Chapter 9: Case of a secret admirer (part 2)
Chris' pov
Tsk... nakakapikon talaga yung babaeng yun! Pasalamat nga siya at concern ako sa kanya.
Teka! Ba't nga ba ako concerned sa kanya? tsk! Ano ba to?!
Maya-maya pa ay lumabas muna si Avie, pupunta yata ng CR. Unti-unti na ding nagsisilabasan ang mga kaklase namin sa room kaya sumunod na din ako.
Nang makalabas ako sa room, naalala ko na may bumabagabag sa isipan ni Avie. Curious ako dun dahil malamang isa din akong detective.
And because of curiosity, I decided to hide not far from our room. Then I saw one of our classmate placed a piece of paper on Avie's desk. Hindi kaya, siya ang bumabagabag sa isipan ni Avie?
Nagtago lang ako at nakita ko na yung lalaking yun ay nagtago din at hinanda ang phone niya para yata sa pagpicture?
Nung dumating si Avie, tiningnan ko ang reaksyon niya ng makita ang laman ng papel. Ano kaya yun? Pero isa lang ang sigurado ako, hindi ito maganda at ang lalaking iyon ay ang dahilan.
The man took a photo of Avie. Then received a text message which made her shocked.
Hindi kaya, stalker case ito?
Nung umalis na si Avie ay umalis na din yung lalaki. Sinundan ko na lang yung lalaki para pag-aralan ang mga kilos niya.
Pumunta si Avie sa cafeteria at sumunod naman ang lalaki.
Nang makaorder na sina Avie, susubo na sana siya ng biglang may nagtext sa kanya. At takot ang nakita ko sa mata niya ng lumingon-lingon siya.
Mukhang stalker nga ang lalaking ito.
*****
Aviela's pov"H-huh?! wala!" sabi ko ng tanungin ako.
Tumayo na ako at lumabas ng cafeteria. Nawalan na ako ng gana kumain eh. Pumunta na lang ako sa locker ko para kumuha ng libro na mababasa ko.
Pagbukas ko nito ay bumungad agad sa akin ang 3 rosas na puti, isang chocolate bar, isang maliit na teddy bear at isang sulat.
Binuksan ko ang sulat at binasa ko ito.
I'm sorry if I'm scaring you. I just can't help it! I always want to follow you. I'm getting jealous! Stay away from the others! I don't care if they are your friends! Stay away from them! even if they are girls!
Pagkatapos ko itong basahin ay pinunit ko ito at kinuha ang ibang regalo niya. May basurahan naman sa gilid kaya dumiretso ako dito at tinapon lahat ng binigay niya.
Matapos kong gawin yun ay may nagtext na sa akin.
'You're hurting me darling! But I won't stop until I get what I want! I saw that you threw away my presents! But still I won't give up!' sabi niya sa text.
Nireplyan ko na ito.
'Who the hell are you?! Why are you doing this? Stop stalking me!' reply ko.
'Why am I doing this? simple, because I like you! I'm obsessed with you! I want you to be mine! you want to know my identity? just say it and I'll grant your wish. I'll come see you' reply niya.
Hmmm... what should I do?! Ah! I know!
'Meet me later at building D...at the rooftop later... 3:00 pm.. let's talk' reply ko.
Hindi na siya nagreply pero alam kong pupunta siya mamaya.
*****
BINABASA MO ANG
My Gangster Detective
Mystery / ThrillerAvie,a girl who grew up in the states and studied in a university for those who has an high IQ like her and was considered as a great student detective.when she returned home at the age of 15,she transfers to a school which she never thought that th...