My Comeback as
" NOREEN GALVEZ"
June 2014
It's been two years simula ng umalis ako dito sa Manila para tapusin ang highschool sa Bulacan.And, now I'm back ! But not as Cynthia anymore. I am now a model named Noreen Galvez. Yes, model na ako. Pagkatapos akong madiscover ng aking manager na nagpapaphotoshoot sa isang park somewhere in Bulacan. After kasi nung nangyari sa akin na kahihiyan, sinimulan ko nang baguhin ang sarili ko, especially ang itsura ko. Well, thanks to them who bullied me, lalo na sayo Seth Villaroman for making me transformed Cynthia into Noreen.
" Welcome home my baby ! " excited akong sinalubong ni Mom ang Dad sa waiting area ng Airport. Bago kasi kami umuwi ni Tita Lei ( manager ko ) dito sa Manila ,galing muna kami sa Palawan for the Photoshoot and shooting ng ini-endorse kong product ngayon.
"Dad ! I'm not a baby anymore." natatawa kong sabi saka yumakap sakanila. Pinaulanan naman nila ako ng halik sa mukha. God knows how much i missed these two. Kahit linggo-linggo or, twice a week pa nga yata ako dumadalaw sakanila noong nasa Bulacan pa ako, eh miss na miss ko parin talaga sila.
"Mom, Dad, this is Tita Lei." sabi ko pagkatapos kong kumalas sa pagkakayakap nila.
"Hi Mrs. and Mr. Galvez. I am Noreen's manager." ani Tita Lei saka nakipag shakehands kila Dad.
" Oh, hello. Thank you so much for taking care of our baby." sambit ni Dad na nakangiti ng nakakaloko saakin.
"Dad!" saway ko sakanya ng pabiro. He's really used to it. To call me his baby. Ako lang daw kasi ang baby niya forever. So sweet of him.
Nagtawanan naman sila sa reaksyon ko. At nakitawa narin ako.
" I had no problem with her, Sir. Masunuring bata po. I even treat her as my real daughter. Maganda at matalino na, napaka bait pa. Kahit nagmomodel po siya, she never forget her studies. Even sa set po nagrereview siya for the exams. Kaya tignan niyo naman, kahit busy sa pagmomodel eh naging 1st Honorable Mention pa." uminit ang pisngi ko sa compliment sa akin ni Tita Lei. Totoo yun. Di ko talaga pinabayaan ang pag-aaral ko kahit model ako. Modelling is my fashion, but studying is my priority. Mabuti nalang at nakaya kong pagsabayin ang dalawa. Dapat nga ako pa ang Valedictorian. Kaso di daw pala pwede kasi transferee ako. Pero ok lang .
" We're so proud of you anak." lumapit sa akin si mommy saka humalik sa noo ko .
Pagkatapos ng scene na iyon na *malapitngmauwisadramahan*, ay nagyaya si Dad na kumain ng lunch sa labas.
Habang nagla-lunch ay nagkukwentuhan parin kami about sa pagmomodel ko . I can see their happiness for me. That they're so proud of me.
Pagkatapos naman namin kumain ay nagpaalam na si Tita Lei na uuwi na sa kanila. At kami naman ay pauwi na rin sa bahay.
" Nga pala, you're already enrolled sa school na sinabi mo. Here's your schedule." sabi ni Dad habang nagd-drive. At inabot sa akin yung COM ko na naglalaman ng mga sched. ng pasok ko .
Pagkadating sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto. Tinignan ang buong paligid at humiga sa kama ko .
"Hayy ! Namiss kita, kwarto kooo." sigaw ko habang yakap yakap ang unan ko . Kahit na mas malambot pang kama ang nahihigaan ko sa Bulacan, eh iba parin talaga ung sarili mong higaan sa kwarto mo .
Natahimik ako nang biglang maalala ang lugar na 'to, ang Manila. Pati narin ang dahilan kung bakit ako umalis dito .
Kinuha ko sa bag ang COM ko at tinignan ito ng madilim .
"Piston University." sabi ko habang gigil na gigil na nakahawak sa COM.
Sabi ng source ko, dito nag-aaral si Seth Villaroman. 2nd year Marketing Management student.At gaya ng dati, isa parin siyang sikat na Girl Magnet. Kahit nga daw si Lyra na ex-beastfriend ko ay naging Girlfriend niya. At nag drop pagkatapos makipag break sakanya ni Seth . Nabaliw siguro. I don't know the reason.And I don't care at all.
Marketing din ang kinuha kong kurso dahil ito ang gustong ipakuha sa akin ni Lolo Sergio. Ipapamana niya daw kasi sa akin iyong kompanya niya. Which happened to be in my plan na iyon ang kukunin ko para may koneksyon kami at mapadali ang gagawin kong paghihiganti.
Biglang sumulpot sa isipan ko ang mukha ni Seth na tuwang tuwa sa ginawa niya saken noon..
" Seth Villaroman ! You'll be sorry for what you did to me !! I will make your knee down infront of me!! " sabi ko sa halos mapunit nang COM na hawak ko. Tinago ko na ito .Baka mapunit ko nga .
Villaroman ! Humanda ka . Heto na ulit ako. Magsisisi ka sa ginawa mo .Kakainin mo lahat ng sinabi mo. I will make you beg for me for the rest of your life and make you suffer until death !
****