Soysoy's POV
Katatapos lang namin makuha ang aming schedule sa klase ni Jojie, mabuti nalang dahil maaga kaming dumating dito sa school kundi baka hanggang gabi pa kami bago namin makuha schedule namin. Sobrang dami kasi ng studyante. Siksikan nga ang sistema eh. Anyways, parehong Grade 12 students na kami ni Jojie, hindi kami magkaklase kasi ABM ang kinuha nyang strand nong grade 11 pa kami, at dahil may biyayang konting talino ako galing sa Diyos ay STEM ang kinuha kong strand. Childhood friend ko sya, mula pagkabata ay kasa-kasama ko sya maliban nalang ngayon na mas tutok sya sa mga babae nya, may itsura din naman kasi ang loko kaya marami ng nabiktimang inosenteng babae, pareho lang kaming desi otso anyos, alam nya rin ang pagiging baliko ko nong bata pa ako kaya tanggap nya ako. In short isa akong beki na di naman ka gandahan pero marami nagsasabi na may itsura ako, kung mahaba lang daw talaga ang buhok ko ay mapagkakamalan na daw akong babae. Hindi naman kasi talaga ako nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay o naggigym saka may mga iniintake akong pills para maging feminine ang katawan ko. Pero syempre hindi talaga maiiwasan na may mga taong mapanghusga at mapanlait, mabuti nalang to the rescue sya para ipagtanggol ako, pero dahil sanay na ako sa mga panlalait, parang normal narin sakin iyon. Hindi ko nalang pinapansin. Hindi din naman kasi ako tulad ng ibang bakla na kung kani kaninu nalang sumususu at nagpapagamit. May respeto kasi ako sa sarili ko. In short isa akong baklang pilipina. Hindi naman ako crossdresser, yung mga damit ko ay puro unisex at hindi ako mahilig makipagkaibigan sa mga katulad kong beki, puro babae nga mga kaibigan ko, si Jojie lang ata ang naging kaibigan kong lalaki. Single mom na ang Mama ko dahil namatay ang papa ko hindi paman ako pinanganak, nagasawa sya ulit at may anak sila ngunit namatay din ito, siguro kapalaran narin nya ang mamatayan ng asawa, mag isa nya kaming binuhay ng lima ko pang mga kapatid. Isa syang guro sa secondary school malapit sa lugar namin. Ako at ang bunso nalang ang kasama namin sa bahay dahil nagsipag asawa na yung iba kong kapatid. Hindi kami mayaman, yung sakto lang. Nakakakain tatlong beses isang araw. Kung may gustong bilhin na kaya sa bulsa ay nabibili. Anyways, ang taas ng intro ko ah? Tas hindi man lang ako nagpakilala hahaha. Pasensya napo. Anyways, ako nga pala si Soysoy Revz, 18 years of age, bakla syempre hahahaha.
Nakaupo kami ngayun ni Jojie sa bench na nasa ilalim ng puno ng Talisay. Habang pinag uusapan ang problema nya sa girlfriend nya daw. Ewan ko ba sa lalaking to, alam nya na ngang niloloko lang sya nong babaeng yun, Angel ba pangalan non? Ay ewan!
"Hay nako! Ewan ko sayu! Ilang beses ko na ba kasing sinabi sayu na niloloko kalang nong babaeng yun, cge ka pa rin sa kanya. Ewan ko talaga jan sayu.." paninermon ko kay Jojie. Gusto nya kasing kausapin ko daw si Angel para magka ayus sila. Hindi ko na gagawin yun no? Ano ako gaga?, ipagkakasundo ko yung kaibigan ko sa taong sinasaktan lang sya.
"segi na please soyyyy, alam ko naman na friend kayo non eh." pamimilit nya sakin.
"excuse me? Hindi kami friend sa personal non, sa facebook lang" sagot ko naman.
"edi ichat mo, nakablock kasi ako sa kanya eh" sabi ni nya.
"Hay nako! Bahala ka, kung ako sayu mag momove on na ako don, marami pa namang mas better sa bruhang yun? Saka alam mo ba na sabi nila pokpok daw yun? Well narinig ko lang naman saka----" sabi ko pero hindi natuloy ng biglang dumating si Kevin na agad pinutol ang pag uusap namin.
"Uy Jie! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap, may laro kasi kami ngayun ng Mobile Legend, eh kulang ng isa kaya naisip ko na ikaw nalang kukunin para may chance kaming manalo, alam ko naman na magaling ka pagdating dyan sa larong yan eh. Tapos narin namin makuha ang mga schedule namin kaya naisip naming tumambay pa. Ano tara? " nakangiting turan ni Kevin.
Kilala ko tong Kevin nato dahil isa ito sa sikat na Basketball team na Team Smiley ng school namin, saka hindi lang sila basketball team, magbabarkada yan sila, may mga babae din. Pero kunti lang yung kilala ko sa kanila. Hindi naman kasi ako fan ng basketball at hindi din ako nanonood ng laro nila. Nakikita ko lang kasi sila na magkakasama na kumakain sa cafeteria. Saka barkada din sila ni Jojie. Sikat din kasi ang grupo nila. May mga itsura lahat. Pero may isa don na nakaagaw sakin ng pansin.
BINABASA MO ANG
I Want You
Short StoryAng kwentong ito ay gawa lamang ng aking makulut na imahinasyon, ito ay tungkol sa pagibig ng dalawang magkaparehong kasarian ng lalaki sa lalaki. Kung hindi mo ito gusto ay malaya kang lisanin ang pahinang ito at humanap ng angkop na storya para sa...