Chapter 5: Hell days

99 3 0
                                    

Tama ba yung narinig ko? Nananaginip lang ako. Oo, tama nananaginip lang ako. Sinampal ko pa yung sarili ko pero nasaktan ako.

"Good. Then be my personal maid."

Personal maid?!?!??!?!?!?!?!

Why Papa God, Why you do this to me? Ginagawa ko naman po ng tama yung trabaho ko, sinusunod ko ang utos ng head maid namin kahit ayaw ko pero bakit ako pa.

"Number 167!"

Narinig kong sumigaw ang head maid namin mula sa garden, naku hindi niya ko pwedeng makitang lumabas galing dito. Buti na lang bumalik sya agad sa loob kaya dali dali akong lumabas at pumasok para puntahan siya. Ano nanaman ba kasi sinisigaw niya?

"Ikaw, ikaw ang magiging personal maid ni Sir Iñigo. Isang pagkakamali lang pwede kang mawalan ng trabaho!" Sabi niya sabay irap sa akin.

Sus. Gusto niya kasi siya ang maging personal maid ng bwisit na lalake na yun.

"Simula ngayon maiiba ang trabaho mo, ikaw ang magkokolekta ng damit ni Sir Iñigo, maglilinis ng kwarto, ng banyo, ng gym, ng playroom, at magseserve ng pagkain niya."

Ano?! Lahat ng yun ako gagawa?!

"Teka ho head maid, l-lahat ng yan ako ang g-gawa?"

"Oo bakit may reklamo ka? Ayaw ni Sir Iñigo na may iba't-ibang naglilinis ng mga gamit at kwarto niya at inutos nya talaga na sabihin ko sa iyo yun. Wag ka na magreklamo, dahil halos lahat ng maid dito sa bahay na 'to ay handang magpakamatay para lang mapunta sa posisyon mo!"

Edi sana sila na lang maging personal maid ng lalakeng yon!

"167."

Si Iñigo.

"Kuha mo ko ng Juice."

Wow ha. At nagsimula na ang mokong na pahirapan ang trabaho ko.

"Yes sir."

Kumuha ako ng Juice mula sa kitchen at dinala sa kwarto niya.

"Eto na po yung Juice nyo sir."

"Nagbago na isip ko, tubig na lang pala."

Anak ng kuba sa kanto nga naman oh! Pinagtritripan pa ko ng mokong na 'to!

"Okay sir." May pagka madiin kong sinabi dahil gusto ko ng manapak ng tao ngayon.

"Eto na yung tubig sir."

"I changed my mind gusto ko ng coffee."

Magrereklamo sana ako pero nakatingin sya saken ayoko pang mawalan ng trabaho no. Bumalik ako na may dala dalang coffee at sana naman wala na syang iutos pa at naiinis na ko.

"You can go."

Hay sa wakas! Kala ko mag-uutos pa ng sandamakmak. Kung hindi lang talaga malaki sweldo dito eh lalayasan ko talaga 'to.

"Wait 167."

Oh ano nanaman kaya kailangan nito?

"Here's your phone para pag may kailangan ako tatawagan lang kita."

Iphone 4s?! As in?! Ha! May magandang naidudulot din pala ang pagiging personal maid eh. Instant iphone 4s! Woooo.

"Salamat sir. Wala naman ho sgurong kapalit 'to diba?"

"Meron."

And he suddenly pulled me with him on his bed and I'm currently sitting on his lap.

*badump* *badump*

"Lahat sakin may kapalit."

And he claimed my lips as if he never kissed a girl before.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's my Maid Number 167Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon