"Ang ganda mo talaga!" Iyan nanaman.. mang bubwisit nanaman saken yung lalaking to! Inirapan ko sya at kinuha na yung mga books ko sa table at tumayo na.
.
"Ewan ko sayo!" Sabi ko sakanya at naglakad na paalis..
"Uyy! Sampaguita! " sigaw nya at naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na sya.. Aish! Iyan nanaman sya sa nakakaasar na tawag nya saken! Di naman sampaguita pangalan ko e! It's Samantha! With the capital S!
"Can you please stop calling me like that?! May pangalan ako! At hindi sampaguita o kung anomang bulaklak yung pangalan ko! " sabi ko sakanya at mas binilisan yung lakad ko..
"Kaya kita minahal e! Dahil dyan sa kasungitan mo! Hahaha, i love you sam....paguita!" Sabi nya.. iyan nanaman sya sa pag sasabing mahal nya ko.. haaay.. kung totoo lang sana.. Mas binilisan ko pa yung lakad ko or should i say pagtakbo na yung ginagawa ko? Ayoko sa lahat yung sinasabihan nya ko nung i love you.. kase pag sinasabi nya yun ng pabiro.. parang mas lalo pa kong nasasaktan.. parang mas lalong sinasampal saken yung katotohanang kahit kailan di sya magkakagusto saken.. Alam ko naman yun e.. dati pa.. simula nung minahal ko sya.. alam ko ng sakit lang ang aabutin ko.. pero ala e.. tanga yung puso ko, na kahit alam na nyang masasaktan lang sya.. pinagpatuloy parin nya..
Siya si Ivan.. classmate ko, simula nung nag transfer sya dito nung isang taon palagi nya nakong inaasar.. pinagtitripan.. sasabihin nya saking nalove at first sight daw sya saken and sobrang lumalala pa daw yung nararamdaman nya sa araw araw na makikita nya ko.. hindi ko lang sya pinapansin nung mga panahong yun.. kase naman alam ko namang pinagtitripan nya ko e!
Nag search nga ako ng mga tungkol sa kanya sa facebook e.. grabe pala! Ang daming fanpage at fansclub! Daig pa nya ang isang artista! Napagkaalaman ko noon na kaya sya nagtransfer dito ay dahil na drop sya sa dati nyang school dahil sakit lang daw sya sa ulo dahil lagi daw gumagawa ng gulo, nag cucutting, di gumagawa ng mga assignment at higit sa lahat isa syang malaking bully! And mas lalo ko syang kinainisan non.. kase naman sobrang dali lang nyang pagtripan ang isang tao! At ang akin pa, yung nararamdaman ko yung pinagtitripan nya!
Nope. Hindi nya alam na may gusto ko sa kanya.. ayokong ipaalam.. di ko nga rin alam kung kelan nag start tong nararamdaman ko e.. basta isang araw napagkaalaman ko nalang na tumitibok na pala yung puso ko para sakanya.. amazing no? Ang isang taong pang aasar lang at pang titrip yung alam na gawin sayo ay dun ka pa mahuhulog! Hahaha. Hindi pa nga kami nakakapag usap ng matino nyan e.. seatmates nga kami pero diko sya kinakausap masyado.. kakausapon ko lang sya pag sobrang naiinis nako sa kanya dahil as pang aasar nya at pag sasabi saken ng 'i love you' ewan ko ba talaga kung bakit..Bakit nga ba? Iyan yung palagi kong tanong sa sarili ko..
YOU ARE READING
The Reason Why.. (One shot)
أدب المراهقين"Ba't ba palagi mo nalang akong iniiwan?" -Ivan