CHAPTER 2

74 2 2
                                    

XAVIER'S POV

"Par, okay ka lang??" tanong ko kay Apple at inabot yung iced tea.

"A-ayos lang p-par" at nauubo pa din sya.

Ano kayang nangyari dito?

Iginala ko ang aking paningin.

Madaming tao.

Mahaba na ang mga pila sa counter.

Natuon ang tingin ko sa isang lalaki, lalo na doon sa kasama niyang babae.

Habang tinitignan ko yung girl, tumingin din siya sa direksyon ko. 

Nginitian ko sya.

Imbes na ngumiti din ito, ngumuso lang at inirapan ako.

Ang taray naman.. sa loob loob ko.

Bumalik ang tingin ko sa lalaking kasama nito.

Biglang may kung anong idea ang pumasok sa isip ko.

Ahhhhh... Si Marcus pala yun.

Pero bat sila magkasama nung girl? Girlfriend ba nya yun?

SAYANG NAMAN...

"Oy par! Alam ko na kung bat ka nasamid"

"Huh?? Bakit naman?" nagtatakang tanong ni Apple

"Dahil dun no?" at inginuso ko si Marcus

Lumingon si Apple at bigla ding humarap sa akin.

Natawa ako.

"Bat namumula ka?" pang-iinis ko

"Namumula?? Di ah! Bat naman ako mamumula?" tanggi nya

Sinundot ko yung kanang pisngi nya.

"Kunwari ka pa! Syempre mamumula ka, si Marcus yun eh"

Pinandilatan lang nya ako ng mata at di na umimik.

Natatawa ako na napa-iling at inubos na ang pagkain.

SECRET LANG NATIN TO HA..

CRUSH KASI NYA SI MARCUS. HAHA. XD.

MARCUS'S POV

Nandito kami ni Trixie sa canteen.

Nakanguso siya kasi hindi ko pinagbigyan ang gusto nya na sa labas kami maglunch.

Di ako pumayag kasi may klase pa ako ng 1:00 pm at baka ma-late ako pag lumabas pa kami ng school.

I'm Marcus Drake Perez or Marcus. I'm a 3rd year BS Architecture student. Madaming nagsasabi na hindi daw bagay sa akin ang maging architect. Mas bagay ko daw maging artista o di kaya ay maging drummer ng isang banda.

YEAH RIGHT.

Bukod kasi sa pagdo-drawing at hilig ko sa numbers, nagpapart time din ako sa pagmomodel at hilig ko din ang tumugtog ng drums.

Mahilig din ako sa music.

Katunayan, member ako ng isang banda nung high school ako. At syempre, ako ang drummer.

Pero simula nung mag-college na ako, hindi ko na nabigyan pa ng oras ang pagbabanda dahil sa sobrang hectic ng sched ko. Ang hirap kaya maging Architecture student! Puro terror pa ang mga nagiging prof namin kaya mahirap talagang pumetiks.

Stress reliever ko ang pagtugtog ng drums or kung minsan ay pagtugtog ng gitara.

"Kuya, ayoko dito! Punta na kasi tayo sa Cafe Bene" si Trixie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sweet SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon