Para sa babaeng labing apat na beses akong umiyak.
Sa mga pangako nya'y puso ko'y nabiyak.
Sa mga pangarap naming pinangako.
Hindi ko akalaing lahat ng ito'y mapapako.Walang ibang tanong kung bakit?
Kung bakit sa dalawampu ako'y pinagpalit?
Hindi mawari ng aking isipan.
Kung bakit ba nagawang palitan?Alam kong di ako kagwapuhan.
Pero di ko lubos malaman.
Na ang ating pagmamahalan.
Ay isang malaking kasinungalingan.Sa unang luhang pumatak.
Puso ko animoy binibiyak.
Hindi mawari ang dahilan.
Nang pag-ibig mong kataksilan.Walang komunikasyon.
Walang interaksyon.
Ano nga bang intensyon?
Nang pag-agaw atensyon.Sana'y di nalang pinansin.
Ang pag-ibig mong pasanin.
Sa ikalabing apat na pag-iyak.
Natigilan ang puso sa pag-biyak.Siguro nga'y may dahilan ka.
Siguro nga'y tama ka.
Siguro nga'y tama sila.
Permanenteng tao sa mundo'y wala.Pagkat lahat ay pansamantala.
Wag kang mag-alala.
Hindi ko gustong ika'y mag-alala.
Pero sa huling pag-iyak ko.Hiniling na ika'y makalimutan ko.
Mawala't mabura sa isipan ko.
Nais kong malaman mo.
Umaasa parin ako.Na magkikita parin tayo.
Para sa'yong minahal ko.
Nagpapasalamat ako.
Sa mga panahong ikaw pa at ako.Sana'y bumuti ang kalagayan mo.
Sana'y wag ka nang magloko.
Masaya akong nasulat ko ito.
Magpakasaya kayo ng bago mo.
BINABASA MO ANG
Labing Apat
PoetryIstorya ng aking tunay na pagmamahal tungkol sa isang babaeng kauna-unahan kong inibig at kauna-unahan kong kasintahan ngunit sa isang kisap-mata, nakabitaw sya ng di ko inaakala. sa madaling salita, isa syang istorya na patula #ShaklapBesh