Ang Buhay ni tootsy
-------
NAGLALAKAD ako palapit sa man of my dreams ko. Ikakasal na ko sa kanya!
Waaaah ang swerte mo talaga tootsy!
Ito na. Malapit na ko sa kanya.
Tumigil ako ng may marinig ako kalembang ng kampana.
Huh? Anong nangyayari?
"Tootsy! Tootsy! Gising na!" Sigaw ng isang lalaki.
Teka! Si tatay yun ah!
Nagmulat ako ng mata at nakita ko si tatay na akmang ihahapas na sakin ang kalderong hawak nya.
"Waaaah! Tay naman taympers lang! Ito na nga po oh gising na ako!" Dali-dali akong tumayo at baka mahampas pa ako ni itay ng kaldero.
"Ikaw kasing bata ka! Alam mo ba kung anong oras na?!" Sigaw nya sakin.
"Tay naman ginising nyo lang ba ako para tanungin kung anong oras na?"
Nagdadabog kong sabi.Eh pano naman kasi! Chance ko na yun para makita ang lalaking pakakasalan ko!
Tapos bigla na lang nya kong gigisingin para magtanong ng oras?!
Bad trip naman oh!
"May orasan naman po tayo sa salas dun na lang po kayo tumingin." Tsaka ako humiga ulit sa papag at pumikit
Baka sakaling bumalik pa yung panaginip ko.
"Hoy bumangon ka na jan!" at tuluyan na ngang hinampas ng tatay ang kaldero sa ulo ko.
"Aray! badtrip naman tay oh! bat ba kayo nanggigising eh ang aga aga pa naman!" Inis na sabi ko.
"Hoy! para sabihin ko sayong bata ka! alas nuwebe na ng umaga! may balak ka pa bang pumasok ng talyer ha?!" Sigaw nya ulit sakin.
'Tay naman di ba kayo marunong huminahon?' Bulong ko sa isip ko.
"Aba'y mahiya ka naman sa ninong mo pinapasok ka na nga doon babatubatugan ko pa!" Dagdag ni tatay pa sa mahaba litanya nya.
Ay anak ng- may pasok nga pala ako!
Siguro nagtataka kayo kung bakit sa talyer ako nagtatrabaho no? At hindi sa mga salon jan. Well mamaya maya malalaman nyo kung bakit.
"Naku itong batang 'to talaga! Bilisan mo jan!" Sabi ni tatay
Hindi ko na pinansin ang tatay ko kanina pa dada ng dada at nag mamadaling tumayo at lumabas ng bahay.
Bakit ako lumabas?
Nasa labas kasi ang banyo namin.
"Oh! Sino pang manliligo limang piso lang!" Sigaw ni Temyong nung malapit na ako sa banyo.
Teka sinabi ko bang banyo NAMIN?
Ang ibig kong sabihin don ay....
Nasa labas kasi ang banyo ng BUONG BARANGAY NAMIN.
"Oh Pareng Tootsy! Liligo ka ba?" Tanong sakin ni Temyong.

BINABASA MO ANG
My Perfect You
RomanceAno kayang mararamdaman mo pag nalaman mong ang buhay mo ay isang malaking joke lang Matutuwa ka ba? Malulungkot? Magagalit? Ako si tootsy. Nakatira sa isang butas at sira sirang bahay. Walang nanay. Pero mahal na mahal ni tatay. Maayos naman ang bu...