1

28 0 0
                                    

PERA, Isa sa mahahalagang bagay sa mundo pero ang tanong.. Kaya kabang buhayin pang habang buhay ng perang pinapahalagahan mo? Kaya ka bang mahalin ng perang pinaglaanan mo ng buong buhay?

Sa kasamaang palad isa ang mga magulang ko sa mga tao sa mundo na grabe kung pahalagahan ang pera. Sino ba ang may matinong isip na ipakasal ang anak nila ng dahil lang sa pera. Para mas lumaki ang negosyo namin nag decide sila na ipakasal ako sa taong hindi ko pa kilala. Nababasa ko lang yan sa mga libro at napapanood sa mga movie pero hindi ko inaakalang mangyayari sa akin to.

Alam ko namang lahat ng ginagawa nila para sa akin pero kahit isang beses lang ba natanong ba nila ako kung ano ang gusto ko.. Natanong ba nila kung masaya ba ako.. Natanong ba nila kung gusto ko ang mga bagay na ipinapagawa nila sa akin.. Natanong ba nila kung kaya ko pa ba.. Mahirap, sobrang hirap mabuhay lalo na kung lahat ng ikinikilos mo ay may mag didikta sayo.

Yung buhay ko ay parang isang palabas may writer at direktor at ako ang actress ang gagawin ko nalang ay sundin ang kanilang mga sinasabi.

Pilit ko naman silang iniintindi. Palagi kung sinasabi sa sarili ko na "Ginawa lang nila ito dahil mahal nila ako at para ito sa future ko" pero hindi e kahit nga ang mga katagang "I'm so proud of you anak" hindi ko naririnig sa kanila dahil kung may mga achievements ako sa school mabibigla nalang ako dahil may malaking pera na nadagdag sa account ko. Mahirap bang sabihin yun? Mahirap bang tawagan nila ako? Hinihintay kung sabihin nila sa akin yun pero aabutin nalang ako ng pang habambuhay hindi ko pa naririnig yun.

I love you anak... Isa din sa mga katagang gusto kung marinig sa kanila. Puputi muna ang uwak bago nila masabi yun.

Nag iisa lang akong anak pero bakit hindi nila ako mabigyan ng attention , sa isang taon e mabilang lang sa daliri ang mga araw na magkakasama kaming tatlo, ako si mama at si papa. Ang palagi kung kasama e yung mga bodyguards ko at maid. Uuwi lang sila kung may nagawa akong mali, kung bumaba ang grades ko at kung may mga bagay silang nababalitaan na hindi nila gusto.

Ngayong gabing ito sinabi nila sa akin na ipapakasal daw nila ako sa anak ng ka partner nila sa negosyo. Nagulat ako sa sinabi nila pero mas nangibabaw ang galit sa puso ko.Masama bang hilingin na sana hindi nalang sila umuwi? Nasagot ko si mom at dad pero hindi ko iyon pinagsisihan dahil isa yun sa mga bagay na maipagmamalaki ko dahil nailabas ko lahat ng hinanakit ko.. Sinampal ako ni mom.. Hindi ako umiyak.. Hindi ko pinakitang nasaktan ako. Pagod na rin kasi ako.

Lakad, takbo ang ginawa ko para maka layo sa kanila.

Nandito ako ngayon sa lugar na nagpapakalma sa akin. Thirty minutes mula sa bahay ang lalakarin bago mo marating ang lugar nato. Hindi ko alam kung may iba bang tao ang nakakaalam ng lugar nato pero kapag may problema ako dito ako pumupunta.

Isa itong maliit na lake na pinalilibutan ng malalagong damo at bulaklak pero kapag gabi makikita mo mula sa malinaw na tubig ang repleksiyon ng buwan at mga bituin. Kapag gabi ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag.Ang creepy nga ng lugar na to bukod sa may matataas na puno ang nakapalibot walang ka ding makikitang bahay sa paligid pero hindi ako nakakaramdam ng takot dahil mas nagagandahan ako sa paligid. Kung mas madilim kasi ang paligid mas natatanaw mo ang kagandahan ng mga bituin.

Ito siguro ang unang pagkakataon na pumunta ako dito na hindi ako umiiyak. Mas nakaramdam ako ng ginhawa dahil sa mga sinabi ko kanina. Yung feeling na may parte ng puso mo na nakawala. Yung na basag pero sa ibang paraan..

Patuloy lang ako sa pag iisip ng biglang may kotse na paparating. Hala baka sila mommy yan!!

Dali dali akong nagtago sa isa sa mga puno.Tiningnan kung mabuti kung kotse ba yun nila mommy pero hindi naman kaya nakahinga na ako ng maluwag. Kailangan ko na sigurong umuwi. Gabi na din masyado hindi ko namamalayan ang oras.

Short StoriesWhere stories live. Discover now