***
Tuesday
***
INGRID's POV
***
Hayy! Municipal Meet. Todong cheer na naman 'to.
****
"Rid! Wala pa ba sila?" tanong sakin ni Kristine.
"May nakikita ka bang anino nila?" tanong ko naman sa kanya.
"Psssh -_________-" sabi naman nya.
Ayun parade lang kami papunta dun sa Municipal Grounds.
*Bzzzt *Bzzzt
From: David
Ingrid! Hintay nalang daw nyo kami dito sa Municipal Grounds. Andito na kami. Di kasi kami pinapapagod ni coach eh.
To: David
Yeah. OK.
BLUE SMART HIGH
Hayy salamat at nakarating din. Wala eh. Kapagod.
Nung umaga nag cheer dance muna. Andami nga nanood eh. Daming magagaling! Pero school namin yung nanalo! Yeyy! ^_________^
Yung mga games mamayang 1:00pm. Kaya nagpahinga na muna kami. Practice lang kami. Ewan ko ba pero di ako kinakabahan! Hehe. Baka kasi tanggap ko na matatalo ako. Hehe.
"Maglalaro na kayo?" tanong ni Kristine kay Salazar,
"Oo. Mayang 1:00pm. Eh kayo ba?" tanong naman nya kay Kristine.
"Sabay pala. 1:00pm rin kami eh." sagot naman ni Kristine.
"Pano ba yan. Di kami makakanood ng laro nyo." sabi ko.
"Pumunta naman kayo oh! Ngayon lang 'to. tapos mauuna 'ata kami sainyo." sabi nya
"Try namin. Pero wag kang magexpect na makakapunta kami ha. Try namin." sabi ko.
"Hayy! Sige na. Sige na." sabi naman nya. Napatigil kami ng may magsalita.
"To all the athletes from different school. We are now having the table tennis. Please proceed to the blah.. blah... blah..." sabi nung announcer.
"Pano ba yan. Una na kami?" tanong ko.
"Sige na nga. Hayy! Hawakan mo muna kamay ko!" sabi nya sakin. At hinawakan ko rin naman.
"Oh ano? Maasahan ko bang mananalo kayo?" tanong ko.
"Hahaha. Try namin." sabi nya.
"Geh. Una na kami." sabi ko.
"Good Luck!" sabi naman nya. At umalis na kami.
TABLE TENNIS ROOM
"So the first game will be all of the boys." sabi nung umpire ba tawag dun.
"Ahh. Yes. Kristine. Nood tayo game ng volleyball!" sabi ko kay Kristine.
"Oo nga! Tara?" tanong nya.
"Tara!!!!!!" sabi ko. At pumunta na kami dun sa volleyball court. Daming nanonood. At actually ang naglalaban eh yung school namin at Green Academy. Lucky we are kasi nagwa-warm up palang sila! Yey!!!!
PRRRRRRRRRRRT!!!!!!!!
"Hala! Game na! Sa school natin yung bola." sabi ko.
"Oo nga! Hala! Sana manalo sila!" sabi ni Kristine. Nagsisimula na. First server ay si Captain Ball! Si Salazar! Todo hiyawan yung mga kasama namin eh. Syempre ako nakisabay!