Ano kayang mararamdaman mo pag nalaman mong ang buhay mo ay isang malaking joke langMatutuwa ka ba?
Malulungkot?
Magagalit?
O magiging katulad nya?
"MISS wag kang tatalon delikado!"
Sigaw ng lalaking nasa baba ng building kung saan ako nakatayo sa tuktok."Waaaah! Ayoko ng mabuhay! Sabi nya mahal nya ako! Bakit kung kelan fall na fall na ko sa kanya tsaka nya sasabihing Joke lang yun?! Bakit Bentong?! Bakiiiiiit?!" Maluha luhang sabi nya
*Pause*
Oh! Oh! Teka lang akala nyo ako yan?!
Ang pangit ko naman kung ganon ang iniisip nyo.
"Hoy ateng! Eto ang salamin oh!" Sabay hagis ng hawak na salamin "Tingnan mo ang sarili mo para magkaedeya ka kung bakit!" Sabi ng boses galing sa likuran ng nagdadramang babae.
*Pause*
Yan! Ako yan! Kitams boses pa lang ang ganda na! Pano pa kaya pagnakita nyo na ako nyan?!
Ayaw nyo bang maniwala?!
Eh di panoorin nyo na lang ulit.
"Pake mo ba?! Nakita mo ng nasasaktan yung tao! Tapos may gana ka pang manglait!" Galit na sigaw ng babaeng ulikba
"Ateng, alam mo bang malaki ang pagkakaiba ng nanglalait sa nagsasabi ng katotohanan?" Nangiinis na sagot ko
"Ahhh! Ayoko na tatalon na lang ako para matapos na ang paghihirap ko!"
Frustrated na sabi nang babaeng ulikbaOhhh! so sad namang magkaroon ng life na katulad nya.
"Wag na aleng ulikba. Pilay lang pinakamalalang makukuha mo sa pagtalon dyan. Gastusin ka pa nyang sirang plaka sa baba" Tukoy ko sa lalaking kanina pa hiyaw ng hiyaw sa baba.
Eh pano naman kasi isang palapag lang naman 'tong lumang building na to.
"Miss parang awa mo na wag kang tatalon!" Sigaw ulit nung lalaki.
"Bakit ba?!" Galit na sigaw nung babae.
"Eh kasi yung kotse ng amo ko nakapark sa baba mo. Pagtumalon ka baka magagasgasan. Ako magababayad nyan pagnagkataon."
Wahahaha! Kaya pala sya sumisigaw.
"Oh miss wag ka daw tumalon. Baka makasira ka pa ng gamit. Wala ka pa namang pambayad." Sabay talon ko sa baba.
At sa di inaasahan nadulas ako bago pa makatalon. Kaya di ako nakabuwelo.
"Waaaaah anak ng pitongput pitong tupang pinagpatong patong!!" Nagdidileryong sigaw ko.
Waaah Tropang God tulong naman diyan!!!
Nakikita ko na ang liwanag ng biglang may magsalita.
"Hey miss, are you okay?" sabi ng isang baritonong boses.
Teka! Nasa langit na ba ako? Bakit may anghel?
'OA lang? Duh sabi mo nga bali lang ang pinakamalalang aabutin diba?' Sabi ng echosera kong konsensya.
'Eh paki mo ba?' Galit na sigaw ko sa kotrabida kong konsensya.
"Miss? Miss?" Ulit ng anghel.
Maniniwala na sana akong langit ako kung....
"Waaaah! manyak! manyak! manyaaaaak! Ibaba mo kong manyak ka!" Sigaw ko.
Kung hindi nya hinawakan ang dibdib ko!!!
Kinuha ko ang babasaging bote sa tabi ko.
"Hey! Hey! Sorry sorry! I didn't mean to do it! Drop that thing will you?" Pagpipigil nya sa ginagawa ko.
"Waaaaah! Magbababayad kaaaaa!" Galit na sigaw ko.
*Pause*
Ano nga kayang magiging reaksyon ko kung ang buhay ko ay isang malaking JOKE lang?!
Tara samahan nyo kong alamin!
Kung anong magiging buhay ng isang katulad ko. Bago ko mahanap ang aking. MY PERFECT YOU.
BINABASA MO ANG
My Perfect You
RomanceAno kayang mararamdaman mo pag nalaman mong ang buhay mo ay isang malaking joke lang Matutuwa ka ba? Malulungkot? Magagalit? Ako si tootsy. Nakatira sa isang butas at sira sirang bahay. Walang nanay. Pero mahal na mahal ni tatay. Maayos naman ang bu...