April Fools
April 1, 2012
KRRRIIIIIIINNGGGGG !! KRRRIIIIIIIIINGGGGGGGG !!
Uwian naaaa !
Hayy salamat naman at 'di ako naabutan ng tawag ni Ma'am para magrecite !
Pano naman kasi, yung magaling kong bestfriend hiniram yung notes ko kahapon at hindi ibinalik sa akin kanina. Hindi tuloy ako nakapag review . Shocks ! Nakakahiya pag natawag ako ni Ma'am at hindi ako nakasagot.
Thank you BELL ! You saved me !! :)
Habang inaayos ko yung mga gamit ko sa locker, nahagip nang paningin ko ( na biglang luminaw ) si Seth Villaroman na papunta sa direksyon ko. Sino siya ? Wait lang * akyat sa rooftop sabay sigaw.. KYAAAAAAHHHHHHHHH !! baba na ulit * xD
Siya lang naman ang lalaking nagpapatibok sa aking puso. The man of my dreamss ╯ε ╰
Dali dali kong kinuha ang salamin sa locker ko para tignan ang itsura ko..
" Ang ganda mo talaga ! Ikaw na ! Amp ! " ipinormang baril ko yung daliri ko sabay turo sa salamin .Haha . I know right ! ;)
Omg.! Papalapit na siya sa akin . Super hot niya talaga kahit naka school uniform. Kitang kita parin ang hubog ng sexy niyang katawan..
" Hi Cynthia." sabi niya.
W-wait, ano daw ? Cynthia? Ako ba yun??
Tumingin ako sa paligid, pero kaming dalawa lang pala dito. So, tinuro ko ang sarili ko.
" A-ako ba? " shemss .kinabahan ako bigla .
" Oo Cynthia ikaw. Pwede magtanong ? " waaaahhh ! hihimatayin na ko . i was like, IS THIS REALLY HAPPENING ? kinakausap ako ni SETH VILLAROMAN ?? GHAD !
" O-oo naman. A-ano ba yung itatanong mo ? " calm down Cynthia ! Bakit kaba nauutal. Halata kana masyado eh .Easy !
" Uhm, will you be my Girlfriend? " walang pag aatubili niyang sabi.
Natulala ako sa narinig ko . Parang tumigil ang mundo.. Nasa panaginip ba ako? kung oo, sana wag na kong magising pa .. Kinurot ko yung tagiliran ko para siguraduhing hindi panaginip ito .
"Aww!" sabi ko ng mahina . Lintek, masakit ! Ibig sabihin totoo ito ? As totoong gusto ako maging Girlfriend ni Seth Villaroman ? CAN I DIE ? RIGHT NOW?
" Hey, are you ok? " kinakaway niya ang kamay niya sa harap ko habang sinasabi iyon .
Natauhan naman akong nakatulala pala ako sa kaniya .Waaahhh .Nakakahiya ako . Don't be so obvious Cynthia !
" A-ahh s-sorry ! A-ayos lang ako . " ngumiti ako ng tipid. Gosh! di ko talaga mapigilang hindi mautal . Sino ba naman kasing hindi mauutal kung sabihin sayo ng crush mo na gusto ka niya maging Girlfriend !
" So, what's your answer? Is it a Yes? " aniyang nakatingin sa akin na parang naghihintay ng magandang sagot .
" Wait lang ah. "
Tumalikod ako at sinampal ko yung sarili ko. Masakit parin. Totoo talaga ito. Di ako makapaniwala.Pero di ko maalis sa isipan ko ang mga tanong. Bakit niya ko gusto maging Girlfriend kung lagi niya akong nilalait? Kesyo panget daw ako, nerd at pango. Pero sa kabilang banda, naisip ko rin na malay ko ba na baka may tinatago pala siyang pagtingin sa akin.Dinadaan niya lang sa panglalait para mapansin ko siya . Ayyiiiieee ! Kenekeleg eke !! Sige na sasagutin ko na siya. Waaahh ! Dream come true ! Thank you Lord ! Una, kanina po niligtas niyo ako sa recitation, tapos ngayon gusto ako maging Girlfriend ng crush koo.Syempre u-oo na ko.