tapos na ang mall show. at ayun pauwi na ako. kung maitatanong niyo kung asan si Patricia? ayun naglandi. may date padaw sila ng Bf niya at Oo may bf siya pero baliw sa Gimme 5. Ayos din! hahaha Pero mas gusto niya daw bf niya. kaya nga dahil bf niya ang mas gusto niya ayun iniwan ako. grabe din siyang kaibigan no! ambait, grabe
Naglalakad ako ngayon palabas ng mall. tatambay muna siguro ako ayoko pang umuwi eh. Naupo ako sa may Bench doon(Imagine-nin niyo nalang po) at nag muni-muni. 7 pala natapos ang mall show nila at sa inaasahan hindi na naman kami napansin, hindi rin kami nakamayan. Bakit ba ganun? ang malas talaga. sign ba yun na dapat ng mag give up? pero hindi! hindi ako susuko. I wont Give Up.
*Mama calling*
-oh anak, asan kana? "uhmm ma. andito pa ako sa mall mamaya nalang po ako uuwi jn"
- sige anak! nakakain kana ba? "wala pa. pero kakain nalang siguro ako dito. text ko nalang kayo kung pauwi na ako."
-sige anak. ingat "opo"
Binalik ko na ang phone ko sa bag. Nag mumuni-muni ako ulit. Saan na kaya ang Gimme 5? si brace nakauwi na kaya siya? sana okay lang siya.
hayyysh! Baliw na talaga ako sa kanya hahaha. napapangiti ako ng wala sa oras hay naku! brace lakas talaga ng tama ko sayo.
Umalis na ako sa kinauupuan ko at pumasok sa loob ng mall.
sa inasal nalang ako kakain.
Papunta na ako ng inasal ng biglang naramdaman kong naiihi ako. "pasaway talaga" nasambit ko nlng. pumunta na akong C.R. Pagkatapos umihi naghugas muna ako ng kamay ko at nag paganda na din hahaha naks! paganda pa yun? haha.
' wag sana mabasag yung salamin'
naku tumahimik ka jn Utak kung ayaw mong pasabugin kita! XD
Natapos na ako at papalabas na ng may nabangga akong lalaking naka hoodie.
"ano ba?!" galit niyang sabi.
"sorry!"
"sorry? sorry? yan lang ba ang masasabi mo?" aba. nakakagaga to ahh maupakan nga! di JOKE lang.
"oo sorry, alangan naman thank you ang sabihin ko diba? buti nga nag sosorry na eh atsaka ano bang kinagagalit mo huh?! nabunggo kalang parang mamamatay kana. OA huh? Masyado mo atang idol si Joaquin Manansala niyan." galit kong sabi sa kanya na may halong pabiro. nakakainis kasi. atsaka totoo naman eh ang OA niya
"tch. WALA kana dun! Tabi" wala talagang modo. tabigin ba naman ako. bwisit! hmmp.
bago siya tuluyang makalayo ay nagsalita ako.
"Wala kang sariling originality. Feeling mo ikaw si Joaquin sa G2B at naka hoodie kapa huh?! Feelingro"
"paki mo. Gwapo ako eh!" hanudaw???! yabang huh
tsk. makakain na nga. Gutom na ako eehh!
*fastforward*
Nandito na ako ngayon sa bahay. Pagka dating ko ng bahay ay dumiretso ako agad sa kwarto ko pero pinansin ko din naman sila mama.
Hayyyyyyyyyyyyy! humiga ako sa kama ko at napatingin sa poster ng aking Pinakamamahal na si Brace. Napangiti naman ako ng bahagya. Ang Gwapo talaga niya Suuuuuperrrrr! :) Inlove na talaga ako sa kanya hahaysss.
' paki mo. Gwapo ako eh! '
Lintik. bakit nasingit yun! atsaka yabang yabang naman ng lalaki na yun sino ba yun? kapal niya Gwapo daw siya. san banda? taz wala pang sariling originality gayahin ba naman si Joaquin Manansala, naka hoodie pa kasi knina. Pero siguro kaya naka hoodie yun kasi Mukha nun napinsala! wahahahaha XD. Joke lang yun. makapanglait din ako eh wagas wagas.
Pero bakit ko ba iniintindi yun? pero alam niyo kasi kaboses niya si Brace ko. hayy ewan! imposible din dahil sure akong nakauwi na ng oras na iyon sila Brace.
Makatulog na nga at baka matuloy na yung sa panaginip ko. hahahaha
Sana!
BINABASA MO ANG
I Won't Give Up(Brace Arquiza) fanfiction
FanfictionSa mga makakabasa po nito. Sana magustuhan po ninyo! :) nagawa ko ang story na ito ay dahil sa baliw na talaga ako kay braceeee.. Alam ko ang iba sa inyo Crush din siya. pero hindi ko siya crush dahil.. mahal ko na siya. hahahaha Alam ko wala akong...