CHAPTER 2

3.2K 68 1
                                    


- After a week –

She just can't accept everything, kinausap nasiya ni Nanay Cristy at ang tanging sagot lang niya. 'I'm Fine Mom. Pagod lang ako.'

She made a decision to confront Cathleen. Kakausapin na niya ito and She textedher.

To: Bab

Hey Bab, pwede ba tayong magkita today? I will fetch you sa office mo.

SENT


*Brrrrrr Brrrrrr Brrrrrr"

From: Bab  

Hey Bab! Sure! Free naman ako tonight. See you later!

At nung mabasa niya biglang tumulo ang mga luha niya.

"Bwesit na mga luha to,*sigh* kaya mo to Cha! Fighting!" she fixed herself before she left her office.

Pumunta si Cha sa isang coffee shop. Dahil makikipag kita siya sa isa niyang kaibigan na may kakilalang Private Investigator.

"Cha! Here!" Kaway ng isang lalaki na di masyadong katangkaran at isang moreno medyo wavy ang buhok at may malalaking mata, parang sabog palagi.

"Ian, kumusta?" at nakipag kamay si Glaiza sa kanya. Kasama ni Ian ang P.I.

"Pare paki bigay na yung envelope sa kanya." Senyas nito sa P.I.

"Ma'am sa pagmamanman ko sa kaniya for a week, ermm. Confirm ko po na may relasyon silang dawala, and the worst part is palagi silang nag momotel. Halos araw araw, ko po silang nakikitang lumalabas ng motel or inn. I'm sorry to say, but you need to know the truth ma'am." at pina hinto ni glaiza sa pagsasalita ang lalaki.

" I know. I will confront her tonight. " sabay kuha ng envelope, galit lang ang bumabalot sa puso niya.

kahit sobrang sakit ng nararamdaman niya. Still binuksan niya ang envelope sabay hila sa mga litratong nagpapatunay sa pangangaliwa ng kanyang minamahal, at sabay ding umagos ang mga luha na ayaw na niyang lumabas sa mga matang pagod ng umiyak.

"Uhmmm.. Cha.. I will support you kung anong gagawin mo.. If gusto mong ipa tumba yung lalaki may kakilala kami ni Junie na. Alam mo na." Glaiza smirks, and shook her head.

"Ian.. Hindi ako ganung tao.. By the way.. Thank you sa offer. I can handle this everything, settled na ang lahat bago pa ako makipag kita sa inyo." she offered a handshake.


"Ian.. Ikaw muna bahala sa ibang investments ko, please handle it with care. Kasi kung hindi alam mo na." she smiled and left with a smirk.

Napalunok nalang si Ian sa sinabi ni Cha he knows how crazy this girl can go.


LATER THAT DAY

She arrived earlier than the usual nasa tapat siya ng commercial building ng work place ni Cathleen she rented a car para di siya mahalata ni Cathleen. Then and there she saw Cathleen with that guy in the picture, she was all smile and pabebe pa, Glaiza form a fist and she can't take it at lumabas siya sa sasakyan niya sabay sigaw nga pangalan nga minamahal.

"Cathleen!!" Sigaw niya sabay lakad palapit sa dalawa.

"Bab?! What are you doing here? Ang aga mo ata?" gulat na sagot ni Cathleen sabay tingin sa lalaking nakatayo sa bandang likuran niya.

"Oo ang aga ko nga eh. Sa Sobrang aga pati ikaw na huli kong nakikipag lampungan sa lalaki mo."

"Glaiza lower down your voice. Nakakahiya." Diin na sabi ni Cathleen

"Hiya? Meron ka pa ba non? Na hiya ka ba na halos araw araw kayong nag momotel" Diing pagkasabi ni Glaiza. "at alam lahat ng tao na girlfriend kita. Yes! Alam ko na!" Sabay hagis ni Glaiza sa envelope na puno ng pictures ni Cathleen at nung lalaki.

"BAB!! PLEASE! forgive me." Sabay iyak at luhod ni Cathleen. Madami ng nagsitinginan sa kanila dahil sa ginawang pag luhod ni Cathleen at sa mga letratong naka kalat sa pathway.

Madaming taong nag bubulongan at nang huhusga.

"kasalanan naman pala ng babae eh. May syota na naghanap pa ng iba. Tsk. Di na nakuntento."

"Tama nga ako besy di pa hiwalay si ma'am Cathleen at ma'am Glaiza. Tsk. Ang landi pala ni ma'am Cath. Sa makati ata to naka tira." Sabi ng isang bakla sa babaeng kasama niya.

"Cathleen stand up! Wala kang karapatang magpa awa at magmaka awa. You will never see me again. BREAK NA TAYO. Put*ng *na mo!" sabay tulak kay Cathleen and she ran to her car. With a blink of an eye nawala na sa landas ni Cathleen si Glaiza.

- After makipag confront ni Glaiza kay Cathleen, she went to Mike's House and she poured her heart out. Iyak, hagulgol, tili na may kasamang sakit ang tanging naririnig ni Mike galing sa kaibigan. Habang si Mike di mapakali dahil mag isa lang ito sa bahay niya wala kasi si Brian hiniram nang nanay niya.

"tsong.. Uhmmm.. Gusto mo ng tubig?.. Kukuha muna kita ah?"

"tsong bakit ganun? Di pa ba siya kontento? I mean lahat naman ng tao di nakukuntento pero puta naman! Aghhh Aghhh." Mike pulled out his phone from his pocket.

"Hello? San na ba kayo? Ang hirap na ako lang mag isang kakausap sa kaibiga natin! Chyns!" Sabi ni mike

"Mike papunta na kami ni Ben dyan. Ano ba kasi talagang nangyari. Kausap ko si Cathleen iyak lang rin ang sinasagot. Bwesit naman. Sino ba nakipag Break?" tanong ni Chynna sa kabilang linya.

"Si Glaiza nga diba?" na frufrustrate na si Mike dahil di niya alam anong gagawin.

"Oh si Glaiz--Omygeeed!! Sinabi na ni Glaiza ang totoo kay Cathleen na alam na niya ang lahat!"

"Oo malamang! At dapat lang!" Sabay tingin sa kaibigan nakahiga sa sofa neto.

*Ding ding Ding dong*

"Wait lang Chyns, may nag doorbell. Baka si Ben nato."

"Chyns bilisan mo nang pumunta dito!" at binaba na ni Mike ang Tawag, patakbong bumaba si Mike sa labas at binuksan ang Gate.

"Ben! Bilis di ko na alam ang gagawin eh." Sabay bukas ng main door ng bahay nila,kasunod naming pumasok ang kaibigan.

"Naku! Talaga tong bruhang to. Pag nainlove wagas! Siya panaman nag turo saken pano lumandi! Tapos ngayon iiyak iyak. Tss"

"Malamang ngumangawa, masakit eh!" sabi ni Mike at pumanik sa sila pa akyat sa entertainment room sa bahay nina Mike.

"Sabagaynung ikaw nga. Nung nalaman mong may ibang lalaki yung nanay ni Brian diba?Halos di mo kami patulugin.. Tsk" Sabi naman ni Ben kay Mike namukhang kinukumpara ang mga nangyari noon.

"shut up!" sabay binatukan ni Mike si Ben.

Pag pasok nila sa Entertainment Room nakita nilang naka handusay ang katawan niGlaiza at wala na itong malay.

"P*tang -- Chaaa! Mike!" sabay tili ni Ben.

"Shiit! Cha! Gising! Cha! Ben kaya mo ba siyang buhatin? I hahanda ko angsasakyan" sabay tingin kay Ben.

"ang bigat-bigat netong babaeng to.. 1.. 2..3.. Ughhh! "

Binuhat naman ni Ben si Glaiza sabay lakad takbo pababa, habang nag aantaynaman si Mike sa sasakyan niya.

"Mike sa pinaka malapit na ospital.. Daliiiii!" tili ni Ben.

-----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

Sorry Sa lame kong story I hope mapanindigan ko to! Salamat sa nagbabasa neto.

Comment and Likes is Very well Appreciated! 


sa susunod na kabanata!

Why? [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon