road to X

19 1 0
  • Dedicated kay Gimelle Anne Vallente
                                    

Ako si Sheer Malfoy. Isa akong Canadian/Korean/Filipino. 18 years old at college student sa isang eskuwelahan itatago natin sa pangalang X school. Nasa bahay pa lang ako ngunit tinatawagan na ako ng mga kaklase ko. Ganun ganun nalang kasi sila magalala sa akin baka daw bumagsak ako sa first subject ko at ma-drop dahil sa pagiging late. "Mom, i gotta go! Dad? Lily?" As usual, walang sasagot. Busy sila Mom at Dad sa work kaya naman palaging di makasagot kapag nag bye bye ako. Hinila ko ang aking bike at sumakay rito. Hindi naman malayo ang bahay ko sa college school na pinapasukan ko kaya naman nagba-bike or naglalakad lang ako. Nakikita ko na ang ang eskuwelahang pinapasukan. Isang tulay na lang ang pagitan kaya naman iniakyat ko na ang aking bike sa footbridge. Alam ko, medyo mahirap pero nakakatulong naman ito sa aking muscle strength. Nang makarating na ako sa school, itinali ko ang bike ko sa isang parking space for bike. Binati ako ng mga kaklase ko. "Hi, Sheer!!! Tara na!!! Anong oras na kasi eh." " Sige susunod na lang ako." Nang may lumapit sa aking bata at nanghihingi ng pagkain kaya naman ibinigay ko ang Fruit sandwich ko. Nagthank you ito at tumawid sa kalsadang hindi kalayuan sa eskuwelahan. Napatulala ako ng makita ko ang isang malaking rail truck at ang mga gulong nito ay unti unting gumulong sa katawang ng kawawang bata habang nagmamakaawa sa akin na hilain ko siya. Natulala nalang ako pagkatapos ay napisa ang kaniyang ulo at lumabas ang utak nito at makikita mo talaga ang basag nitong bungo. Napatakbo ako sa loob ng restroom at napahagulgol sa takot. Nagtatanong ako sa sarili ko kung bakit hindi ko siya nagawang iligtas. Ayoko din naman mamatay kaya bahala na siya hindi ko naman kasalanan ang pagkamatay niya. Sa sobrang mangmang ng batang iyon hindi niya magawang tulungan ang sarili niya. Asan ba kasi ang kaniyang mga magulang? Asan ba ang walang hiyang magulang at kapatid niya na hinayaan siyang ganiyan? Kung tutuusin siya pa nga dapat magpasalamat sa akin dahil ibinigay ko ang kaisa isa kong baon sa araw na ito. Lumabas na ako sa restroom at umakyat sa 3rd floor para pumasok sa first subject namin. At habang binabagtas ko ang kahabaan ng hallway napansin kong may .bukas na room at ang nakapagtataka pa ay dapat nakasara ito dahil may school policy kami dito na kapag 8 start na ng class at wala dapat bukas na door kapag may klase.  Kaya naman sumilip ako at nagobserve. May nakita akong lalaki sa left corner ng room at nagtanong. "Kuya, may klase po kayo? Asan po ang professor?" Luckily, sumagot naman siya. "Wala pa si Mrs. Agoncillo dahil mayroon pa pong inaasikaso." Kaya nagpaalala ako na baka palabasin siya sa room na yun kung saan siya nagstay. Hindi nagtagal ay nahanap ko na ang room namin. Ngunit wala sila. Asan sila? Asan si Ma'am? Asan ang mga classmates ko? Inopen ko ang phone ko at may nakita akong isang missed call pero hinayaang ko nalang dahil baka si mom and dad lang ito na nagreremind araw araw. Nagstay muna ako sa waiting area at umupo muna doon baka sakaling may makita akong kaklase ko. Sa kasamaang palad, wala akong nakita ni isa sakanila. Kaya naman binalikan ko ang bike ko at chineck kung ayos lang ba ito. Nang makababa na ako at nakapunta sa parking space, napansin kong may sandwich doon na naiwan sa bike ko. Itinapon ko ito ngunit pagbalik ng aking tingin sa aking bike, andun ulit ang sandwich. Napaisip ako na baka may nanlilinlang lang sa akin. Baka napagtripan ako ng kung sinong estudyante. Kaya kinuha ko ang sandwich at dinala sa 3rd floor waiting area. Hindi mawala sa akin ang pangambang baka bumagsak ako sa first subject ko ilang absent na kasi ako dun. Bakit ba sobrang hangin dito eh ang init init naman sa labas. Napansin ko ang isang batang lalaki pumasok sa women's restroom. Kaya naman sumigaw ako at sinundan ko siya. "Hoy bata, wag kang pumasok diyan!!!" "Hoy!!! Ayaw mo makinig huh! Humanda ka sakin!" Pumasok ako sa restroom at napansin kong wala ang batang lalaki rito. Naisip ko na baka nasa loob lang ito ng cubicles. Saktong naiihi na din talaga ako kaya pumasok ako sa isang cubicle sa dulo at nang mapansin kong may pumasok sa isa pang cubicle na hindi kalayuan sa akin napanatag ako. May naririnig akong yapak ng paa, at sakto huminto ito sa cubicle kung nasaan ako nakaupo. Kaya naman nagtaka ako. Napaisip ako na baka nagsasalamin lang ito or nagme-makeup. Pero lumipas ang 1 minuto. Hindi pa din siya umaalis sa harap ng cubicle kaya di din ako makalabas. Nagpasiya na akong silipin ang taong yun at umakyat at umapak ako sa bowl, iniangat ko ang aking ulo para makita kung ano ang ginagawa ng taong yun. Nagulat ako dahil nawala ito. Lumabas ako at sinilip ang kada cubicle na meron doon. Pero wala talaga akong nakita. May sumitsit sa akin at mistulang tumatawa ito. Napaisip na naman ako, baka pinagti-tripan lang ako nito. Kaya naman humarap ako sa gawing likod kung saan narinig kong sumitsit ang taong iyon. Nang harapin ko na ang sumitsit sa akin, laking gulat ko na nasa binatan ito ng restroom at nakadungaw sa akin, nakangiti at nakatingin ng masama sa akin. Tinanong ko pa din siya. "Anong trip yan?! Tigilan mo yan hindi yan nakakatuwa!!!" Unti-unti niyang ipinasok ang lasog lasog na katawan niya sa bintana sa restroom. At napatakbo ako sa kahabaan ng hallway. Ngunit malapit niya na akong maabutan kaya naman pumasok ako sa isang room at ni-lock ang 2 pinto, sa harap at sa likod. Nakita kong malakas ang hangin na pumapasok sa bintana at nakapagtataka dahil mainit talaga. May kumakatok sa door ng room. Natatakot akong pagbuksan iyon. Baka yung bata na ang pumasok sa room kung saan ako nagstay. Nakita kong dumaan ang isang lalaki na nakauniform kaya ibinukas ko ang room at napasilip ako sa hallway. May sumisitsit nanaman sa akin, sa ngayon mas malakas at palakas ito ng palakas. Kumakabog aking aking dibdib sa sobrang takot. Ngunit kailangang harapin ko ito upang malaman ko kung sino iyon. Humarap ako at laking gulat kong nasa loob na nang room ang bata at ikinakaway niya sa akin ang kaniyang lasog lasog na balikat at kamay. Nakakadiri at nakapangingilabot ito. Sa sobrang takot ko ay napagpasiyahan kong buksan ang malaking binatan sa room. Ngunit malapit na siya sa akin at palapit ng palapit. Kaya naman ng mabuksan ko ang bintana, nakita ko ang kalsada kung saan siya namatay. Hindi na ako nagdalawang isip na tumalon doon. At...

Dumaan ang malaking rail truck na nakasagasa sa bata. Nasagasaan din ako. Ang ulo ko ay napisa na parang katawang ng ipis, tumalsik ang aking dugo sa kalsada, nagsilabasan ang aking mga ugat at lamang loob, ang aking kamay ay naputol sa sobrang tulin ng truck na yon. Ngayon ako ay patay na, gusto kong maghiganti at patayin ka. Nkita ako ng mga classmates ko pero wala ni isa sakanila ang tumulong sa akin nung nagmamakaawa akong tulungan nila ako. Kaya heto ako ngayon, bumibisita sa eskuwelahan. Nagpapakilalang estudyante sa eskuwelahang iyon at nangbibiktima ng kung sinong estudyante ang mapili ko. Kaya kung isa ka sakanila...

Magingat ka, paikot ikot lang ako habang iwinagawayway ang aking putol na kamay at lasog na lasog na katawan. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SheerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon