CHAPTER II

10 3 0
                                    

At sa paglipas ng panahon, heto ako ngayon nagiisa sa aking tahimik at madilim na kwarto na punung-puno ng imahe ng aking masayang mukha ng aking ina at masasayang lugar na aming napupuntahan ng aking pamilya.

nakilala ako sa pagpipinta at marami na ring bumibili ng aking mga larawan.. nabili ko ang mga gusto ng aking ina para sa akin.. sa ngayon kilala ako sa aking penname na Panther.

At ang aking kapatid ay isa ng ganap na engineer.. at sa ngayon ay maga-apat na taon na sila ng kanyang nobya na si Thea.
hindi pa maisipan ng kiya ko na magpakasal ng dahil siguro sa akin, dahil sa pagaalaga niya sa akin.

si Thea naman ay isang nurse sa Canada.
duon sya naninirahan at umuuwi taon-taon sa ating bansa upang magbakasyon at makasama si kiya charles, at hanggang ngayon ay hindi nya mapilit na sumama sa kanya si kuya Charles at ang gusto nya sa Canada sila ikasal at masayang mamumuhay..
may inis na nararamdaman si Thea sa akin sa dahilang dahil sa akin kaya hindi nya matangay si kuya charles patungo sa Canada.

At ako wala akong pakialam sa kanilang dalawa, at hindi rin naman kami masyadong close ni Thea, medyo talakera siya at ang kilos medyo may pagka maarte na hindi ko mawarian kung bagay ba o hindi.

Sa gitna ng aking pagiisip, tila ba may naririnig akong maingay sa labas ng aking kwarto, nagkakasiyahan sila., si kuya Charles at ang aming kababata na si Vera.
kamusta na kaya ang madupak na babaeng yun.!

Charles POV
Oohh dudes.... ano na akala ko ba may lakad tayo.. huh mukhang busy ka na sa jowa mo, bakit ka ba nagpapaka tanga sa lalakeng iyon.. napaka dami dyang lalake na pwede mo pagpilian.. dun pa sa gag*ng yun..! 🙄

....baliw..,! wag mo nang pakialaman ang lovelife ko charles ang intindihin mo yung longtime girlfriend mo .. sayang naman ang apat na taon kung hindi pa kayo lalagay sa tahimik ..!

VERA CRUZ!! nakalimutan mo naba ang sinumpaang pangako ko kay mama... hangga't hindi ko nakikitang masaya ang bunso kong kapatid, hindi ako magaasawa...
kapatid ko ang prayoridad sa ngayon.. hindi pa siya nakaka-alis sa pagkawala ng aming magulang..at hindi ako magsasawang intindihin siya..

.....🤔 Sa bagay charles...nakita ko din na kung gaano sya nasaktan sa lahat ng nangyari., kamusta na sya, dinaig nya pa ang preso... hmmmm ang bango naman niyan.. ano ba iyang niluluto mo charles.?

ahh eto hapunan natin, paboritong kare-kare ni Carlos at liempo.. tiyak yun mapaparami ng kain ang batang yun ..🤗

"LOVE ME in THE DARK  SIDE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon