Chapter 2

14 0 0
                                    

Chapter 2

Pano ba naman kase yung magiging school service ko nasiraan kainis talaga



Napag desisyunan ko nalang na wag pumasok dahil late na baka mapagalitan lang ako ng teacher namin kung sakaling papasok pako ng ganong oras


Nang gigil talaga ko medyo excited pa naman ako hayst pero ayos lang may bukas pa naman

Pero pano yan, ngayon ibibigay yung schedule diko alam kung ano ano pa yung requirements

Bahala na bukas kung anong mangyayari basta ang importante makapasok nako bukas

Hay nakakagigilllllllll talaga

Sa pagkainis ko agad akong nakatulog nakakapagod ding mainis no

Maaga palang ay tumulong na agad ako kay nanay sa pagtitinda nya sa elementary school na pinapasukan ko dati pagkatapos ng 4hrs na pagtulong umuwi nako sa bahay at agad na gumayak para sure nako na pagdating ng service ko di ako malalate at sana naman yung service ko na yon e nakapag pa vulcanize na at naayos na nya yung bulok nyang tricycle hanggang ngayon nang gigigil pa rin ako

Sana lang talaga mababait yung magiging teacher ko


At sa wakas dumating na yung service ko pero hindi yung bulok na tricycle kahapon mukhang pinaiba ni lolo maayos na sya ngayonHAHAHAHHAHA

Habang nasa byahe tahimik lang naman ako kase di ako makakilos at makapag salita e siksikan kami e

Di naman sa sobrang siksik pero Tatlo sa loob at Dalawa sa may motor nung tricycle at ayoko din namang magsalita kase ala naman akong sasabihin

Hanggang sa nakarating na kami sa school

Di ko alam kung san ako pupunta nakalimutan ko kaseng itanong dun sa teacher nung enrollan kung saan banda yung magiging room ko


Nagtanong nalang ako don sa mga teacher kung saan yung 7 Dahlia tinuro naman nila kung saan

At sa kamalas malasan na naman nag antay ako ng matagal sa tapat ng room na yon e hindi naman pala don yung room kung saan magaganap yung unang klase namin

Sa Jica building pala late ko na nalaman mga 30 mins akong late pero nagpunta parin ako sa unang klase kasi nalaman ko na yung dalawa pang babae na naghihintay sa tapat ng room kung san ako naghihintay kanina e magiging kaklase ko pala edi nagsabay na kame na pumunta sa unang klase namen


At sabay sabay din kaming napagalitan ng teacher

Si ma'am Remedios to be short ma'am Rem nalang daw


"Dalian nyo don na kayo sa likod pumasok anong oras ang klase nyo pero ngayon lang kayo pumasok wag nyoko subukan!" pag susungit nya samen


Hay nako unang araw ng klase napagalitan at napahiya agad ako este kame

Buti nalang may nakasama ako at di ako mag isang napahiya buti nalang talaga

Nagpakilala lang naman yung teacher sinabi na 4 na pinagsasamang notebook ang kailangan sa subject nya

MAPEH teacher pala sya kaya medyo strikta mabait naman sya nung nag iinform sya ng mga rules nya at isang napansin ko sa kanya mahilig sya sa pink at sa hello kitty kase puro pink at hello kitty yung gamit nya e

Mabilis namang natapos yung unang klase

"Lets call it a day! Goodbye class see you tommorow!"

"Goodbye Ma'am! thank you for teaching us!"sabay sabay naming sagot sa kanya


Bumaba na kami gamit ang hagdan at good thing na naging ka close ko yung nakasabay ko kaninang babae na malate , may kasabay nako mamayang magrecess at di nako loner ngayong unang araw ng klase nato^.^

Pag punta namin sa tapat ng room namin nag antay pa kami ng konting oras kase nag lilinis pa yung mga pang umaga na gumamit ng room bali first section pala yung kashare namin sa room , 7 Sampaguita yung section nila

muntik pa nga akong pumasok sa klase nila kanina e , malay kobang di sila yung 7 dahlia pero buti nalang di ako pumasok at di ako napahiya naligtas naman ako don

Hanggang sa nakaalis na yung 7 Sampaguita at lumipas na ang ilang subject napag masdan ko na rin yung mga kaklase ko na makakasama ko sa ilang bwan ng pagiging freshman ko


Hindi ko sila kilala kase hindi ako nakapasok kahapon

Kahapon kase ginanap yung Introduce yourselef kaya fair lang kase hindi rin naman nila ko kilala

Wala naman kaming ibang ginawa sa kada subject kundi tandaan yung mga pangalan ng teacher at isulat yung mga requirements nila

Bukod don wala na talagang nangyaring malaking bagay sa araw na yon

Ay meron pala hehe since high school naman nako normal na maghanap o di kaya'y mag ka crush ako


Kahit naman nung elementary may crush nako Hehe malandi e anong magagawa ,wanna know who oops bawal pa later on ko nalang kwento masyado ng hahaba yung daldal naten sa chapter nato


E kase kanina habang pinagmamasadan ko yung mga kaklase ko may isang gwapong nilalang na pumunaw sa atensyon ko

Makapukaw ka kala mo naman talaga bihasa sa pagtatagalog


sa tingin ko sya yung night and shining shimmering splendid armor ko charott

basta charming sya hehe^•^

SalisihanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon