Chapter 1

70 11 63
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Poles Apart

©️All rights reserved 2019

-
Summer's POV

"Be cool at school. Learn, laugh and have fun."

Oh, pak! may pa quotation si mayoraaa! hahaha. Oh, ano ba kaseng ganap sa quotation na 'yon? Ano meron? Bat may ganong eksena?

Eh kasi nga today is the first day of school year. And as usual, usong-uso ang mga pa newlook effect.

May bagong rebond, may bagong kulot, may bagong gupit, at may... hmmmmm, bagong jowa na naman si ate girl, hala oh look guys nakikita niyo ba yung nakikita ko?

Omg! Ang haba talaga ng hair ng frenny ko oh. Precious Gee is With Jethro Adriano? Is that real? My gaaaad nagbakasyon lang, iba nanaman ang jowa ng gaga, teka nga at malapitan.

For your information guys, Jethro Adriano is a Famous Varsity player here in our university. And the heck! He's a playboy sa pagkakaalam ko ha. Pero, sa bagay parehas naman silang papalit-palit ng jowa, bahala sila basta ako? Wala. Walang jowa haha.

"Oy, friend. Ano 'to? Kayo na ba? Ayieeeee, tarayyyyy ang pretty hahaha" biro ko kay precious ng makalapit ako sa kanilang kinauupuan na bench sa tapat ng cafeteria.

"Obvious ba friend? Hahaha, oh ikaw nagboyfriend ka na ba? Ano balak?"

"Grabe yung, nagboyfriend ka na ba friend ha. Hahah, di ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis e, alam mo namang wala pa sa isip ko yung mga ganyang eksena. At saka, makita ko lang kayong naghaharutan ni Jethro masaya na 'ko ayieeeeee" Wika ko, na naging dahilan para ngumisi si Jethro.

Oy, kayo jan baka akala niyo magkakilala kami ni Jethro, sikat siya dito sa school kaya talagang makikilala at makikilala ko siya, pero ako? Isang normal na studyante lamang ng Universidad na 'to. Ngayon pa lang siguro ako nakita ng lalaking 'to pero infairness ha, napangisi ko siya. Bongga!

"Baliw ka talaga, eh kaylan mo balak magboyfriend? Kapag malapit na ang paghuhukom? Hay nako, tatanda ka talagang dalaga."Ani precious na para bang miriting miriti na talaga siyang pag boyfriend'in ang NBSB niyang bestfriend.

Oh, windang ka no? Oo tama ang narinig mo, NBSB. As in, No Boyfriend Since Birth. Eh, kasi naman lahat ng nanliligaw sakin tinatakot yata ng childhood best friend kong si Mico. Short for, Michael Conrad. Taray ng pangalan no? Mamahalen.

Ahead si mico ng 2 years sa akin. 19 siya 17 ako. 1st year college na siya at dito lang den sa university na 'to siya nag aaral. Habang ako naman, Grade 12. Ang pinakamagandang Grade 12. Charot

So, yun nga. Lahat ng manliligaw ko, kaylangan daw ipakilala ko sa kanya, tapos ang palaging ending lagi silang tumitigil na ligawan ako. Hindi ko alam kung tinatakot ba sila ni mico or what. Pero okay lang naman kasi, As what I have said a while ago, ayoko muna ng mga ganyang eksena.

"Pag dumating na yung mga bias ko from korea saka na ako magboboyfriend." biro ko kay precious na apura ang nguya ng french fries na di manlang mag alok, charot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Poles ApartWhere stories live. Discover now