"Uy best! Libre ka ba mamayang 6?" Sarah
"Bakit?" Takang tanong ko
"Birthday kasi ni erol eh" psh. Erol nanaman.
"Oh? Eh hindi naman kami close nun eh.." at ayokong maka close yun.
"Eh ini invite nya kasi tayo.. please?" Ano pa nga bang magagawa ko?
"Ok. Susunduin nalang kita sainyo ng mga 5:30.. alam na ba to nila tita irene? Baka mayari ako jan"
"Oo nagpaalam na ko no.. sge uwi na muna ako ha! Bbye" nag wave na sha at umalis dahil anjan na yung driver nya.
Hay at ako? Dumiretso na sa parking lot. Lunch na ngayon, halfday lang kami dahil next week graduation na..
Ayun na nga ang nangyari, sinundo ko sha nung hapon at pumunta sa isang resort, swimming party daw eh.. pagdating namin doon marami na ding tao, naging ok naman yung party.. nagpaiwan na doon si sarah dahil 9 palang ay umuwi na ko. Ihahatid naman daw sha..
AFTER 5 DAYS
"Hey renz nakita mo ba si sarah?" Nakatingin sakin ang namumula nyang mata.
"Ewan ko. Diba ikaw dapat ang may alam dahil ikaw ang boyfriend nya."
"Eh bestfriend mo yun eh.. tska bibigay ko lang sana tong regalo ko. Sige pare hanapin ko lang.." pinakita nya sakin ang pink na maliit na box at umalis na. Advance gift siguro for grad..
GRADUATION DAY
Mag iistart na yung ceremony pero wala pa si sarah, nakakapag taka naman dahil nung isang araw lang eh excited sha. Hay.. valedictorian pa naman yun.
Hanggang sa natapos na yung ceremony at wala ngang dumating na sarah. Ano kayang nangyari.. ang araw na to matagal naming hinintay tapos hindi sha pupunta? Wth.
*bzzzzzzzzt*
1 new msg fr tita irene
Anak.. pumunta ka ngayon dito sa St.Mary Hospital..
Ano kayang nangyari. Sa sobrang kaba ko. Hindi ko na namalayan na nakasakay na pala ko ng kotse at nag ddrive papunta sa ospital. Tinext rin ni tita sila mama kaya susunod sila.
Sa hindi malamang dahilan, bigla nalang nag traffic, napa hampas nalang ako sa manibela.
Nag decide nalang ako na iwan yung kotse ko at takbuhin nalang yung ospital.. habang tumatakbo ako. Bigla namang bumuhos ang ulan..
Sarah. Bakit mo ba ako pinag aalala ng ganito..
Nakarating ako sa ospital na basang basa. Hinanap ko agad kung nasan si sarah.. habang naglalakad ako sa hallway.
"Hindi totoo yan!! Sarah anak!!" Nakita ko si tita irene na umiiyak habang yakap ni tito edward at kaharap ang isang doctor..
Nilapitan ko sila para malaman ang nangyayari..
Iyak parin ng iyak sila tita irene.. Bigla nalang din tumulo ang luha ko, pakiramdam ko unti unti na kong lumulubog sa kinatatayuan ko..
"Iho.. si.. si s-sarah.. kinuha na s-sha s-satin.." hirap na hirap si tito sa pagsasalita..
Kahit nanlalambot ako ay hinanap ko yung doctor na kausap nila kanina at tinanong ang nangyari..
"Iho. Alam mo na siguro ang sakit nya sa puso hindi ba?" Tango tango lang ako
"Nag take sha ng drugs, illegal drugs. And base sa pagsusuri na rape din sha. Im so sorry iho.."
Bumaha nanaman ang luha sa mga mata ko.. kaya pala. Kaya pala nung araw na yun hinahanap nya si sarah.. regalo?! Eto ba yung regalo nya sa bestfriend ko?! Tama ang hinala ko noon pa. Na addict si erol.. pinilit nya si sarah na gumamit non. Pinag samantalahan pa nya..
Lumabas na ko sa office nung doctor at pumunta sa morge..
Nilapitan ko ang bestfriend ko..
"B-bestfriend.. alam mo? Ang ganda ng graduation natin. Diba nga valedictorian ka? S-sorry ha? Hindi kita nailigtas kay erol. Kung alam ko lang. Kung alam ko lang.." bumuhos nanama ang luha ko..
"May sasabihin pala ako sayo.. alam mo bang grade 5 palang tayo gusto na kita? First year nung sobrang mahal na kita nag decide ako na ligawan ka pero mas pinili ko yung friendship natin.. sorry ha? Kasi kung inamin ko noon pa baka hindi naman nangyari to.. Mahal na mahal na mahal na mahal kita bestfriend." Niyakap ko sha habang nakahiga sha at pagkatapos ay humalik ako sa noo nya.. ang luhang to. Siguro hinding hindi na muling titigil pa..
THE END
BINABASA MO ANG
my bestfriend's boyfriend (a one shot story)
Teen Fictionadopted story po ito from rowwy :) haha thank yeah.