~Hayato's POV~
"Mukhang puro weird ang nilalagay sa section natin ah." Ken.
"Tsk! May araw din sa akin ang babaeng yun." Inis na sabi ni Sandro.
"Hssh! Bilisan na natin at nagugutom na ako." Ryu.
Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa building namin galing cafeteria.
Doon kasi kami laging natambay sa rooftop. Bukod kasi sa wala kaming magawa. May asungot pa sa room.
"Hayato!!!"
Sigaw ni Mark habang natakbo palapit sa amin.
"Oh!? Mark, anong problema?" Tanong ni Ken.
Huminga muna ng malalim si Mark.
"Si Oda ... " Sya.
Naging alerto naman ang mga ungas.
"Si Oda ... " Sya ulit.
"Punyeta! Paulit-ulit ka naman." Sigaw ni Ryu.
"Si Oda at yung bago nating kaklase ... "
Di ko na sya pinatapos at saka ako tumakbo papunta sa room.
Kasunod ko si Ryu na tinatawag ang pangalan ko.
"Oy! Hayato!!!" Sigaw nila.
Pero di ko sila pinansin. Basta tumakbo lang ako.
Hindi sasantohin ni Oda ang babaeng iyon.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo para makarating agad sa room.
Halos itulak ko na lahat ng haharang sa dadaanan ko.
Agad ko namang binuksan yung pinto ng room at nakita ko na halos nakabaliktad na lahat ng upuan. Habang magkatitigan si Oda at yung babae sa gitna.
"Hala! Nagkadelubyo ata dito."
Narinig kong sabi ni Ken na nasa likod ko at nakadungaw lang din mula sa pinto.
"Oy! Chaser , anong nangyare? "
Tanong naman ni Sandro sa isa namin classmate.
"Ewan ko. Kakadating lang ni Oda, tapos bigla nalang syang nagwala ng makita nya yung babae." Paliwanag.
"Grabe! Hinila nya yung babae. Saka nya hinawi yung mga upuan at itinulak nya yung babae sa sahig." Paliwanag din Erik.
Tinignan ko yung babae na may gasgas sa kaliwang braso nya. Nakatayo lang sila sa gitna habang walang nagpapatinag sa titigan nila.
"Wala talagang sinasanto si Oda." Narinig kong sabi ni Ryu.
Nabaling ulit ang tingen namin dun sa babae na mahinang tumawa at saka pinagpagan ang uniform nya. Saka ito nagsalita.
"Wala ka pa rin pinagbabago , Haruto." Sya.
Mas lalong natahimik ang buong paligid ng bangitin nya ang Pangalan ni Oda.
Kilala nya si Oda? Paano nya nakilala si Oda? E wala naman syang nababanggit na may kakilala syang babae.
Napansin kong napakuyom ng kamay si Oda.
"Napakabilis parin maginit ng kapiraso mong utak." Sarcastic nyang sabi.
Napangiwi ako ng konti. Nagawa nya pang mang-asar? Hindi ba nya napapansin na parang gusto ng basagin ni Oda ang bungo nya.
"Anong ginagawa mo dito?!" Oda.
"Tsk! Hindi pa ba obvious? Dito na ako nag-aaral." Casual nyang sabi.
YOU ARE READING
Class 4-D "wElLcOmE tO tHe DeLiNqUeNt SeCtIoN wItH pRiDe AnD dIgNiTy."
Teen FictionLater ;)