"Bulaklak na ubod ng ganda,
Hanggang saan ang kaniyang kinang?
Kapag ang dugo'y dumanak,
Ngiti ng lahat ay unti-unting kukupas."Blanca Amaryllis
Hindi ako makahinga.
Sobrang init ng paligid. Ilang sandali nalang at kakainin na ng apoy ang buong bahay at sa kasamaang palad, kasama ako doon.
Nahihirapan akong gumalaw dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking paa at likuran. 'Di ako makaalis sa pagkakadapa dahil sa bagay na nakadagan sa'kin. Nanghihina na rin ang katawan ko dahil puro usok nalang ang nalalanghap ko. Hindi ko alam na sa ganitong paraan pala ako mamamatay.
Hanggang dito nalang ba ako?
Unti-unting bumagsak ang haligi bahagi ng bahay. Nilalamon na ng sunog ang aking tirahan at walang itong titinitira.
"Mag-isip ka, Blanca!"
Nagsimula na akong mangamba nang makita kong lumalapit na ang apoy sa'kin. Unti-unti na nitong nilalapnos ang balat ko at tanging sigaw lamang ang nagawa ko.
Nagiging desperada na ako para sa buhay ko. Pinipilit kong gumapang para lang makalayo ngunit hindi man lang ako nakakaalis sa pwesto ko. Wala sa sarili kong sinisipa ang apoy kahit na alam kong wala naman itong kahihinatnan.
Nakarinig ako ng malakas na kalabog mula sa dingding. May nakita akong lumiliyab na kahoy papunta sa'kin. Wala nalang akong nagawa kundi ang pumikit at manalangin.
Kung sino mang nandyan, tulong...!
❀❁❀
"Blanca?" Natauhan ako nang tawagin ni Lewis ang pangalan ko. Una kong napansin ang nag aalala niyang mukha.
"Bakit?" Tanong ko.
"'Yung mata mo. Parang nag iba ng kulay," agad kong tinignan ang kulay ng mata ko sa tsaa na iniinom namin ngunit wala akong nakitang kakaiba.
"Baka dahil lang sa sinag ng araw."
"Marahil nga, pero ayos ka lang ba? Kanina ka pa natutulala at hindi nakikinig sa ating usapan."
"May naisip lang ako, 'wag kang mag alala dahil ayos lang ako."
"Mabuti naman kung ganun," parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Lewis sa sagot ko.
"Ano nga pala ang pinag uusapan natin? Pasensya na, nakalimutan ko kaagad," nahuli ko ang mga mata niyang nakatingin sa'kin. Agad siyang namula at nag iwas ng tingin. 'Di ko mapigilang hindi mapangiti.
Hindi na talaga siya nagbago. Lagi talaga siyang ganito.
"Ini...Iniisip ko lang na baka may balak ka pang iurong 'yung plano mo, Blanca. Masyadong delikado 'yung gusto mo."
Ilang beses ko na bang narinig ang mga tinuran niyang salita? Mukhang wala pa rin talaga siyang balak na palagpasin ang gusto ko.
"Sinabi ko naman sa'yo, Lewis. Hindi na magbabago ang desisyon ko. Alam mo namang matagal ko nang pinagplaplanuhang gawin 'yun," bumuntong hininga siya at saka nag bigay ng isang tipid na ngiti. Alam niyang hindi niya ako mapipilit.
"Gusto kong maging masaya ka, pero ayaw ko ring mapahamak ka."
"Alam ko. Lagi mong sinasabi 'yan sa'kin."
Matapos ang ilang taon, binigyan ako ng permiso ng aking mga magulang na magtungo sa isang lugar na mahalaga para sa aking mama. Pansamantala muna akong aalis sa palasyo at maninirahan sa isang malayo at tagong lugar.
BINABASA MO ANG
Orphic Garden
Historical FictionLahat ay talunan pagdating sa laro ng tadhana. Maski kahit sinong santo ay hindi pinatawad. Mga kamay sa likod ng mga hawak nitong sinulid, Kapalaran pala ay matagal nang nakaukit. Walang naging handa sa pagdating nito. Walang may nais makatanggap...