Napost ko po ito sa other acct ko. at pinost ko ulit dito.
Trip ko lang XD
“Mahal Kita, Walang Iba”
“kinasusuklaman kita!”, sigaw niya sabay duro sa akin.” sana hindi na kita nakilala!”.” Napakasama mo! Alam mong hanggang kaibigan lang Dana. Hanggang bestfriend lang ang maibibigay kong pagmamahal sa iyo.” Pero hindi ka nakuntento ! At ngayon, ano ito?! Magpapakasal tayo? Kinulam mo ba ang mga magulang ko para mapapayag sa walang kwentang bagay na ito?!”,buong puot at pait niyang sigaw sa akin.
Hindi, Just, making ka sa akin. Pakiusap magpapa-
Magpapaliwanag?! No need Dana ! Tapos na. Eto nga at kasal na tayo ! Nakatali na ako sayo ! Ano? Masaya ka na!?
Justin, mahal kita. Pakiusap. Makinig ka sa akin. Nagawa ko lang naman ito dahil mahal na mahal talaga kita. Just, kahit anim na buawan lang. Please. Mahal kita Justin.
Hindi. Hindi mo ako mahal Dana. Isa lang akong bagay na gusto mong ariin. Laruan lang ang tingin mo sa akin na pagkatapos mong pagsawaana ay basta basta mo na lang itatapon. Ikaw na nga ang nagsabi, anim na buwan lang. Grabe! hindi ka na nahiya sa akin! Nakasuklam kang babae ka! I HATE YOU!, huling sigaw niya matapos suntukin ang pader at lumabas nang masamang-masama ang loob.
Naiwan ako. Umiiyak. Nakatulala sa siradong pintuang linabasan niya. Hilam na ang mukha ko ng luha mula kanina. Ako si Dana. Danabelle Ricarforte, at ngayon ay Danabelle Ricaforte Montemayor na. Masasabi kong maganda ako. Ang mga mata ko daw ay parang nangungusap. Kumikislap at tumitingkad ang pagka brownish kapag masaya ako. Maputi at mamula-mula ang aking balat. Mestisahin kumbaga. May balingkinitan din akong pangangatawan tulad ng isang modelo. Mataas din ang aking pinag-aralan. Nakapagtapos ako sa UP ng Cumlaude.
Perpekto. Iyan ang tingin sa akin ng lahat. Ngunit kung ako ang tatanungin, hindi. Ano na lang ba ang silbi ng pagiging perpekto ko kung ang tanging lalaking minamahal ko ay halos kasuklaman ako.
Si Justin. Justin Joseff Montemayor. Hay, ang tanging lalaking tinitibok ng aking puso. Ang aking “childhood friend”, “unang kapareha sa school project”, “unang halik” pero syempre sa pisngi lang. tatlonng taon pa lang kami kaya noon. Ang aking “bestfriend” na ngayon ay asawa ko na. Asawa sa papel.
Siya ang totoong perpekto. Gwapo. Oo, sobra. Magmula siguro sa paa papuntang buhok ay perpekto siya. Sa mga asul niyang mga mata na parang nanghahalina, hindi mo talaga maalis ang iyong tingin. Sa ilong niyang halos perpekto ang pagkakatangos. Sa katawan na tila hinubog ng iskultor. Matalino rin siya, tulad ko ay nakapagtapos din sa sa UP. Summa cumlaude. Ang talino!
Pero kahit ni isa sa pisikal niyang aspeto ay hindi ko hinagad. Simple lang naman ang hanggang ngayo’y pinapangarap ko. Sana makita niya ako bilang isang babae, babaeng nagmamahal sa kanya. At sana, mahalin niya rin ako tulad sa nararamdaman ko ngayon.
Mahigit dalawang buwan nankaming nagsasama sa iisang bubong. Dapat ay maging masaya ako. Pero lalo yata akong naghihirap. Halos di niya ako pansinin. Kakausapin niya lamang ako kapag kailangan. Sa magkaiba rin kaming kwarto natutulog. Ni hindi niya ginagalaw ang mga pagkaing inihahanda ko palagi sa kanya. Hindi niya rin sinusuot ang mga damit na naihanda ko para sa trabaho niya.
Oo masakit. Sabihin niyo nang martir ako. Na Tanga ako. Pero masisisi niyo ba ako, nagmamahal lang ako. At titiisin ko kahit anong hirap, kahit anong pang babalewalang ginagawa niya sa akin. Pasasaan ba’t mapapansin niya rin ako. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Ngayon pa’t nalalabi na lamang ang mga araw ko dito sa mundong ibabaw.
Pero isang gabi nang umuwi siya. Nagulat akong may dala siyang pagkain.
“Tinext kita na ditto ako maghahapunan”, salubong niya. Medyo maaliwalas na ang mukha niya. Di kagaya ng dati na halos pasan niya ang mundo dahil palaging nakasimangot.