"wow!" nasambit ko nalang sa aking sarili.
gusto niyong malaman kung bakit? wag na! akin nalang yun. XD
Andito kasi ako sa park ngayon, sa isang napakaganda at kamangha-manghang park. Nakapagtataka. hindi ko alam kung paano ako nakarating sa lugar na ito ang alam ko lang ay nasa kwarto ako at ipinikit ang aking mata at pagdilat ko andito na ako. Pero paano kaya talaga?? alam niyo ba? pero wala na akong paki kung paano ako nakapunta dito. hahahaha
Naglibot-libot na ako sa park. Ang nakapagtataka ay wala ding katao-tao man lang ang nandito, ako lang talaga. Weird! tsss. At sa aking paglilibot may nakita akong pond. dali-dali akong tumakbo dun sa may tulay.
Hahaha ang nice naman dito. Ang cute ng mga isda may kulay orange, yellow at red. bat walang violet? tsk.tsk favorite ko pa naman yun.
*kruuuuugg*
Ayy Sheezzz naman panira ng moment. May makakain kaya dito? hmm..
Naglibot nalang ako sa park nagbabasakaling may makitang makakainan. At sa aking paglilibot nakakita ako ng Cottage. pinuntahan ko iyon at may nakita akong nakahain na pagkain sa Mesa. Lalapit na sana ako ng may nagsalita. tinig ng isang lalaki.
"Sa wakas at dumating kana din" sambit niya.
Nilingon ko yung Guy at laking Gulat ko ng siya ang nakita ko.
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up(Brace Arquiza) fanfiction
FanfictionSa mga makakabasa po nito. Sana magustuhan po ninyo! :) nagawa ko ang story na ito ay dahil sa baliw na talaga ako kay braceeee.. Alam ko ang iba sa inyo Crush din siya. pero hindi ko siya crush dahil.. mahal ko na siya. hahahaha Alam ko wala akong...