Chapter 5 ~ Sweet Moments

6 0 0
                                    

X=X=Sky=X=X

Kasalukuyang nag-aalmusal ako sa kusina ng mansion namin..

6:45 a.m palang pero nakagayak na ako...Iba talaga pag may inspirasyon ka..Maaga kang papasok para makita mo sya,pagnasa room ka lagi sya yung tinitignan mo,mawawala ka na sa concentrate sa pag-aaral,pero hindi ko naman hahayaan na bumagsak at mawala sa honor...Yung matagal mong inspirasyon? ay makahulugan mo kaya ng loob?...

"Mukhang malalim ang iniisip mo"-rinig kong sabi ni manang Hazel..

"Hindi naman po"sabi ko..

At nagkibit balikat nalang si Manang.

"Nako...Iba talaga pag inlove...Sky..minsan hindi mo maintindihan yung nararamdaman mo sa isang tao..,Kasi may mga bagay na nakakagulo sa nararamdaman mo..Pero kung ang tinitibok ng puso mo ay sya talaga..Ay nako wala tayong magagawa"- sabi ni manang Hazel habang nagtitimpla ng kanyang kape.

"Inlove?"tanong ko.

"Ayun ang pansin ko sa mga mata mo,makikita mo naman sa mata ng isang tao kung inlove"sabi ni manang.

Napaisip ako doon...Inlove nga ba talaga ko? baka naman sobra lang ako mag-isip..

"Ohh pumasok ka na may sundo ka sa labas.."sabi ni manang na nakasilip sa pinto..

Bigla naman akong napatayo sa kinauupuan ko.

Pagtingin ko si Alex..!!

0_0

Wahh!!! sinusundo nya ko...

Dali dali akong bumalik sa kwarto ko para magsepilyo saglit at kuhanin ang gamit ko.

"Manang aalis na po ako.."sabi ko kay manang na nasa gate.

"Osige..Mag-iingat kayo"- sabi ni manang sa akin.

Lumabas si Alex at pinagbuksan ako ng pinto.

Pumasok na ako sa kotse at sya din...

"Goodmorning"sabi ni Alex..

"Goo-Goodmorning"hiyang sabi ko...

Hindi ko alam ang ikikilos kasi naman dahil sa kahapon naalala ko yung mga pinagsasabi nya sakin..

Nagdadrive lang sya....At ako nakatingin lang sa daan.

_St.Glory Academy_

Nang nakapark na ang kotse nya ay hinawakan nya ang kamay ko at naglakad kami..

HHWW?????0_0

HOLDING HANDS WHILE WALKING???? WAHHHHHH!!!

Bigla kong binitawan ang kamay nya at inunahan sya mag lakad.

"Wait lang" hiyaw nya.

Pero hindi ko sya nilingon.

Naramdaman ko na nakahawak sya sa bag ko...

Kaya tumakbo ako.

Nang nasa room na kami ay hinihingal kami pumasok...

Haba ng tinakbo ko nohh.

Wala pang tao sa room dahil maaga pa 7:15 palang..half day lang kami ngayon..

Ngayon nga pala sasabihin kung sino ang 3 highest sa test kahapon.Kinakabahan ako

"Goodluck mamaya sana ikaw ang pinakahighest:)"sabi nya sakin.

"Goodluck din" sabi ko.

"Bakit ka tumakbo kanina?"tanong nya sakin...

Just a Dare Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon