"HINDI KO NA ALAM KUNG PAANO KA PALALAKIHIN.ANG TIGAS TIGAS NG ULO MO!"
Sigaw ng magaling kung ama.
Tsk!Diyan siya magaling...
Lahat ng gawin ko ay puro mali sakanila at nakakapagod na."MARIA ELENA CONCEPCION"
"NAKIKINIG KA BA?ANU TO!"Pakita niya sa larawan ng taong di ko alam kung matatawag pa bang tao sa pagmumukha niyang puro pasa na ako ang may gawa...
"ALAM MO BANG MUNTIK NA SIYANG MAMATAY NG DAHIL SA GINAWA MO!"nanggagalaiting sigaw niya sakin.
"I know"kalmado kung sagot...
Hindi nako nagulat ng mabasag ang mga gamit ko sa kwarto...
At pumasok si mommy ng luhaan.."Ano ba Leo!sasaktan mo ang anak mo?"
Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako naging katulad ni mommy na mabait at mahinahon...
Minsan iniisip kong ampon ba ako..."Kakampihan mo nanaman siya Lina?Muntik na siyang makapatay ng tao!"
Hindi na nakapagsalita si mommy sa sinabi ni daddy...
"ANU BANG GAGAWIN KO PARA TUMINO KA HA?"frustrated na tanong niya sakin...
Tsk!parang may ginawa ka para sakin..
"ALAM MO BANG MAGSASAMPA SANA SILA NG DEMANDA SAYO!"
"Nandiyan ka naman para bayaran sila edi tapos!...anong silbi nang per-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang dumapo Ang kamay niya sa pisngi ko...
At si mommy na palaging kinakampihan ako nakatungo at wala man lang ginawa para pigilan siya...
Ngumiti ako ng mapait...
"Tapos na ho ba kayo?kasi kung tapos na ay matutulog na ho ako"
Walang atubiling lumabas sila sa kwarto ko...
Pagkatalikod nila ay siya ring lumabas ng mga traidor kong luha...
Dali Dali ko itong pinahid at humiga na sa kama ko...
I swear,it will be the last time. I won't ever cry again.NEVER!
Kinaumagahan maaga akong nagising sa ingay na nanggagaling sa labas...
And there!I saw my mom crying again!
Nag away nanaman sila ng dahil sakin...
"No!hindi siya aalis dito...Dito Lang siya!"sigaw ni mommy
What the hell! Saan ako dadalhin ng magaling kong ama?...
"She needs that,sumusobra na siya Lina kailangan niyang madesiplina na hindi natin kayang gawin sa kanya"
Kumuyom ang mga kamao ko...
Yun lang? dahil di nila ako madesiplina ay ipapamigay nalang nila ako ng Basta Basta..."Hindi naman siya pababayaan ni Mamá"
"Hindi ko kayang malayo sa anak natin Leo"umiiyak paring Saad niya...
"I know,pero kailangan Lina.Hihintayin paba natin na maging kriminal siya?"
Pumasok na ulit ako,dahil hindi ko na kaya pang marinig ang mga salitang lumalabas sa bibig nila...
Ni Hindi man lang nila tinanong kung ano yung nararamdaman ko...
Hindi man lang nila tinanong kung bakit ko nagawa iyon...Tsk!Hindi man lang ako nasanay...
Nag umpisa na akong magligpit Ng mga gamit ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si mommy na namumugto ang mga mata...Nagulat pa siya ng makitang nagliligpit na ako..
"A-nak I'm sor-"
"No mom,it's okay stop being sorry"pigil ko sa sasabihin niya...
"Hindi,Kong gusto mo na dito kalang sasabihin ko sa dad mo"
"Hindi na po... I'm okay with this.
Ayaw niyo po bang wala nang pabigat dito?"
"A-nak n-naman Hindi ka pabigat it's just that"
"Matigas Ang ulo?I know it...
Kaya nga po papayag na nga..."
"A-nak"
"Umalis muna kayo dito marami pa kasi akong gagawin"malamig Kong Sabi at pinagpatuloy ang pagliligpit ng mga gamit ko...
Matapos kung magligpit ay naligo narin ako at nag ayos ng sarili...
Pagkatapos ng lahat ay lumabas na ako dala dala ang mga gamit ko.."A-nak ihahatid kana namin"
Dali daling sabi ni mommy Ng Makita niya ko pababa...
"No need.Ipahatid niyo nalang ako sa Lugar na pagtatapunan niyo sakin"
"Pabayaan mo siya Lina...She can handle herself."matigas na sabi ng magaling kung ama
"Yeah right...bye"
Mabilis akong naglakad patungo sa sasakyan namin...
Sana tama nga ang naging desisyon nila...
BINABASA MO ANG
Escape
RomanceSa mundong ginagalawan,maraming bagay ang nangyayari at nararanasan. Mayroong masaya,kalungkutan,takot,galit at pagmamahal.At minsan dumadating ang mga bagay na hindi natin inaasahan. Sa sitwasyon nina Elena,Celestina,at Atena sila ay yamot na yamot...