MOO

601 19 3
                                    

Ang ganda...napakaganda, ang ganda ganda mo talaga Krista, ang mga masasaya at nagkikislapan mong mga mata, ang matangos at tuwid mong ilong, ang mapupula at maninipis mong labi, ang maganda at napakaamo mong mukha, ang mahaba at tuwid na tuwid mong mga buhok na sumasabay at nakikipagsayaw sa simoy ng hangin, lahat lahat tungkol sayo Krista, gustong gusto ko lahat tungkol sayo, ngayon lang ako sobrang nagka interes at nagkagusto sa isang babae, ngayon lang talaga, sa tanang buhay ko, sayo lang, tanging sayo lang. Pero hindi ko alam kung nakikita o nararamdaman mo ba ang pagtingin ko sayo, kung napapansin mo ba ang ibang pakikitungo ko sayo kumpara sa ibang babae, marahil ay hindi, kasi isa lang naman ang tingin mo sakin eh, isang kaibigan, isang matalik na kaibigan na laging nandiyan para sayo, tagabitbit ng gamit mo, taga bili ng snacks at lunch mo, clown mo, tutor mo, coach mo sa pagba volleyball mo, kuya mo, tatay mo, lahat lahat na, pero okay lang, at least alam kong gusto mo na palagi akong nasa tabi mo at ayaw mong mahiwalay sa tabi ko kahit isang saglit, nung isang araw ngang umabsent ako, tinawagan mo pa ako, at hindi para kumustahin ako ah, kundi para sabihin sakin na hindi ka pa kumakain ng snacks at lunch eh palagi naman kitang tinetext na kumain ka na kahit hinang hina ako at nakaratay sa kama ko, parang maiiyak ka pa nga nun nung tumawag ka, sabi mo pa nun Pumasok ka na kasi ulit, miss na kita eh isang araw pa nga ko umabsent nun, ayun tuloy napabilis ang recovery ko, napangiti na lang ako nung maalala ko yun. You seem so dependent to me pero gaya nga ng sinabi ko, ayos lang, ayos lang talaga, basta pinapayagan mong alagaan at bantayan ka. Pwede bang akin ka lang Krista? Pwede bang habang buhay ganito na lang tayo, okay na ako sa ganito eh, ang nakakasama ka araw araw at nakikita palagi ang ngiti mo, pwede bang wag ka na lang magkagusto sa iba? Pwede bang sakin lang atensyon mo habang buhay? Haay alam kong kalokohan ang gusto kong mangyari, maganda ka, matalino, mabait, sweet, mabuting anak, alam ko naman Krista eh, hindi ako tanga para hindi mapansin ang mga lalaking nagkakainteres sayo, hindi lang sila makalapit lapit dahil sakin, akala kasi nila nililigawan na kita, lakas ko kasi makabakod, aba dapat lang no, akin ka lang. Napabuntong hininga na lang ako, oo ako na madamot, pero kasalanan ko ba na ayaw kitang i-share sa iba? 

"Eh? MOO nakikinig ka ba sakin? Parang hindi naman eh." Natauhan ako nang biglang nagsalita ka. Oo MOO ang tawagan natin, My One and Only, sana nga dinidibdib mo yung tawagan natin eh, kagaya ko, kinikilig pa nga ako sa tuwing tinatawag mo akong MOO, eh parang wala lang naman sayo. Haaay.

"MOO? You're spacing out again. Nakikinig ka ba?" ulit mo pa nung di pa rin kita sinasagot, napasimangot ka pa, haha ang cute mo talaga. Naku halikan kita diyan eh, pero syempre joke lang, saka na pag sinagot mo na ako. Eh? Para naman akong ewan, ni hindi pa nga ako nakakapagtapat at nanliligaw, yung sagot mo na agad iniisip ko. Haay bakit kasalanan ko ba matorpe pagdating sayo? Hindi ko nga rin alam kung bakit. Ang gwapo ko naman. Nandito tayo ngayon sa tambayan natin, sa tree house sa South Wing ng school natin, tayong dalawa lang nakakaalam nito.

"Ahh- Oo naman MOO, syempre nakikinig ako sayo." ginulo gulo ko pa ang buhok mo na amoy strawberry.

"Weh? Sige nga ano ulit sinabi ko?" bigla naman ako natigilan sa sinabi mo, eh ano nga ba ang sinabi mo ha Krista? Tss.

"Ahh Ehh ano-- nagku kwento ka na naman dun sa mga baklang pink ang mga buhok na walang mata MOO, ano ba yun E-X-O ba yun?" nagkamot na lang ako ng ulo, yun naman lagi mong bukambibig eh, di hamak na mas gwapo naman ako sa mga yun, Psh.

"Kyaaaaa~ ano ka ba MOO oppa! Hindi E-X-O yun, ilang beses ko ba dapat ulit ulitin yun ha? EKSO Oppa! EKSO! straight ang pagbasa hindi E-X-O!" tili mo pa sakin.

"Haaay oo na, ayan ka na naman MOO, Oppa ka na naman ng oppa, nagfi feeling korean ka na naman di naman singkit mata mo. Pffft." natatawa tawa kong sabi, eh totoo naman, di ka naman singkit, bilog ang mga mata mo at itim na itim at kumikislap, para kang gumagamit ng doll eyes pero natural talaga yan, alam ko.

MOO [One Shot]Where stories live. Discover now