Grabe, bakit ba may taong bumaba lang naman ng hagdan eh akala mong diyos na bumaba sa langit? Ayaw pa kasi aminin na attracted ka pa rin sa kanya. Tumahimik ka dyan.

"Goodmorning Sir."

Yumuko ako. Sign of respect. Ayoko pa mawalan ng trabaho no. Tinignan nya lang ako at at umupo sabay sinimulan ng kumain.

Hay. Wala man lang thank you?! Sabagay, sino ba naman ako para pansinin nya? Ako lang naman si Maid Number 167. Alam ba nyang Ana Reyes ang totoong pangalan ko? Alam nya bang nageexist ako? Malamang hindi kaya nga hindi na ko nagtataka kung hindi nya ko papansinin.

"Do you need anything, sir?"

"Silence. Silence while I'm eating."

What?!

--

End. How's that? Any comments? :)

She's my Maid Number 167Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon